Apple of my Eyes
Saturday, September 30, 2006
Children are unpredictable. You never know what inconsistency they're going to catch you in next. ~Franklin P. Jones
Two days ago kumakain kami ng dinner sa bahay. May hawak na bowl si Tin2 na may mainit na soup. Nakatingin kasi sa TV habang naglalakad, natisod sa carpet at bumuhos kay Justin yung soup, mabuti na lang at hindi masyadong mainit at sa paa lang tumama. Mula bata si Tin2 ay lagi kong pinag-iingat dahil may pag ka clumsy sya. Ang dalas ko ngang bumili ng baso dahil nauubos nya sa kakabasag...hehehe.
Biglang bumalik sa alaala ko more than 4 yrs ago, mahigit 1 yr old pa lang si Josh noon at naglalaro sila ni Justin. Bakasyon ng mga bata sa school kaya iba yung time ng tulog nila. Mga tulog sa araw at gising naman hanggang madaling-araw. Natutulog na si KD dahil may pasok pa kinabukasan. Galing sa kwarto si Justin at paglabas nya ay isinarado nya ang pinto. Biglang umiyak si Josh na naglalaro naman sa may likod ng pinto. Ang tindi ng iyak nya kaya takbo akong kinarga sya at pinapahinto. Nang may maramdaman akong pumatak na mainit sa paa ko. Pagtingin ko ay dugo...ang daming dugo
nagsisigaw na ako at halos mag collapse pagkakita sa dulo ng daliri nya na muntik nang mahiwalay.
Ginising ko si KD at nanghihingi ako ng towel pangtakip sa sugat para mahinto ang pagdurugo. Dumiretso sya sa kitchen at sukat basahan ang inaabot sa akin, akala pala nya ay pampunas sa carpet ang hinihingi ko, di pa kasi nya nakikita ang kamay ni Josh. Pagkakita sa daliri ay mas nag panic pa sa akin, merong kumuha sya ng tissue, ng cotton at kung anu-ano pa. (bagong gising kasi).
Pinaupo ko muna sya at pinakalma at sabi ko pupunta kaming hospital (that was 4am in the morning). Nakarating kami doon na naka pajamas lang ako at di ko na naalalang mag abaya pa. Puro dugo na rin ang damit ko at habang daan ay dasal ako nang dasal, ang nasa isip ko kasi baka di na maidugtong yung daliri nya, tingin ko kasi parang balat na lang yung nakadikit.
Pagdating sa ER ay doon pa lang nakita ni KD yung daliri ni Josh at pinalabas sya ng doktor dahil sa nakitang reaksyon nya. Ako na lang ang nakabantay habang binibigyan sya ng first aid. After ma x-ray at wala namang nabaling buto dahil sa dulo ng daliri yung naipit nya, nag skedyul na na tahiin yung daliri. Kaya lang dapat daw ay general anaesthesia dahil malikot ang bata. So, sa murang edad ni Josh ay na GA na sya.
Habang nasa labas ako ng OR at kausap yung nurse na pinay. Last year daw habang nasa duty sya biglang may idinating na bata sa ER at nagdurugo ang ulo, kasama pa sya sa mga nag-aasist para mabigyan ng first aid yung bata. Laking gulat nya noong makita na anak nya pala ang naaksidente. Iniwan daw nya noong umaga sa baby sitter. Umakyat daw sa table (sabi ng baby sitter) nahulog at tumama ang ulo sa gilid ng chair, ilang stitches din daw ang inabot.
Kinabukasan pag-uwi namin ng bahay lahat ng pinto ay nilagyan ni KD ng door stopper , pati na rin mga cabinet ay may safety lock. Ilang araw din akong parang nagka phobia sa pinto. Two days after the accident ay bigla pa akong dinatnan ng aking monthly period eh one week pa lang akong katatapos. Naalala ko tuloy yung naririnig ko dati sa nanay ko kapag makukulit kaming magkakapatid, madalas nyang sabihin na "duduguin ako sa inyo" totoo pala yun. Sa sobrang nerbyos siguro.
Kaya ngayon kapag nakikita ni Josh yung daliri nya ay madalas itanong sa akin kung bakit daw ganoon ang hitsura. Naiba kasi ang shape ng daliri nya dahil sa pagkakaipit, pati yung kuko ay iba ang hugis, tumubo naman ulit yung kuko pero hindi na sya sinlaki ng iba pa nyang kuko.
