Apple of my Eyes
Sunday, September 27, 2009
THE GREAT FLOOD
THE GREAT FLOOD
(Juliet de Loza/Noel Abuel/Eralyn Prado/Dindo Matining/JB Salarzon/Tina Mendoza/AFP)
Ginulantang kahapon ng walang patid na buhos ng ulan na hatid ng bagyong ‘Ondoy’ ang rehiyon ng Luzon kung saan pangunahing sinalanta ay ang Metro Manila matapos nitong palubugin sa ga-hita hanggang lampas-taong baha ang 90% ng kalungsuran.
Kasabay nito ay naitala ang 9-kataong nasawi dulot ng hagupit ni ‘Ondoy’ sa iba’t ibang panig ng rehiyon.
Paliwanag naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi nistration (PAGASA) flood forecasting center, ang bumuhos na ulan kahapon ay katumbas ng halos dalawang linggong normal na pag-ulan.
Nabatid pa na simula alas-otso hanggang alas-11:00 pa lamang ng umaga ay umabot na sa 112 millimeters ang volume ng bumuhos na ulan at sobra-sobra na umano ito para bumaha ang malaking bahagi ng Kalakhang Maynila.
Bagama’t sunud-sunod ang bagyong pumasok sa teritoryo ng Pilipinas nitong nakalipas na tatlong linggo, ang pinagsama-sama nilang buhos ay naitala lamang sa sukat na 300 millimeters.
Samantala, isa pa sa nakadagdag ng biglang paglaki ng tubig ay ang obligadong pagpapakawala ng tubig mula sa mga water reservoir na mabilis na napuno at umangat ang tubig sa critical level dahil na rin sa walang patid at tila galit na galit na buhos ng ulan.
Unang nagpakawala ng tubig ang La Mesa dam matapos umakyat sa 80.15 meters ang antas ng tubig dito. Sinundan ito ng pag-akyat din sa critical level ng tubig sa Angat dam kaya’t napilitan din itong magpakawala ng tubig dakong alas-11:00 ng umaga.
Ilang oras makaraan ito ay nagpahayag din ang Magat dam sa lalawigan ng Isabela na posible rin silang magpakawala ng tubig dahil sa mabilis na pag-akyat sa critical level.
Ang Ipo dam ang unang nagbawas ng tubig dakong ala-1:20 ng madaling-araw nang buksan ang gates 2, 3 at 4. Makaraan ang ilang oras ay isinara na ang gate 2 at ang gates 3 at 4 na lamang ang iniwang nakabukas hanggang kahapon.
Bilang direktang resulta, 25 barangay sa Marilao, Meycauayan, San Miguel at Bocaue sa Bulacan ang lumubog sa flashfloods.
Sa pang-alas-dos ng hapong ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), umabot sa 33 barangay sa Metro Manila ang iniulat na lumubog sa baha: isa sa Maynila, dalawa sa Marikina City, anim sa Malabon City, dalawa sa Muntinlupa City, lima sa Quezon City, isa sa Makati City, isa sa Pasay City, lima sa Pasig City, isa sa Valenzuela City at siyam sa San Juan City..
Bukod pa rito, 37 kalsada sa Kalakhang Maynila ang idineklarang ‘impas sable’ o hindi madaanan ng maliliit na sasakyan.
Ngunit sa ulat ng Manila Police District (MPD) district tactical operations center, sa Maynila pa lamang ay 33 major at minor streets na ang hindi madaanan pagsapit pa lamang ng alas-12:30 ng tanghali.
Bunga nito, kinaila ngang gumamit ng mga 6x6 o 10-wheeler truck ang mga kawani ng Manila City Hall sa paghahatid ng mga relief goods sa evacuation centers at maging sa pag-rescue sa mga na-trap sa baha.
Sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Ave. (EDSA), daan-daang commuters ang na-stranded sa hindi inaasahang pag laki ng baha rito kung saan marami sa mga ito ang sumugod na at nagpakabasa sa ulan habang sinasagasa ang ga-tuhod hanggang ga-baywang na baha makaraan ang siyam na oras na pagtitiyaga sa walang galawang trapiko.
Sa Makati City, mahigit 1,000 pamilya sa Silverio Compound ng San Isidro ang kinailangang iligtas sa ga-bewang na baha. Samantalang umakyat din hanggang tuhod ang baha sa San Antonio , Palanan at Olimpia.
Sa Taft Ave. sakop ng Pasay City , umabot din hanggang sa bewang ang baha.
Sa Bgy. Putatan, Alabang at Sucat, Muntinlupa City , umabot sa 4,000 pa milya ang nagsilikas sa mga paaralan para sa kanilang kaligtasan.
“We need the help of the concerned agencies to help us evacuating hundreds of (families) in eight out of nine barangays in Muntinlupa. They are in danger,” pagsusumamo ni Muntinlupa City Rep. Rufino Biazon.
