Apple of my Eyes

Thursday, June 29, 2006

TAG-ay ni Master at Nang Ethel

TAG-ay sa akin ito ni Masterbetong noong panahon pa ng Hapon..hehehe. Sorry master ngayon lang nagawa.

Instructions:

Remove the blog in the top spot from the following list and bump everyone up one place. Then add your blog to the bottom slot, like so.

1. Superblessed
2. In My Pocket
3. Experimental ni jong
4. Masterbetong's on-going journey
5. Apples of my eyes

And now the questions…

* What were you doing 10 years ago?

Andito na sa Saudi, enjoy sa pagiging nanay.

* What were you doing 1 year ago?

ganun pa rin pero 3 na yung makukulit ko, apat pala.

* Five snacks you enjoy:

1. banana que
2. arroz caldo
3. pancit
4. sweet corn
5. chips

* Five things you would do if you were a millionaire:

1. uuwi na kami ng pinas
2. pauuwiin ko na rin mga friends namin..hehehe.
3. magtatayo ng negosyo
4. magtatayo ng foundation para sa mga abandoned children
5. tutulong sa charity

* Five bad habits:

1. telebabad
2. laging tulog
3. tamad gumala (pilitan pa)
4. madaling mabola ni Joshua
5. mag-iisip pa ako……

* Five things you like doing:

1. magluto
2. internet
3. chat on line/phone
4. yung hair ni tin2, gusto ko lagi ayusin kaya lang ayaw nya.
5. blogging

* Five things you would never wear again:

1. skirt na mataas ang slit
2. high heels

* Five favorite toys:

1. camera
2. computer
3. cellpone



Tag naman sa akin ito nung isang magandang dilag na may dalang bazooka kaya napabilis ang sagot, baka kasi pasabugin ang bahay ko.

GETTING TO KNOW YOU!

Name : Anna Liza ang real name ko. Ann for short

Country: Pinas syempre pero andito kami sa KSA ngayon.

Birthplace: Guagua, Pampanga (cabalen)

Birth Date: December, 1967

Zodiac Sign: Sagittarius, pareho pala kami ni nang ethel.

Any siblings? Yup! Isang kuya at 3 bata sa akin.

Schools : DHVCAT,bacolor,pampanga and Guagua National
College

Motto: Do unto others as you would have others do unto you..

GETTING TO KNOW YOU MORE!

Describe yourself: madali akong maawa and mahaba ang pasensya (nagbuhat ba ng sariling bangko).

Favorite Food: nothing in particular, hindi ako mapili.

FavoriteDrinks: iced tea, fruit juice.

Favorite Movie: horror, action

FavoriteActor:Steven Seagal!

Favorite Actress: Nagustuhan ko si Janice de Belen noon, now…wala masyado.

Likes: cooking, blogging (sa tao naman, yung masayang kausap)

Dislikes: conceited

Chumboys: madami nung highschool at college

Chumgirls: madami rin, barkada kami eh.

A LITTLE PERSONAL! (don’t be shy)

Who was your first crush: Yung friend ng kuya ko na magaling sa basketball, nalaman nya na crush ko sya, hiyang-hiya ako nun.

When/where did you meet: Nung highschool ako, isang baryo lang kami.

Who was your first kiss: pati ba ito? Teka ask muna ako permission.

Who was your first b/f: Eric (wag na last name)

Describe your first b/f: architect na sya ngayon, with 3 kids na rin (malamang nagbabasa rin ng blog ko..hehehe)

When/where did you meet: Klasmeyts ko sya dati nung higschool.

Are you still together: hindi na .

If not why: puppy love lang yun, kasama sa highschool life.

Do have any plans to get married: Oo naman! Kasal na nga eh.

What makes you love/like him: Tsek mo na lang kaya ? Puntahan mo yung bahay nya. Alam mo ba url?

Do you plan to have kids: Yes! Ultimate plan ko yun.

How many: 4 sana, kaya lang ang hirap mag-alaga ng mga makukulit kaya 3 na lang.

What have you learned from the circle of life?

They are my life..........



Posted by Ann :: 1:20 PM :: 22 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Monday, June 26, 2006

Summer in KSA

Summer na naman dito sa Saudi, kung sa pinas panahon ito ng mga picnic at swimming dito naman ito yung panahon na ayaw mong buksan man lang ang pinto para sumilip sa labas. Matagal na rin kami rito pero ito pa rin yung mga panahon na naiisip ko na sana nasa pinas na lang kami. Yung maliit namin na bintana ay tinatakpan pa ng karton bago lagyan ng blinds at patungan ng kurtina, para lang di mapasukan ng sikat ng araw. Kawawa ang mga aircon dahil 24 hrs na naman silang on duty. Buti na lang mura ang kuryente rito, suportado kasi ng gov’t.

