Apple of my Eyes

Thursday, August 31, 2006

Part 2

Itutuloy ko yung part 2 ng kwento para naman hindi sya bitin.
 
Syempre after ng mga credit investigation at okay naman ang isang kliyente, maaaprubahan yung loan nya and in a few days marerelease na yung tseke nya. Hindi lahat ay magandang magbayad, marami ring sakit ng ulo. Okay sa simula then problema sa mga susunod na bayaran. Pero sabi ko nga kapag secured ang loan di ka masyadong worried na baka di na magbayad. Minsan lang dumarating talaga sa buhay yung nalulubog ka sa problema, kahit gustong magbayad ay wala nang mapagkukunan.
 
 
Doon na papasok yung mga demandahan, lumalaki ang gastos ng kliyente kapag nakarating pa sa korte ang kaso, may mga attorney’s fee na papasok at lahat yun ay ipapatong sa utang nila. Nakakatakot na nakakaawa ang humarap sa korte during the hearing. Nakakaawa dahil iiyakan ka ng tao na nagmamakaawa para sa palugit. Yung iba naiintindihan na empleyado lang naman din ako at sumusunod lang sa policy ng company.
Nakakatakot dahil may mga matatapang rin na ang katwiran wala naman daw nakukulong sa utang at the same time babantaan ka pa. Sabi ko nga sa sarili ko, ano ba  itong napasukan ko, di ko pa nga nararanasan maging nanay.
 
 
Kapag dumarating yung mga pagkakataon talaga na kailangan na ng sheriff para kunin yung collateral, wala na kaming choice. Hindi ako sumasama kapag may lakad ang mga pulis, usually isa sa mga collectors at yung CI ang kasama sa lakad.
 
Minsan nakalabas na lahat ng collectors namin nang biglang tumawag ang mga pulis at nakita na raw nila kung saan bumibyahe yung isang sasakyan na kailangan nang ma sheriff. Hindi pwedeng walang representative ang company. Tinawagan ko si KD sa bahay (day off nya) at sabi ko kung pwede na sya na lang ang sumama sa lakad. Pumayag naman at pagbalik nila mula sa lakad ay ang tindi ng reklamo sa akin. Bakit ko raw sya pinadala sa ganun. Hindi na raw sya sasama ulit sa mga ganung lakad.
 
Bago raw sila dumiretso sa place ay nagmiting muna sila, may kasama syang 4 na pulis. Sabi raw ng pinaka lider nila ay ihanda ang posas at baril just in case na manlaban yung driver, meron pang plan A at plan B. Kinabahan daw sya dahil hindi naman nya alam na ganun pala kadelikado yung pinapalakad ko sa kanya. Buti na lang at naging maayos naman daw yung pagkuha sa sasakyan dahil ang may dala ay driver at hindi yung may-ari.
 
 
Lagyan na rin natin ng part 3 , problema naman sa BIR.
 
Maayos ang mga libro ng company namin, walang nakatago. Open sa audit anytime, laging on time sa bayaran ng tax. Pero kung bakit ang BIR hindi na nawalan ng reklamo, ang dami pa ring nakikita na mali para lang maka kickback. Sabi ng mga boss ko hayaan daw silang padala nang padala ng sulat, hayun nakarating ang kaso sa region  3. Eh sino ang mag-aasikaso roon eh di ako na naman.
 