Ang mga tirahang barung-barong ng mahigit 1,000 pamilya sa San Isidro , Parañaque City ay nilamon din ng malaking tubig.
Bunga nito, nagpasaklolo kahapon si Parañaque City Rep. Roilo Golez sa pamahalaan upang saklolohan ang mahigit 5,000 pamilyang naapektuhan ng baha sa kanyang distrito. Karamihan umano sa mga ito ay ngayon pa lamang nakalasap ng baha sa kauna-unahang pagkakataon.
“These areas never experienced flooding in the past. Ngayon lang sila binaha kaya marami ang naapektuhan,” ani Golez habang tinutukoy ang mga lugar ng Bgy. San Antonio , Marcelo Green, Don Bosco, Moonwalk, Sun Valley , Merville at San Martin de Porres.
“We also need big trucks for distributions of relief goods,” ani Golez.
Si Bayan Muna party list Rep. Teodoro Casiño, sa kabilang dako, ay nanga lampag naman ng rescue teams para saklolohan ang mga pamilyang na-trap sa biglang pagbaha kung saan marami sa mga ito ay nasa bubungan na ng kanilang bungalow na mga bahay sa kasagsagan ng buhos ng ulan.
“Please prioritize the families on the roof of the house on P. Santos St. , Doña Peña cor. Road 1, Bgy. Tumana. Malulunod na daw sila doon,” anang kongresista.
Sa Kabikulan, tinatayang 1,000 hanggang 2,000-katao ang na-stranded matapos na harangin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang paglalayag.
Sa Caliclan, Aklan, hindi rin pinayagang magbiyahe ang mga maliliit na bangka..
Sa inisyal na ulat na 9-kataong nasawi, isa rito ay mag-ama na nabagsakan ng isang bumagsak na pader sa kasagsagan ng baha at buhos ng ulan samantalang apat na bata ang nalunod at tatlo pa ang tinangay ng malakas na agos.
Hindi matiyak kung kasama sa bilang ang tatlong batang naiulat sa tanggapan ng alkalde ng Muntinlupa City na nalunod sa Bagumbayan River .
Samantala, iniulat kahapon ni Manila Electric Company (Meralco) external communications mana ger Joe Zaldarriaga na kinailangan nilang agapan ang pagputol ng supply ng kuryente sa mga lugar na unang dumanas ng matin ding pagbaha upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Kadalasang panganib na hatid ng lumalaking tubig ay ang pagtulay dito ng kuryente.
“Power was disconnected in many areas so as to ensure the safety of the public,” anang Meralco executive.
Sa Pasay City, isang lalaki ang nakuryente kahapon ng tanghali matapos pasukin ng baha ang loob ng bahay nito. Nakilala ang biktimang si Rolando Lozada.
Kaugnay pa rin ng ma tinding pananalasa ng ulan ni ‘Ondoy’, kinansela ng Korte Suprema ang bar exa minations ngayong araw at sa halip ay iniurong ito sa Oktubre 4, 2009. Ito’y alinsunod sa desisyon ni 2009 Bar Chairperson Justice Antonio Eduardo Nachura.
PICTURES
People are stranded in Cainta, province of Rizal , eastern Manila .
Aida De Leon grieves in Pasig City , east of Manila .
An aerial view aboard a Philippine Air Force chopper shows devastation brought by Tropical Storm Ketsana in Cainta, province of Rizal , eastern Manila .
Residents are evacuated by police boats during flooding in Cainta Rizal, east of Manila .
A Philippine Air Force aerial shot shows damaged houses in Marikina City , Metro Manila. More than 70 people were killed, Manila was blacked out and airline flights were suspended as a powerful tropical storm battered the main Philippines island of Luzon .
Residents wait to be evacuated from a partially submerged house during flooding in Bocaue, north of Manila .
Thousands of people in the Philippine capital and nearby towns were marooned by flash floods after a strong tropical storm hit the main island of Luzon , disaster officials said.
Residents cross a flooded street with the use of a rope in Quezon City .
A boy is lifted onto the roof of a building to escape the flooding in the Quezon City suburban of Manila . Nearly a month's worth of rain fell in just six hours Saturday, triggering the worst flooding in the Philippine capital in 42 years, which stranded thousands on rooftops in the city and elsewhere.
Residents clamber on electric wires to stay out of floodwaters while others wade neck-deep in Cainta Rizal, east of Manila .
A victim of floodings is rescued in Pasig City , east of Manila . Authorities rushed rescue and relief to thousands of people who spent the night on the roofs of their submerged houses in Manila and surrounding provinces.
Commuters wade through waist-deep floodwaters after heavy rains dumped by Tropical Storm Ketsana (locally known as Ondoy) on Saturday, Sept. 26, in Manila , Philippines .
Posted by Ann ::
8:41 AM ::
1 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------