Pag nakikita ko yung mga laborers sa construction na sa ganitong panahon ay andun pa rin sa tuktok ng ginagawang building at tinitiis ang tindi ng init, ano kaya ang pakiramdam ng mga asawa nila sa pinas? Sana alam din yun ng kanilang mga anak na sa halip na magtampo sa pagkawalay ng ama ay pagbutihin na lang ang kanilang pag-aaral. O ng mga asawa na kung gumastos ay para bang pinupulot sa disyerto ang pera.

Last Wednesday sa school ang daming bata sa clinic, halos nose bleeding ang dahilan. Natataranta tuloy yung nurse kung sino ang uunahin. Sakit din ng mga kids ko yun kaya lagi silang may nakahandang gamit sa bag. Kung tutuusin sandali lang naman yung time na expose sila sa init. Pagbaba sa bahay andyan na yung school bus, pagdating sa school malamig na. Yung PE room nila air conditioned din, di nila kakayanin kung sa gym pag summer. Pero araw-araw may reklamo sila, sana raw wala ng summer.

Kaya tuloy pagsundo namin sa kanila sa hapon ay latang-lata ang mga katawan. Umaalis sila sa bahay ng mga 7:30am then 4pm na ang labas nila. Maghapon sila sa school. Kaya sa kotse pa lang ay ganito na sila.

Summer


Pero madali naman silang gisingin, pag sinabi mong pupunta kayo sa Mcdo or KFC, walang problema nakangiti pa yang mga yan.



Posted by Ann :: 8:13 AM :: 37 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Thursday, June 22, 2006

One whole busy week

Last week, tumawag ang school nurse ng mga 10am at andun daw si Josh sa clinic, diarrhea and vomiting. Susunduin ko sana sya kaya lang takot naman akong mag taxi na mag-isa, so pinapahinga ko na muna sya sa clinic habang naghahanap ako nang susundo. Nakatulog naman sya at mga 2pm ay pinakisabay ko sya sa isang tatay ng kaklase nya.

Mainit na kasi ang panahon dito kaya uso na naman ang mga sakit. For one whole week ay sinamahan ko sya sa pagpasok , kaya di man lang kami nakapag celebrate ng anniversary, babawi na lang daw si KD pag ok na si Josh, di na sya nagsusuka pero may diarrhea pa rin, hayaan lang daw sabi ng doktor as long as ok naman sya at hindi dehydrated, sa lahat nga ng maysakit sya yung kain pa rin nang kain kaya di rin kami masyadong worried. Pero kahapon ibinalik ko sya sya doktor kasi nga 1 week na LBM pa rin sya, sabi ba naman ng doktor , "I have also diarrhea for 2 days now." Hehehe..natawa nga kami ni KD.

Kanina di ko sana sya papasukin kasi napapagod na rin ako sa pagpunta sa school. Ang init at kakasawa na rin ma ki chika sa mga ibang parents dun..hehehe. Kaya lang may program daw at sasayaw sila, so go na naman ako. Magdala raw ako ng camera at kunan ko sya.

Sabay-sabay palang sasayaw ang lahat ng grade one, ang dami nila, according to height pa, napunta sya sa likod, kaya di ko rin sya masyadong makita, di ko na sana kukunan. Pero nung mag start na yung music bigla nyang hinawi yung mga nasa harapan nya, gumitna sya sa harapan at doon nagsayaw. Tawanan nga yung mga tao dun kasi nagulat sila..hehehe. Sabi nga ng isang nanay, "Ann, dali! Kunan mo na si Josh, dinaan sa laki ng katawan." Kaya takbo naman ako malapit sa stage.

Ito yung papalapit na sya sa harapan......



Pag ka start ng music....gumitna na sya....



Naka pwesto na rin.....




Sayawan na......