Pagdating sa BIR office, kinausap ko yung taong nakapirma sa demand letter nila, itinuro ako sa isang babaeng medyo may edad na. So sabi ko baka pwedeng pag-usapan na lang yung kaso (turo skin ng boss ko..hehehe). Tumayo at pumasok sa isang kwarto, pagbalik sige daw , magkano raw ba kaya kong bayaran? Para kaming nasa palengke, nagtawaran sa tax. Nagkasundo sa presyong gusto nila pero ang resibo ay kalahati lang ang nakalagay sa tunay na presyo. Gets nyo ba? Ibig sabihin yung kalahati eh sa bulsa mapupunta. Tutal andun na rin lang ako nakipagkwentuhan na ako dun sa isang empleyado (same kami na kapampangan). Tinanong ko kung kanino napupunta yung kalahati, syempre di lang naman ako yung nag-iisang nakikipag negotiate na ganyan sa araw-araw. Sabi ba naman, centralized daw yun, kalahati sa big boss at yung kalahati ay sa mga empleyado. Wala naman daw silang magawa (meron siguro kung gugustuhin lang)....hay....kakalungkot ang gobyerno natin.

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com


Posted by Ann :: 2:57 AM :: 23 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Saturday, August 26, 2006

Career woman

Twelve years ago I worked in a financing/lending company. I know you are all familiar with this kind of business. Sabi nga nila, ito yung negosyo na di na kailangan pa ng advertisement dahil sila na ang lalapit sa iyo. And that was true, I met different kinds of people, mahirap, mayaman, mayabang, manloloko at mga pulitiko.

My job was very stressful. Kapag may pumalpak sa mga costumers ako yung magpapaliwanag sa mga stockholders. They entrusted me the company and I was the one managing it. At first wow! Ang sarap matawag na ma’am, para bang at young age ay ang layo na nang narating mo. Later on, andyan na yung bigat ng mga responsibilities. Kulang na yung maghapon sa dami ng taong kausap, kung pwede nga lang magbingi-bingihan sa bawa’t ring ng telepono. Kung pwede lang pagtaguan yung mga makukulit na costumers, at yung mga iiyakan ka talaga.

Mga halimbawa ng mga uri ng taong nakilala ko sa trabahong ito, baka sakaling mangyari sa inyo , at least magkaroon man lang kayo ng konting idea.


1) May costumer na dala ang title ng lupa at mabulaklak ang dila. After the CI (credit investigation) yung lupa pala ngayon eh isa ng basketball court ng baranggay at pag-aari ng gobyerno. Kung paano napagawan ng titulo eh may nag magic siguro sa Register of Deeds.

2) Titulo na ang location ay andun sa ikatlong bundok ng Tralala, it means hindi pwedeng isangla dahil piso lang per square meter ang market value.

3) Titulo na ang location ay malapit sa ilog, at dahil malimit bumaha at umapaw ang ilog ay halos kalahati na lang ang natira sa kanyang lupa dahil lumalaki ang sakop ng ilog.

4) Titulo na isa pa palang mother title at napakaraming tagapagmana.

5) Titulo na kapag pinatatakan mo sa Register of Deeds ay nakasangla na pala sa iba.

6) Titulo ng mag-asawa na forged lang pala ang signature ng lalaki na nasa abroad at nagwawala sa opisina nang malaman na isinangla ng asawa yung lote nila.

7) Rehistro ng sasakyan na nakapangalan pala sa tatay, di ko napansin kasi junior pala yung anak, naturalmente iisa lang ang name nila….hehehe.

8) Rehistro ng sasakyan na kapag hinanap mo yung car ay andun daw sa Mindanao at doon pumapasada bilang taxi…..waaaaahhh…

9) Babaeng inglesera at puno ng alahas sa katawan pero pag na CI mo sa ibang financing ay nasa unahan ng listahan ng bad accounts.

10) At meron ding titulo ng lupa na kahit anong hanap mo sa lugar ay wala kang makitang lupa. May magic din na nangyari.


Pero mas matinding naranasan ko ay yung may dumating na pulis sa opis at galit na galit, bakit daw nasa gitna sya ng daan at nagtatrapik ay sinisingil sya ng collector namin, magbabayad daw sya kung kailan nya gusto. Nameywang sa harapan ko at ipinakita sa akin yung kanyang baril na nakasukbit sa baywang. Namutla ba ako? Ewan di ko na matandaan basta pag-alis nya uminom ako ng maraming malamig na tubig.

