Apple of my Eyes

Sunday, July 30, 2006

Tag from Niceheart

The rules are:

1. The blogger has to create a blog entry about six weird things/habits about him/herself.

2. Then, the blogger would need to choose and list down six people to be tagged.
Here are my six weird things:


1. I don’t sing. Kahit pa kami-kami lang sa bahay. My father used to tell me that I’m not a good singer, na wala sa tono yung boses ko. Natanim yun sa isip ko kaya siguro nawalan ako ng self confidence. Isang bagay na ayaw kong maranasan ng mga kids ko. Sa parents kasi dapat nagsisimula ang encouragement na madevelop ang confidence ng isang bata.

2. I don’t eat food cooked in vinegar like paksiw and dinuguan (except adobo). Para kasing sariwa sa panlasa ko yung suka. Kaya pag ganun ang ulam namin noon may naka handang iba para sakin ang mother ko. For 16 years na married na kami ni faffi, never pa akong nagluto ng paksiw at dinuguan kaya hindi kilala ng mga bata ang mga ulam na yon. Pero sa pinas nag rerequest si faffi sa tita nya ng paksiw na bangus pag bakasyon.

3. When I’m mad I don’t talk. Hindi ako nagger. Ubos lahat ang labahin ko pag galit ako. I work and work and work. Pati mga damit sa cabinet, ayos na pero inaayos ko pa rin. Hindi naman kasi ako pwedeng maglayas baka di na ako makabalik.

4. I can’t sleep without a blanket. Kahit napakainit ng summer dito sa place namin may kumot pa rin ako matulog. Naiinis na nga ang katabi ko dahil kahit may aircon medyo nakakairita pa rin yung init. Sinubok ko minsan pero di ako nakatulog kaya tumayo rin ako at kumuha ng kumot.

5. I don’t spank my kids. Mahaba ang pasensya ko. Kahit galit na ako at naiinis minsan sa kanila hindi ko sila pinapalo, more on kinakausap ko lang sila at pinagpapaliwanagan. Pag talagang makukulit tinatawag ko si faffi, tatahimik na sila dahil lagot sila…hehehe.

6. I don’t sleep during the flight. Ang tagal ko nang sumasakay ng plane pero lagi ko pa ring naiisip na pano kung bumagsak, minsan isa-isa ko pang tinitingnan yung mga pasahero na tulog, pano kung bumagsak wala silang kamalay-malay kasi nga mga tulog. Para namang may magagawa ako kahit gising ako.


I will not tag anyone, tingin ko kasi eh nagawa na ito halos ng lahat.

Posted by Ann :: 8:14 AM :: 33 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Thursday, July 27, 2006

Spokening Dollar

Noong bagong dating ako rito sa saudi, napansin ko na yung mga batang pinoy dito ay mga spokening dollar. Ang cute pakinggan kasi ang babata pa inglisan nang inglisan. So sabi ko pag nagkaanak ako dapat spokening dollar din sya. Kaya lumaki si Tin2 na hindi marunong ng tagalog. Ipinasok namin sya sa school na english ang medium of communication. Malaking advantage kapag nasa ibang bansa ka kasi di mag-aalangan ang bata na makipag-usap kahit kaninong foreigners.

Nag ka problema lang noong magbakasyon kami sa pinas, 4 yrs old sya noon. Kalaro nya yung anak ng pinsan ko bigla na lang umiyak yung bata. Nung tanungin ko ay pinukpok daw ni tin2. Paliwanag ni Tin2, “Mama, I asked her if I can borrow the broom, she said yes, always yes, but she doesn’t want to give me the broom, so I spanked her.” Kaya pala, yung bata before kami umuwi nagsabi raw sa nanay kung pano raw ba nya kakausapin si Tin2 eh di naman sya marunong mag ingles, sabi raw ng pinsan ko basta yes ka lang yes…..