Posted by Ann :: 2:35 AM :: 43 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Thursday, June 15, 2006

It's Our Day

It’s our 16th year anniversary tomorrow(church wedding), parang kelan lang 16 years na pala. I met KD in May 1989, naging kami ng August, married in December (civil) , mabilis daw masyado sabi ng mga friends ko, baka raw di kami magtagal o magkasundo. Hindi pa raw namin kilala masyado ang isa’t-isa. But believe it or not, yung sinasabi nilang adjustment period sa mga bagong mag-asawa, di yata namin yun naranasan. Nagkakaroon din ng mga tampuhan , natural lang yon sa mag-asawa pero di lumilipas ang maghapon na di kami nagiging okay. Hindi namin tinutulugan ang problema. Kukulitin ako nyan hangga’t di ako napapangiti.

Unang linggo ko sa office noon as personnel clerk, kung saan din si KD pumapasok , biglang nag day off yung isang radio operator ng planta, 24 hrs ang production kaya hindi pwedeng walang tao sa radio/telephone room. Pinaki-usapan ako kung pwede raw akong maging reliever that night, graveyard shift (11pm-7am). Pumayag na rin ako kahit medyo kabado rin.

Nasa isang room yung equipment, nag-iisa lang ako dahil bawal pumasok ang ibang tao run. Confidential kasi ang mga information doon. May trouble noon sa machine kaya busy ang mga telephone lines. Biglang may kumatok sa pinto at sabi kung kailanganin daw sya sa planta eh ring ko lang sya, uuwi muna sya sa housing at matutulog, di raw sya duty pero on call dahil mga may trouble. Si KD po yun. (di ko pa sya kilala noon).

After 30 minutes, tumawag nga ang mga nasa machine, kailangan daw ng mekaniko. So ring ako sa accomodation ni KD, sabi ko tawag sya sa machine , punta naman sya, naka bike lang kasi medyo malapit lang naman sa planta. After 30 minutes ulit follow-up call ang machine, asan daw yung mekaniko? Ring ko na naman si KD (nakabalik na pala ulit sa housing). Punta ulit sa planta. After 1 hour, tawag ulit. Maya-maya, kumakatok na si KD sa pinto, medyo galit. Sabi nya “Bakit ka ba tawag nang tawag eh mekaniko pala ang kailangan?” “Eh ano ka ba kako? Di ba mekaniko ka?” Hindi pala, sya pala yung engineer na naka duty sa computerized na makina ng papel, iba yung hawak nyang machine. Sabi ko “sorry, hindi ko alam, malay ko ba na hindi ikaw ang mekaniko eh ikaw yung nagpaalam then tyempo naman na may tawag ang machine, di mo naman sinabi na sa computer ka pala.” Nag sorry din sya kasi mainit lang daw ang ulo dahil wala pang tulog tapos 3X ko syang ginising para papuntahin sa planta eh hindi naman pala sya ang kailangan…hehehe… dun po nagsimula ang aming love story .


Nagpa civil wedding kami December 1989, hindi alam ng mga parents namin. I’m 22 then and he was 23. May tumulong sa amin para di na kailangan ng parents’ consent. After the ceremony, pipirmahan na sana nung judge yung marriage contract pero nakita nya bakit wala pang license number..hehehe..so baba muna si KD para kumuha ng lisensya sa kasal, napirmahan din naman agad. After the wedding tumuloy kami sa office kasi kami na lang pala ang hinihintay para sa x’mas party, revelation kasi ng kris kringle. Saan daw ba kami galing ? Sabi ni KD, "Pasensya na at late kami kasi nagpakasal pa kami , ang tagal magkasal nung judge." Natawa lang sila, walang naniwala..hehehe. After six months nagpakasal na rin kami sa church.



scan1 (Small).jpg

Posted by Ann :: 1:38 AM :: 60 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Monday, June 12, 2006

First day of school

First day ng school, nakakatuwang tingnan yung ibat-ibang reactions ng mga parents at estudyante. Pumayag kasi yung titser na pumasok muna yung parents sa loob ng classroom tutal unang araw pa lang naman. Yung iba kasi tulad ni Joshua eh ayaw mag paiwan. May mga kuha ako sa camera ng cel kaya lang di ko alam bakit di nag save, sayang.

May mga bata na parang takot at nakasiksik sa palda ng nanay, merong hila-hila ng tatay kasi ayaw pumasok ng classroom, merong takbo agad parang dun dating nakatira..hehehe.. at home agad. Then biglang may kalabugan sa kabilang room, merong isang nursery ang nagwawala, pinagsisipa ang pinto, gustong lumabas at uuwi na raw sya. Wala naman yung parents kasi parehong may pasok. Kalahating araw yatang umiiyak.