Kaya nang mapunta ako ng Saudi, ang sarap ng pakiramdam, wala na akong boss, wala nang gigising sa akin sa umaga para pumasok sa opisina, wala nang magagalit kapag may palpak sa costumers at higit sa lahat wala na ring sweldo...hehehe.

Posted by Ann :: 12:37 AM :: 67 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Friday, August 25, 2006

Thanks

Thanks everyone for your comments. Even though I didn’t provide you enough information regarding the question in my previous post , still you gave me your opinions.

While reading your comments, something comes into my mind…. It’s forgiveness and acceptance….cause time heals.

It’s really a case to case basis, and depends on the people involved. Napansin ko lang majority sa mga sagot ay ganito:

“Ang mali ay mali at ang tama ay tama pero pwedeng itama ang mali kung pinagsisihan at nangakong hindi na ito uulitin.”

“We learn from our mistakes.”

“It depends on the situation.”


Paano naman kung after na gumawa ng mali ay itinama yung nagawang mali sa maling paraan pa rin para lang huwag nang makasakit pa. Di ba mali pa rin yon?

At paano naman ang paglimot sa naging epekto ng paggawa ng mali? That’s another question, kaya dun papasok ang time heals….kung hindi man ngayon, pwedeng bukas or sa mga susunod na araw, buwan o taon.

It’s really 31 heads are better than one. All of you make sense. Thanks everyone.

I decided to disable the comment box cause this is just an answer to my previous post para di na lang kayo malito sa tama or mali na yan. Anyway, I’ll be back to my regular post next week.

Thanks to a dear friend (you know who you are). Na nagpalinaw sa magulong pag-iisip.

Posted by Ann :: 2:10 AM ::
---------------oOo---------------

Saturday, August 19, 2006

Friday G-mik

Naghahanap ng update si Rems kaya share ko muna yung naging gimik namin kahapon kasama si Kneeko. Napapadalas sya dito sa Khobar dahil sa isang bagay na hindi ko rin alam. Sinundo namin sa sya isang mall na tambayan naman ng mga pinoy dito pag weekend.

Nagtuloy kami sa isa pang mas malaking mall at nagkaroon ng bonding ang mga bata at mga isip bata... o di ba ang sweet nila....





Pagdating sa mall deretso muna kami sa food court at gutom na rin kami, inabutan na naman kami ng tawag ng salah, buti na lang si kabayan kay pareng donald eh napakiusapan ko na paorderin pa ako, iba talaga pag kabayan.


Parang hindi lang yata makapaniwala si Kneeko sa mga natutuklasan nya kay Josh....yung french fries ay sinasawsaw muna sa ice cream bago kainin.



Ang corn ay nilalagyan ng catsup...yummy daw.....(di ko pa na try at ayoko yatang subukan..hehehe).





After kumain ay feeling tourist guide si Josh sa kanyang tito kneeko.



Inabot na rin ng mga 8:30pm kaya nag decide na si KD na ihatid si Kneeko sa probinsya ng Jubail. Tatlong oras lang naman balikan...hehehe. Pagdating sa Jubail ay bumaba na lang si Masterbetong dahil hindi namin pwedeng pasukin ang lungga nila, as usual bawal dahil nasa saudi kami at kapag ang building ay hindi for family use hindi pwedeng pumasok ang babae. Kwentuhan lang sandali (syempre blogging na naman ang topic) at byahe na kami ulit pabalik.

Thanks master sa way na itinuro mo at napadali kami ng paglabas ng Jubail. Iniligaw kami ni Kneeko papunta eh.

Posted by Ann :: 10:29 AM :: 28 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Wednesday, August 16, 2006

The other side of the desert



Last Friday naglakas loob akong manguha ng pictures sa loob ng mall para naman makita nyo na may ganitong place rin dito sa disyerto. Habang busy ang lahat sa panonood ng isang palabas ay busy rin ako sa pag click using my celpone.