Minsan, tinawag naman ako ng mother ko galing sya sa kitchen sabi nya, “Ann , tanungin mo nga yung anak mo may hinihingi eh yung isa water daw, kaya binigyan ko ng tubig, meron pang isa eh.” Punta naman ako. Sabi ni Tin2, “ Ma, I said to apo(lola) I want water because I’m thirsty.” Ano pa raw yung isa? Sabi ng mother ko candy ba yun? Pinaliwanag ko na lang, hehehe….natawa na lang sila at di ko raw kasi turuang mag kapampangan.

Pero nung mag elementary na sila walang choice kailangan na silang pumasok sa Philippine School na kung saan ay may Filipino at Sibika subjects. Hindi ako masyadong nahirapan kay Tin2 at Justin dahil mabilis silang natuto ng tagalog, malaking tulong ang pagdating ng TFC dito sa KSA.

Nagkakahirapan lang sa pag-aaral ng mga bagay na wala rito tulad ng mga prutas, gulay, bulaklak at halaman. Ano raw ba ang avocado, chico, gumamela, makahiya, sampaloc, at iba pa na wala naman dito. Pinagbigay ng mga halimbawa ng prutas eh kiwi at peaches ang sinagot. Yun kasi ang nakikita sa mga supermatket.

At ang hirap pag-aralan ng mga bayan at probinsya sa pinas kung ngayon mo pa lang first time na maririnig di ba? Idagdag mo pa yung mga bayani, sagisag at naging mga presidente ng Pilipinas. Buti pang itanong mo kung sino ang King ng saudi at mga street dito, yun kaya nilang sagutin.

Ngayong si Joshua naman ang grade one, dobleng hirap ang inaabot ko. Ayaw nyang magsalita at matuto ng tagalog. Late bloomer kasi si Josh, almost 4 yrs old na sya nung mag start magsalita at sa english sya nasanay. Pag nag tagalog sya at nabubulol, pinagtatawanan sya ng mga klasmeyts nya. Sabi ko dapat talaga magtagalog sya, wag nya papansinin yung mga tumutukso. Mahirap daw bigkasin, hindi raw nya kaya.

Lahat ng filipino subjects nya ay ako ang nagbabasa at kailangan ko pang itranslate sa english para maintindihan nya. No wonder, ang bababa ng exams nya sa filipino at sibika. Hindi raw nagbabasa sabi ng titser, bilog lang nang bilog sa sagot.

Minsan tuloy naiisip ko, nagkamali yata kami na sa ganun namin sila pinalaki.

Posted by Ann :: 3:18 AM :: 52 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Saturday, July 22, 2006

Before and After

Kapag baby pa ang mga bata ang cute tingnan na chubby sila. Kaya nung mga bata pa mga kids ko pinapanood ko yan ng Barney para habang nalilibang sa harap ng tv ay subo naman ako ng subo sa kanila ng pagkain. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita mong busog yung baby mo.

I started feeding them solid food at the age of 4months. I boiled chicken meat, carrots, potato, squash , lettuce and rice. Isang kaldero yun na good for 1 week na pagkain ng isang bata. Pag malambot na lahat, ililipat ko sa blender para maging smooth. Then isasalin ko sa maliliit na lalagyan at ilalagay sa freezer.

At the age of seven, ganun pa rin ang mga katawan, so sabi ko dapat mag slim na sila bago mag highschool. So, I started dieting them since last year. Kinausap ko sila at okey naman maliban kay Joshua, Iniiyakan ako para lang dagdagan ko pa yung rice nya. Pag kainan na, ako na naglalagay ng rice sa mga plates nila, nakasukat talaga yun, pero wala silang limit sa ulam and vegetables, more on fruits. Tinanggal ko ang chips and soda. Meron pa ring chocolates pero may limit na ngayon. Kaya lang parang ang bagal ng pag slim nila.

Look at Tin-tin’s pictures now. She’s only 11 yrs old, stands 5’1. Malapit na akong abutan.


Si Justin naman, mas mabilis ang pag slim nya dahil masunuring bata. Tandaan ko pa nung bata yan sabi nya , “ Mama, I need to eat 3 plates of rice because I’m 3 years old now.”