Posted by Ann ::
12:53 AM ::
46 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Monday, September 25, 2006
Sibling Rivalry
Sa ngayon wala pa naman akong nakikitang ganito sa mga anak ko. Pero kung di maagapan baka umabot sa ganoon. Unang dahilan raw ng sibling rivalry ay yung jealousy, kapag naramdaman daw nila na parang mas mahal mo yung isa or mas laging kinakampihan , hindi maiiwasan lalo na kapag may napaboran kang isa sa kanila. Lalo na ang bunso, kaya siguro sinasabing mahaba ang buntot ng bunso dahil spoiled sa parents.
Pantay-pantay naman ang tingin ng magulang sa anak, lahat yon ay mahal nila. Kaya lang minsan may mga anak na akala nila ay hindi sila mahal dahil siguro laging napapansin o napapagalitan. Pasaway kasi minsan.
Last month nagkaroon ng convocation day sa school wherein all the top students in all levels will be awarded for their achievements. As I've mentioned before Justin and Tin2 are consistent honors. I did not attend the ceremony because I am not feeling well that time. When they came home they gave me their certificates of recognition. As we usually do, we asked them kung ano gusto nila as reward.
I noticed that Josh was quiet. I called him but he said it's nothing. After a while I saw him reading the certificate, nang mapansin nya na nakatingin ako sa kanya, he threw it and started to cry. I asked him why? He said , Why me, I don't have like that? I saw ate and kuya this morning, they went up the stage, me, I just sit on the chair and watched them. Parang gusto kong maiyak that time, bakit nga ba hindi na lang sila pare-pareho na matatalino para hindi na lang maramdaman ni Josh na iba sya sa mga kapatid nya.
Mahabang paliwanagan pero alam ko sa ngayon ay mahihirapan pa syang intindihin yon. Lahat naman nang ginawa ko sa dalawa ay ginagawa ko rin sa kanya ngayon, mas higit pa nga pero meron siguro talagang bata na medyo mabagal ang pick-up. Full time ako sa kanya sa pagtuturo tutal yung dalawa ay kaya na nila. Pero hindi ko naman sila totally pinapabayaan. Nag-usap kami ni KD na hatiin yung time namin sa kanilang tatlo.
Nangyayari tuloy kahit walang award si Josh ay kasama rin sya sa may reward from us. Ipinapaliwanag na lang namin sa dalawa , minsan naiintindihan nila, minsan di maiwasan ang selosan.
I was one of the favorites noong mga bata pa kami kaya hindi ko napansin na may galit pala ang isang sa mga sister ko. Dumating sa punto na nagbalak syang maglayas sa sobrang sama ng loob. Sa ngayon ay okay na kami dahil yung mga anak naman nya ang paborito ng mother ko.
Sana wag dumating doon sa point na magkaroon sila ng sibling rivalry at pagmulan ng malalang problema pagdating ng araw.
Get your own web address for just $1.99/1st yr. We'll help. Yahoo! Small Business.
Posted by Ann ::
12:46 PM ::
46 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Wednesday, September 20, 2006
Young Love
Si Josh pag dumarating galing school andun pa lang sa stairs nagtatanong na kung ano ang ulam. At pagkatapos mag lunch deretso na sa refrigerator para maghagilap ulit ng makakain. Maya-maya magpapahinga na sya at matutulog na. Share ko lang usapan namin nung isang araw.
I.
Me: You know Josh, you are like a caterpillar.
Joshua: Why Mama? Because I am always eating.
Me: Yes, the caterpillar makes itself full before going tosleep (pupa stage).
Joshua: Waaaaahhhhh….I don't want to be a butterfly I don't want to fly. I
don't like to have wings.
Nag-iiyak na at nagsalang na lang ako ng dvd para mahinto.
II.
Joshua: Mama, Is it bad to kiss a girl?
Me: Of course!
Joshua: How about Jeremy? Is it bad to kiss him?
Me: Yes! Yes! Yes! at Yes pa!
Nabading na yata anak ko.
III.
Joshua: Mama. May I bring this big ruler in school?
Me: Why? You don't need that one.
Joshua: I will use this to spank my classmates.
Me: Why?
Joshua: Because Ryan said I looked like a Bigmac hamburger and then all my
classmates were laughing.
Me: What did you do?
Joshua: I cried. I'm mad at them.
Gusto kong matawa pero nagpigil ako kasi naawa ako sa anak ko, naiiyak pa rin kasi sya habang nagsusumbong. Sabi ko na lang sabihin sa teacher kapag tinutukso sya.
Mga simpleng tanong at problema ng isang bata. Simple pa kasi madali pa silang mapatahan sa pag-iyak, bigyan mo lang ng candy or chocolates hihinto na at makakalimutan na ang problema.
Two weeks ago, nagkausap kami ng friend ko, may anak syang same age ni Tin2 na maagang namulat sa mundo ng pag-ibig. Pinayagan nyang makipag girlfriend dahil dumarating naman daw talaga sa buhay ng isang teen-ager ang ganyan. Sa simula ay okey lang dahil inspirado sa pag-aaral yung bata.