Ito yung pinapanood nila. Isang malaking fountain sa gitna ng mall at napakaraming mga umiikot na iba’t ibang kulay ng mga ilaw, sabay ng isang tugtog na hindi ko maintindihan. Sa pinakagitna ng bilog ay may butas kung saan may lumalabas na apoy at sasabayan ng pagbuhos ng tubig mula sa itaas para naman mapatay yung apoy. Yun sana ang inaabangan ko na makunan kaso biglang may lumapit sa amin na guard at pinagbawalan ako. Sayang kala ko makakalusot, buti na rin at di kinumpiska yung celpone ko. Ang higpit nila no?

Tumuloy na lang kami sa arcade para makapag rides ang mga bata, pagdating naman namin doon biglang sumigaw ng “salah” so wala kaming magawa kundi ang maghintay sa labas at picture taking na naman, tigas ng ulo ng nanay eh. Maraming mga maliliit na bata ang nag-iiyakan dahil pinalabas sila sa loob ng arcade , paano mo naman ipapaliliwanag sa mga paslit na ito na kailangan nilang lumabas dahil prayer time.



After salah nakapasok rin kami. Sumakay sila dito sa isang virtual reality, si Justin at Tin2 lang, ayaw ni Josh eh natatakot. Paglabas ng dalawa para silang hilo at hawak ang mga ilong. Akala ko nahilo sa nakita sa loob, nahilo pala sa amoy. Ang tindi raw ng amoy sa loob, iba-iba nga naman ang sumasakay doon at talagang kumakapit ang amoy…hehehe. Last na raw nilang sakay doon yun.




Pauwi na kami nang madaanan namin yung isang bagong sasakyan na naka display sa loob ng mall. Sabi ni Justin "Dada ,let's buy one like this." Ok sabi ni KD, tomorrow na lang kasi gabi na. "Yeheyy! Josh what color do you want? sabi ni Justin. Tuwa naman si josh at nag-isip pa, "I want yellow." Masayang umuwi ang mga bata dahil sa tatay na makulit.

Posted by Ann :: 12:49 AM :: 39 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Saturday, August 12, 2006

Happy Birthday Josh!

Last Thursday kami nag celebrate ng birthday ni Josh. Medyo rush yung preparations dahil katatapos ng quarterly examination nila. Sabi ko nga kay KD gawin na lang namin ng Thursday para makapagpahinga rin kinabukasan at weekend pa yun dito. So, namili kami ng Wednesday night kahit napakatindi ng init at sobrang humid.

Sabi nga ni Justin at Tin2 kung pwede raw ba silang mag invite rin ng mga klasmeyts nila, sabi ko sige excited din kasi sila. Sabi ba naman ni Josh, “Hey! Ate, kuya It’s my birthday! Not yours.”

Dinner time yung party , may mga bisita na pero di pa ako tapos magluto lahat. Si KD kasi eh ginawang service ni Tin2, lahat ng bisita nya na klasmeyts nya eh isa-isang pinasundo pa para makapunta sa bahay.

Mula 7pm ay may mga dumarating ng mga bisita at 12am na nagsiuwian yung iba. Nagpasiklaban pa kasi sa pagkanta. Masama nga ang loob ni Kneeko dahil hindi sya nakahawak ng mic. Nag YM na lang sya at nakipag chat kay Mommy Lei para ma view yung party.

After ng party, tinanong ni Kneeko kung ready na raw ba yung mga pictures para sa blog… waaaahhh..…walang pictures..nakalimutang manguha kasi nga busy ang lahat. Hinanap ko yung camera at inabutan ko pa yung cake na mabuti na lang ang mga tao rito ay hindi mahilig kumain ng cake. Ganito na lang ang inabutan ko…..



May mga kuha pala si Tin2 pero puro mga klasmeyts lang kinunan nya, may naligaw na isang kuha sa table.