Si Joshua naman ang kabaligtaran nila, ipinanganak ko si Josh na napakaliit (5.5lbs). Lampas na sya ng one year old pero napakahirap pakainin, akala ko nga may problema sa throat dahil ni ayaw tumikim ng rice. Para nga raw hindi kapatid ng ate at kuya nya dahil iba yung katawan. Pero nung mag 2 years old na sya, dun na sya nag start ganahan sa pagkain. Ang bilis ng pagtaba nya, hindi ko namalayan, nalampasan na nya sa timbang yung 2.

Sa ngayon ang hirap nang pag diet kay Joshua. Makikiusap pa yan, “Please , Mama, only one, promise.” Kung hindi ko lang naiisip yung health nila someday, sino bang nanay ang pipigilang kumain yung anak di ba?


Posted by Ann :: 8:25 AM :: 56 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Monday, July 17, 2006

Justin's 8th Birthday


Last Friday lumabas kami para mag celebrate ng birthday ni Justin. Dumaan muna kami sa mall para ibili sya ng gusto nyang gift, kung kelan ka naman nagmamadali dun ka pa lalong nagtatagal. Pagdating sa mall biglang nagtawag ng “sala” or prayer time. Pag kasi "sala" sinasarado lahat ng tindahan for 20-30 mins. Kaya wala kang choice kundi maghintay sa labas. After ng prayer nakapasok na kami , medyo nalibang sa pamimili kasi ang daming sale sa loob . Palabas na sana kami nang bigla na namang sumigaw ng sala, di na naman kami nakaabot sa counter.






Bakit kasi kailangan pang magsarado ng mga tindahan, daming nasasayang na oras at pera na rin kasi tulad nung kasunod namin sa counter, ang dami nyang pinamili pero dahil inabutan ng sala at nagmamadali raw sya, di na binayaran yung pinamili, iniwan na lang at umalis na. Di ba sayang din naman yung kita nila sana.

Ginawang playground ng mga bata supermarket habang naghihintay na magbukas.



Kung nasa loob ka naman ng restoran at kumakain, di ka nga palalabasin pero papatayin naman ang mga ilaw. Kakapain mo yung kinakain mo. At kung naubusan ka ng tubig pasensya ka kasi walang tao sa counter.

Naalala ko noong nasa bakasyon kami sa pinas, papunta kami ni faffi sa SM at nahihirapan syang maghanap ng parking. Pag ka park ay tumakbo pa ako sa pagtawid, bakit daw ako nagmamadali, baka kako abutan tayo ng sala. Tawa sya nang tawa, wala nga pala kami sa Saudi. Ganun na pala katindi ang impluwensya sa akin ng buhay dito. Buti iniwan ko sa saudi ang abaya ko kundi baka maisuot ko rin paglabas.

Tumuloy na kami sa favorite restaurant ni Josh, tawag nya sa Chilis ay the spicy restaurant. Pagpasok ay sinalubong kami ng waiter, sabi nya "I’m sorry ma’am but you have to wait for at least 30 minutes, no tables available. " Ang dami ngang waiting sa loob, nagpalista na rin ako, pang walo yata kami.

Yung isang american lumapit sa naglilista at bumunot ng pera, pero sabi nung waiter “Sorry sir, we don’t accept bribe here, It’s first come first serve .” Napahiya yata or nabwisit kaya lumabas na lang. Nakita ko na pinoy yung nagsasabi kung saang table na ang available, eh di yun ang nilapitan ko. Eh di 5 minutes lang at may table na kami. Iba kasi pag kabayan. Sa wakas, nangiti rin si Justin na kanina pa wala sa mood dahil gutom na.





Posted by Ann :: 12:45 AM :: 52 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Friday, July 14, 2006

Weekend

Tapos na ang exams ng mga bata, so syempre pa ang kasunod eh puyatan na naman…..pero this time sa pasyalan naman. Isa lang naman ang paborito nilang pasyalan at kainan. May isang mall dito na paborito nilang puntahan, nandito na kasi ang lahat. Ito yung mall na dati ay bawal pumasok ang mga lalaking walang asawa. Ngayon okey na sila, mayroon na ring single section. Saan ka nga naman nakakita ng napakalaking mall na families lang ang pwedeng pumasok di ba?



