Apple of my Eyes

Sunday, April 05, 2009

Summer Splash!!!

Summer na naman kaya masarap na mag beach. Naaya kami ng mga kaibigan last friday sa isang private beach resort dito sa ksa. Matagal na rin kami rito pero hindi ko alam na mayroon din palang mga ganitong lugar dito na feeling mo wala ka sa saudi. Sarap din minsan ng nasa public place ka pero di mo suot yung abaya na malaking istorbo talaga sa pagkilos.

Medyo wrong timing nga lang yung outing namin dahil biglang umulan....hehehe. Napakadalang ng ulan dito sa saudi at natyempo pa sa swimming namin kaya medyo malamig. Super nag enjoy ang mga bata lalo si Josh dahil last swimming nila ay noong last summer vacation pa sa pilipinas.











Maganda yung place dahil may 3 swimming pool para sa mga ayaw sa dagat. May heater din ang mga pool kaya kahit malamig enjoy mga kids. May place din sa tabing-dagat na pwedeng pagtayuan ng picnic tent. Entrance fee is sr50/person (Php600)...hhmm...medyo mahal kumpara sa pinas pero worth naman sa saya at kahit sa sandaling pakiramdam na wala ka sa saudi.






Posted by Ann :: 6:57 AM :: 3 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------