Madaling-araw na halos kami natulog dahil nagkwentuhan pa kami nina Kneeko, syempre mga bloggers, natural lang na blogging ang topic.

Si Kneeko yung nasa likod ni Josh, inupuan sya eh hindi na makatayo.





Lahat ng natirang cake ay binalot ko at pinadala sa school. Then kanina ay nasorpresa si Josh dahil yung kaibigan namin na nag wowork sa factory ng donuts ay dinalhan sya ng sangkaterbang donuts sa school para ipamigay sa mga kaklase.



Gift nga pala ito ni Kneeko kay Josh at sabi ni Josh love na raw nya si tito kneeko, hilig nya kasi ang mag color.



Thanks din kay mommy lei sa padala nya kay Josh...ang sweet mo daw para kang chocolates.

Posted by Ann :: 11:34 AM :: 46 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Wednesday, August 09, 2006

Report Card

Kung madalas ka dito sa bahay ko, mapapansin mo na kapag exam week busy na ang nanay. Di na maka update at di na rin maka bloghop. Tatlo na kasi nag-aaral , kahit nasa higschool na si Tin2 kailangan pa rin nya ng guidance sa pag-aaral. Although hindi na katulad ng dati dahil kaya na nyang mag-aral mag-isa.

Maaga kong ipinasok si Tin2 sa school, 3 ½ lang sya nung mag nursery, kaya 5 ½ ay grade one na sya. Maaga kasi syang nagpakita ng interes sa pag-aaral. Madaling turuan at madali ring makaintindi. Almost same age rin si Justin noong magsimulang mag-aral. Up to now, pareho sila na consistent honor.

Nakaka pressure din minsan pag nasa honor roll yung anak mo, para bang kailangan mag-aral palagi para ma maintain mo yung pwesto mo. Pag kuhanan ng report card sa school, proud ka na parents pag andun sa bulletin board name ng anak mo.

Sa kanilang tatlo si Tin2 yung pinaka active talaga, at the age of 6 ay nakapag recital na sya ng piano, nakapag enroll na rin sa sketching lesson pero up to oil painting lang sya at di na tinapos dahil gusto raw nyang mag voice lesson. So ngayon ay more than a year na syang nasa voice clinic. Last summer sumali naman sya sa isang acting lesson, nagustuhan nya at ngayong October ay ipapalabas yung unang play na sinalihan nya. Excited na rin akong makita sya on stage as an actress naman this time.

Two years ago si Joshua naman ang pumasok sa pre school. Doon kase ang gamit nila na grading system eh colors.

GOLD…………Outstanding
RED……………Very Satisfactory
BLUE…………. Satisfactory
GREEN……….. Moderately
ORANGE………Needs Improvement

Sa naunang dalawa, isang kulay lang ang nakita namin sa report card nila. Pero noong si Josh sabi nya "Wow! Nice! It’s colorful."



Kaya ngayong grade one na si Josh medyo kabado ako sa resulta ng report card nya...hehehe...baka assorted numbers naman makita namin. Last school year heto naman ang report card nina Tin2 at Justin. Medyo malabo yung pag kaka scan.




Posted by Ann :: 12:33 AM :: 36 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Sunday, August 06, 2006

Ibong Adarna



Napag-aralan nyo ba sa highschool ang Ibong Adarna? Tandaan ko kasi noong kami ay summary na lang ang pinaliwanag sa amin at hindi na gumamit ng libro. Kaya ngayon ko lang talaga unang nabasa ang laman ng librong Ibong Adarna. Sobrang lalim ng mga salitang ginamit at hindi ko maarok...hehehe.

Nagpabili na ako ng tagalog-tagalog dictionary sa Pilipinas pero hindi ko pa rin makita ang mga ibang salita. Kahit si Mr. google ay walang nagawa. Baka naman alam nyo yung ibang meaning ng mga ito eh pakitulungan nyo ako. Ipapasa kasi next week yung project ni Tin2, ang dami pang kulang. Kung kapampangan lang to last week pa sana naipasa.