Ito pa lang ang mall dito na may ice skating (as far as I know). Imagine magkaroon ba naman ng yelo sa disyerto eh di siguradong click sa mga arabo. Noong bagong bukas ito ay napakahirap pumunta dahil laging puno ang parking, ang mga kainan at mga rides.

<



Di na nakapag ice skate ang mga bata dahil pasarado na noong matapos silang kumain. Hinahabol na nga nung guard yung 3 batang arabo na ayaw pang lumabas. Kaya humirit na lang sila ng ice cream. Yung kinakain ni Joshua, croissant yan na nilalagyan nya ng ice cream, tinatawanan nga namin kaya lang trip nya yun eh. Pasimple lang ang pagkuha ko ng mga pictures using my cellpone kasi marami pang mga katutubo sa paligid, lagot ako pag nahuli. Bawal kasi ang pagkuha ng picture sa mga public places dito.











Paglabas sa mall dumaan kami sa supermarket para mamili ng ilang gamit sa bahay. May nadaanan kaming restaurant at naamoy yata ni Joshua yung grilled chicken at sabi nya “Mama, I want chicken with pototo.” What pototo? Baka potato… “No! Mama It’s pototo, look! Ito pala ang nakita nya. Oo nga naman……




PS. Do you want to see a real Pototo? Click this site.

Posted by Ann :: 1:54 AM :: 36 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Monday, July 10, 2006

Exam Week

Examination week na naman dito ng mga bata. Sunod sila sa Philippine Dep-Ed curriculum. Monthly yung exam, isang tinatawag na mastery quiz at saka yung quarter exam. (Ganun din kaya sa pinas?) June rin ang start ng pasukan at March ang tapos. Lahat ng teachers ay mga pinoy, yung iba ay mga visa holder (galing pinas) at yung iba ay mga dependent wives dito na mga teachers din naman dati sa pinas.

Meron din silang isang arabic subject, pero hindi kasama sa computation ng final grades, required lang kasi ng gov’t dito. Kaya mas magaling pang mag arabic sa amin ang mga bata. Pagdating ng grade IV, hiwalay na ang babae sa lalaki, may regular inspection kaya hindi pwedeng hindi sila sumunod. Medyo malaki ang population ngayon compared sa mga nakaraang taon, nasa 800 students sila ngayon.

Hindi lahat ng holidays sa pinas ay ipinagdiriwang dito. Pasko lang ang may 2 weeks vacation, the rest wala na, dahil kailangan naman nilang sumunod sa holiday ng ramadan at hajj (holiday ng Islam). Saturday ang unang araw ng pasok at Thursday/Friday naman ang weekend.

Medyo mahal lang ang tuition dito compared sa quality ng education na kaya nilang ibigay. SR4000/year (P56,000). Siguro sa atin ang katumbas ay medyo magandang school na.

Pag start na ang pasukan, umpisa na rin kami sa napakabising buhay . Para rin akong naka enroll sa school dahil nababalikan ko lahat ng pinag-aralan from elementary. Ginagawan ko kasi ang mga bata ng reviewer na sinasagutan na lang nila. Dati kasi 2 lang sila ngayon 3 na kaya double time ang nanay. Pag hindi naman examination week, busy naman sa mga homeworks at projects nila. Lalo na kay Joshua dahil nasa grade one pa lang sya at tutukan talaga ang pagtuturo. So far, di ko pa naman sya napapalo pero nasisigawan minsan…hehehe.

Next time na lang ako update ulit at dami pa akong babasahin na books.

Posted by Ann :: 8:14 AM :: 43 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Wednesday, July 05, 2006

My Baby

Last week Joshua told me, “Ma, can you go to school? Pleaseeee… I need you there. I can’t pull my bag, it’s heavy. My classmates are laughing at me because I don’t know how to put on my pants after I pee. When I poo I can’t wash by myself.”

Five years ago, I heard the same thing with my eldest daughter Tin-tin. I remember telling her, “You can do it! You’re not a child anymore.” But with Joshua now, I’m feeling happy that he’s still dependent on me. Because I know few years from now I won’t be hearing those words anymore.