Isang araw napansin nya anak nya na nakatulala raw at nakaharap sa libro na binabasa pero parang ang layo ng iniisip. Nilapitan at tinanong ang anak. Napaiyak daw yung bata at sinabi na wala na sila ng girlfriend nya. That was a week before the exam. Awang-awa raw sya sa anak nya pero wala syang magawa kundi payuhan na lilipas din yon. Sabi nga nya kung may magagawa lang sya para hindi nya nakikitang nahihirapan yung anak.
Ang ganda lang kapag open ka sa parents mo about love and relationship. During the time of failure and heartbreak pwede kang umiyak sa harap nila.Sana nga lang lahat ng magulang kayang intindihin yung ganoong stage sa buhay ng isang teen-ager. Gusto ko maging open din sa akin ang mga anak ko pagdating ng araw para mapakulam ko yung mga magpapaiyak sa kanila…hehehe. (biro lang po).
Kung pwede nga lang manatili na lang silang bata na may simpleng tanong at may simpleng sagot sa mga problema nila.
Do you Yahoo!?
Get on board. You're invited to try the new Yahoo! Mail.
Posted by Ann ::
9:14 AM ::
56 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Saturday, September 16, 2006
Busy weekend
Napaka busy ng weekend namin. Ang daming sale sa mall. Sarap sanang mag shopping kaya lang ang mga bata inaantok na, sana pala di muna kami kumain bago nag shopping. May bagong bukas kasi na restaurant kaya sabi ni KD try namin. Masarap ang food, puro pinoy ang mga waiters at ang pinakamaganda at SR45/per head (P630) eat all you can na sya. Sa bata ay kalahati lang ang charge. Medyo lugi yata sila kay Josh dun. Sama sana si Kneeko kaya lang di raw sya pwede ng Wednesday. Nag text na lang sya kinabukasan ng 11:45pm andun daw sya sa Chilis (nang-inggit pa) hhhmmm.. sino kaya ang kasama sa ganoong oras?
Thursday naman may raket ang mommy, catering of course. Friday may nagbirthday na friend. Dito sa bahay ginawa kasi yung kanilang accomodation ay hindi pwedeng magpapasok ng babae. Gabi na rin natapos ang party.
During the party nakapag kwentuhan kami ng isang matalik na kaibigan na dumalaw galing pinas. Dati rin sila rito na family status. Napilitang umuwi sa pinas kasama ang mga anak dahil siguro napapagod na rin. Ikaw ba naman ang biyayaan ng 6 na anak at yung eldest nya ay sing age lang ni Tin2. Kaya last March ay umuwi na muna at doon na ngayon nag-aaral yung apat. Nandito lang para dumalaw sa asawa at kasama yung dalawang anak na hindi pa nag-aaral.
Naitanong kasi ni Analyse ang comparison ng buhay sa pinas at dito. Sabi ng friend ko gusto raw nyang bumalik dito. Nahihirapan daw sya sa laki nang gastusin sa pinas, monthly remittance nya ay P60,000 pero kinukulang pa rin sya. Iba raw pala ang nagbabakasyon ka lang kaysa dun ka na talaga for good. Doon daw kase pati problema ng kamag-anak mo at kapitbahay ay problema mo pa rin, dahil sa dami nang naghihingi ng tulong. Ayaw naman daw maniwala ng iba na wala syang pera. Para bang kapag nasa abroad ka ay wala ka ng karapatang mawalan ng pera.
Pero ang talagang dahilan kaya gusto nilang bumalik ay ang mga bata. Dito rin kasi ipinanganak ang mga bata. Nahihirapan daw sila sa atin. Di raw nila kaya ang init ng panahon. Laging amoy-pawis. Ang dami raw ng mga estudyante sa isang section. Ang dami raw langaw at lamok. Nakakatakot daw ang dengue. Ang dami raw reklamo.....Syempre bilang isang nanay maaawa ka sa mga anak mo. Hindi iyon ang buhay na nakasanayan nila.
At sa pamimili naman, para daw ang hirap bitawan ng pera sa atin. Dito kasi ang bote ng mineral water ay SR1, sa atin daw ay nasa P15-20 yata. Parang medyo mabigat sa bulsa. (same price lang naman). Ang taas daw ng bill sa kuryente, lagi kasing naka aircon. At ang mabigat pa raw ay kapag nagkakasakit ang mga bata. Ang mahal daw magkasakit sa pinas. Dito kasi ay free ang medical namin sa mga company. Kung tutuusin ay pahinga sya sa pinas dahil may katulong sya at taga-laba unlike here na solo ang trabaho sa bahay. Pero mas ok na raw na pagod ang katawan basta pahinga ang isip.