Ganito ang pagkakagamit ng mga salita:


1. Ang galit ay di nagbabawa, humarap na ang may sala

2. Tuloy luhod sa harapan, halukipkip pa ang kamay.

3. Hayo ng magpahingalay, sa layo ng paglalakbay.

4. Lahat ay nag-unahan na ng pasilid sa praskera

5. Nang sa prasko’y napaloob, walang kibo’t nakaukmot.

6. Ikaapat ng umaga nang maganap yaong pita.

7. Tila mahirap magahis ang subyang sa kanyang dibdib.

8. Hindi ako magkukulang kung kayo ay paglakuan.

9. Ang inip na humilahil noon lamang naging lambing.

10. Nasa bibig namang busal baka na nakasihang.

Posted by Ann :: 7:37 AM :: 42 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Tuesday, August 01, 2006

Paano nga ba?

What if your son or daughter ask you this question?:

Mama, where I came from? I answered, You came from God, you are a gift from above. May mga kasunod na tanong pa yan…. walang katapusang tanong ng isang walang malay na bata.

Pag medyo nagkakaisip na, syempre di na yan maniniwala na basta na lang sya nahulog mula sa langit. So alam na nya na sa tyan sya ng nanay galing. Saan daw sya dumaan nung lumabas sya, so madaling sabihin na sa pusod, maniniwala pa yan.

Mga ilang taon pa iba na yung tanong. Paano sya napunta sa loob ng tyan? Noon sabi ko kay Tin2. Pag gustong mabuntis ng isang nanay pupunta sya sa doktor at bibigyan sya ng gamot para mabuntis. Okey pa rin benta pa rin yung sagot ko sa kanya.

Eh bakit daw yung neighbor namin kwento sa kanya na hindi nya kagustuhan na nabuntis sya sa pagkadalaga, na tinakbuhan sya ng boyfriend nya. Saka ano raw ba yung rape? Bakit daw nakikita nya sa TFC na may mga nabubuntis dahil sa rape?

Pero noong grade IV na sya iba na yung tanong. “Mama, I know how the baby was formed. When a sperm cell meets with the egg cell, it will become a fertilized egg.” Pinag-aralan daw sa school, pero di masyadong malinaw sa kanya kaya tanong nya sa akin. Paano nakarating ang sperm cell sa egg cell? Waaaahhh..paano ko sasagutin yon? Sabi ko wait lang may ginagawa ako at explain ko later. Hinintay ko muna si KD nung hapon. Pinag-usapan namin kung kailangan na bang ipaliwanag sa kanya yung tungkol sa bagay na ganun.

Nakalimutan na yata ni Tin2 nung gabi kaya di na naghanap ng sagot. Pero after few days sabi nya, “Ma, I know now. My classmate told me.” So tinanong ko kung ano sabi ng klasmeyt nya....hindi ko na sasabihin dito basta tama yung klasmeyt nya. Ang hirap ipaliwanag minsan sa mga anak yung mga bagay na ganito. Ang tingin ko kasi sa kanila ay mga baby pa at unexpected pa yung mga tanong na ganito.

So, sabi ko since alam na nya kung paaano yun nangyayari, medyo napagsasabihan ko na rin sya ng tamang pag-iingat. Pati yung rape ay naipaliwanag ko na rin sa kanya. Sa tingin ko kasi mas maganda na sa ganyang edad ng bata lalo na kung babae ay mas maaga mas maganda para maging aware din sya sa maaaring mangyari kapag hindi sya nag-ingat.

Hindi ko na kasi matandaan kung paano ko nalaman din ang mga bagay na ganito, ipinaliwanag ba ng mga parents ko or sa mga kaibigan ko na lang din nalaman. Ano nga ba ang tamang edad ng bata para ipaliwanag o ipaalam sa kanya?

Posted by Ann :: 3:46 PM :: 65 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------