“Ma, ayaw ko na ng bag na may gulong, I want backpack.” “Please wag mo na akong pagbabaunin, bibili na lang ako sa canteen. I don’t like bringing lunch box anymore.” “Ma, ako na lang mag-aayos ng hair ko, ayoko ng ribbon.” Yan si Tin2 ngayon. Madalas nga kaming magkainisan sa damit na isusuot nya. Bakit lagi na lang ayaw nya yung gusto ko. Later on, sabi ko bahala na sya sa gusto nyang isuot. Kung dati ako yung namimili ng gamit nya, ngayon sya na lang daw bahala.

Kung dati sumasagot yan sa phone kahit nakaharap kami, ngayon pag ring bitbit na yung phone sa room at pabulong pa kung makipag-usap. Pag may birthday na pupuntahan, ayaw nang sumama, boring daw.

Kaya pag sinasabi ko kay Joshua na “ Josh, you’re still a baby right?” Nagagalit si faffi kasi kaya raw nagiging makulit dahil sa akin. Sabi ko nga I’m just enjoying his youth, pagdating nya sa edad na tulad ni Tin2 mararamdaman ko na naman yung feeling na parang di ka na kailangan ng anak mo. Para bang may sarili na silang buhay. Paano pa kaya pag nasa right age na sila para magkaroon naman ng sariling pamilya ?



PS:

Meron nga palang Bloggers Home Coming dun sa bahay ni KD, invited ang lahat.

Posted by Ann :: 8:30 AM :: 48 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Saturday, July 01, 2006

Monster! Monster!


Last week, nasa bathroom si Josh at may meeting with the president. Biglang nagtatakbo palabas , namumutla at sumisigaw ng “Monster! Monster! Takbo agad si KD sa bathroom habang tinatanong ko si Joshua. “I saw it Mama, it’s a monster crawling on the wall, it’s looking at me, huhuhu.” Pagbalik ni KD, tawa nang tawa, ang salarin pala ay isang butiki (lizard).

First time ni Josh na makakita ng lizard sa personal, ewan kung papano nakapasok sa bahay, baby lizard pa lang sya. Mula noon naging matatakutin si Josh, pag pupunta sya ng bathroom kasama pa ako or kahit sino sa mga kapatid nya, napakalaking istorbo sa akin kasi minsan busy ako sa blog eh tatayo pa ako..hehehe..

Ano kaya kung ispreyan ko ng insecticide para mamatay na, pero parang di ko naman kayang pumatay ng butiki. Naalala ko sabi ng nanay ko noon kapag tinatanong ko kung bakit humahalik sa lupa ang mga butiki pag malapit nang dumilim. Sabi nya dati silang mga tao na isinumpa at humihingi nang tawad para bumalik na sila sa dati, naniniwala ako noon kasi nga bata pa eh.

Sabi ni KD, wag mababait yang mga butiki, kumakain yan ng mga insekto. “Eh wala naman po tayong insekto dito sa bahay.” sabi ni Justin. Oo nga naman , sa maniwala kayo at hinde, walang langaw at lamok dito sa amin. Kaya napapraning ang mga anak ko pag nasa pinas kami at nakakakita ng mga langaw na nagliliparan sa paligid.

Two days ago, nakita ko ang salarin na nahulog sa isang timba ng tubig. Gusto ko sanang tulungan na makaahon pero takot din ako baka bigla akong lundagin, so iniwan ko na lang sya at naisip ko baka yun na ang solusyon sa problema namin. At least hindi ko sya pinatay intentionally….(guilty ba ako?).

Pumasok pala si Tin2 sa bathroom at binuksan yung hose sa timba, di nya napansin yung monster sa loob, umapaw yung tubig at lumundag ang butiki. Nagsisigaw sa banyo at tumatakbong palabas. Lumaki ang problema dahil silang 3 ngayon ay ayaw nang gamitin yung isang bathroom. Kaya sa umaga pag papasok sa school ay laging naghahabol sa oras sa paliligo, dun sila lahat sa isang bathroom.

Hay…ano kaya ang gagawin ko sa butiking yon?

Posted by Ann :: 8:28 AM :: 50 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------