Habang nagsusulat sila biglang nagtawanan yung sa bandang unahan kasi yung isang bata hawak pa yung lapis at nakatutok sa papel pero nakasubsob ang ulo sa desk, tulog na pala. Nung snack time na buti napansin ko si Joshua, pati yung lunch eh kakainin na sana , actually nakasubo na pala ng rice..hehehe..sinarado ko ulit yung lunch box. Akala yata eh minsanan ang pagkain.

Sa mga sumunod na araw ay hindi na pwedeng samahan ang bata sa room, so tambay kaming mga nanay sa canteen. Ano pa nga ba ang pwedeng pag-usapan maliban sa mga anak naming estudyante kundi buhay ng may buhay. Kaya nga nung Wednesday ay hindi ko na sinamahan si Joshua tutal mukhang okay na sya, muntik nga lang mawala.





Posted by Ann :: 6:31 AM :: 35 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Thursday, June 08, 2006

Bus rider .

Mula nung Saturday kasama ako ni Joshua sa pagpasok sa school. Sa school bus na rin ako sumasakay . Then pag-uwi eh sinusundo kami ni KD after nya sa office. Pero kahapon dahil sa sobrang sakit ng ulo ko ay nagsabi ako kay Josh na kung pwede hindi muna ako sasama. Pumayag naman basta raw sasama ako sa pagsundo.

Bago pa ako nakaalis ng bahay ay tumawag yung isang friend ko at tinanong kung nasa bahay na si Joshua. Sabi ko wala pa kasi susunduin namin sya. Bigla akong nag panic nung sabihin nya na nakasakay daw si Joshua sa school bus at nagtaka nga raw sya kung bakit nag-iisa. Kinuha ko yung bus number ng school bus (6 kasi ang bus ) at tawag ako agad sa transport officer. Tinawagan yung driver ng bus #4 kung saan nakitang nakasakay si Josh. Andun pa nga raw at di alam kung saan ang bahay, sabi ko natural na di alam dahil 5 yrs old lang yan at di naman sumasakay ng bus na mag-isa.

Tawag ako agad kay KD na lalo ring nataranta. Tinawagan ko yung adviser at sabi raw kasi ni Joshua eh bus rider sya kaya pinasakay sa bus ng academic coordinator nila. Nakikita naman nila na everyday sinusundo ko yung mga bata. Yung driver naman eh wala palang list ng kanyang mga pasahero. Sinabihan na lang yung driver na ibalik si Josh sa school pagkahatid sa lahat ng sakay nya.

Labas agad si KD sa office at deretso kami sa chool. Nadatnan na namin si Josh sa transport office kasama na si Justin at Tin2, nag-iiyakan na. Umiiyak daw kasi si Josh dahil natakot sa nangyari kaya nagaya na rin sila. Humingi naman ng dispensa yung adviser , pati yung ibang teachers sa nangyari.

Last Tuesday rin ay may isang bata ang hinahanap ng Daddy nya, klasmeyts din ni Josh, nag wawala na yung tatay sa school kasi naiwanan ng school bus yung bata at nung tumawag sa school yung Mommy nya eh dun pa lang hinanap yung bata na naglalaro pala sa loob ng room.

Isang araw ko lang di nasamahan sa pagpasok eh muntik pang mawala. Palagay ko kailangan ko na namang sumama next week sa school at bantayan sya.

Posted by Ann :: 2:37 AM :: 28 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Monday, June 05, 2006

Busy Week

Isang napakabising lingo ito para sa aming lahat. Pasukan na kasi ng mga bata nung Sabado, daming mga gamit na kailangang bilhin pa. Di naman kasi ako makalabas sa araw para mamili at kailangan ko pang hintayin si KD after office hours.

Si Joshua naman nagpapabantay pa sa school maghapon. I wake up as early as 5 am everyday dahil 7am ang daan ng school bus. Pag-uwi ng 5 pm sa bahay, prepare naman ng para dinner, konting ligpit, asikaso sa mga bata, then gabi na naman..parang ang igsi ng araw.

Last Thursday naman ay busy ako dahil sa catering , si faffi ang taga deliver ko, sya na rin ang designer, ok ba ang team-up? So habang di pa ako makapag –update ng madalas eh may nakahanda namang pagkain para sa inyo dito sa bahay ko.














After kumain, may dessert pa para sa inyo.....







Posted by Ann :: 12:39 AM :: 35 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------