Dati parang gusto ko na rin umuwi ng pinas at doon na lang kami ng mga bata. Naisip ko ang mga bata, mahihirapan din sila kung sakali. Isa kaya iyon sa mga dahilan kung bakit maraming families dito ang nagmimigrate sa Canada, Australia, o US kaysa mag decide na umuwi ng pinas.
Stay in the know. Pulse on the new Yahoo.com. Check it out.
Posted by Ann ::
9:45 AM ::
52 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Saturday, September 09, 2006
Saudi
Para kay
Azel at sa iba pang may mga asawa na nandito sa Saudi at balak mag family status. Baka makatulong sa desisyon nyo na manirahan dito. Yung mga tanong mo sa mga tirahan dito, pinalabas ko si KD kahapon para kumuha ng picture ng mga bahay dito. At mission accomplished na naman sya
hehehe.
Ito yung mga kagaya ng mga tinitirhan namin dito, mga condominium type. Bawat floor ay may mga 6-8 na mga flats na may 2-3 bedrooms, sala, kitchen at minsan 2 bathrooms. Hindi sila furnished. Ang rentahan dito ay nasa SR12000-15000/year (P210,000). Usually ang bayaran ay every 6 months or yearly, walang masyado yung quarterly at monthly. Hindi kasama ang tubig at kuryente. Mura lang naman dito ang kuryente. Kapag winter nasa SR20-30/month (P420) at kapag summer naman na 24 hours bukas ang 3 aircon mo sa bahay ay nasa SR500(P7000) lang. Mas mura kumpara sa pinas di ba?
Yung ibang family na hindi naman nagagamit yung extra room ay pwede nilang parentahan sa ibang bachelor, di naman bawal yun. Nasa kasunduan na lang nila yun kung paano ang bayaran.
Ito naman yung mga tinatawag na compound or villas dito. Ang rentahan dito ay nasa SR35000-50000/year (P630,000) . Pero kumpleto na sa loob ng compound, furnished na ang mga bahay, libre tubig, kuryente, may swimming pool, recreational hall, may guard sa gate, may shuttle bus na maghahatid sa mga gustong lumabas. Sa madaling salita sulit din yung ibabayad mo.
Karamihan sa mga nakatira rito ay yung mga Americano, British at iba pang mga westerns na super lalaki ang mga sweldo. Ang disadvantage lang nila sila ang unang tinitira ng mga terorista kaya ganito ang higpit ng pagbabantay sa kanilang mga villas. Ang buong compound ay nakapaikot ng mga harang para di madaling mapasok ng mga terorista, matatakot ka nga minsan kase may mga tangke ng mga sundalo na nakabantay sa gate.
Sa schooling naman ng mga bata. Medyo mahal lang nang konti. Maraming Philippine School dito at mga titser din naman sa pinas , yung iba mga visa holder at yung iba ay mga dependent wives. SR4000/yr (P56,000) ang tuition at SR1500/yr (P21,000) naman sa bus service. Tumataas yun habang lumalayo ka sa place ng school. Lahat ng books ay sa pinas nabibili,pwede ring mag order sa school pero doble na ang presyo. Phil Dep-ed curriculum ang sinusunod, start ng June ang pasukan at March ang tapos.
Ang mga British and American International Schools dito ay nasa SR17,000-SR35,000/yr(P490,000) ang tuition, as usual mga westerns na naman ang mga nag-aaral dun.
Yung tungkol naman sa internet connection , malaki na ang ibinaba ngayon kumpara noon. Nasa SR3/hour(P42) na lang sa mga net café dito ang bayad. At ang DSL connection naman ay SR3000/yr (P42,000) plus meron ka pang monthly charge sa tel bill na SR120/month (P1,680). Pwede kang mag share sa DSL kung may neighbor ka na may gusto para di masyadong mabigat sa bulsa. Legal naman yun dito.
Sana medyo nakapagbigay sa iyo ng konting idea yung post ko tungkol sa buhay dito. Yung tungkol sa mga mutawa, medyo masalimuot na kwento yun, baka di pwede sa blog
hehehe.
Posted by Ann ::
12:28 PM ::
51 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Wednesday, September 06, 2006
Small World
Pinakamahabang post ko yata ito so far, sabi nga ni TK ay magkukot ka muna ng butong pakwan.
Noong nasa Pilipinas pa ako, tinawagan ako isang araw ng asawa ng isang malapit na kaibigan. Kausapin ko raw yung misis nya dahil maghapon nang nakakulong sa kwarto, ayaw kumain, ayaw makipag-usap kahit kanino. At ang kinatatakutan ng lalaki ay nasa kanya yung kanyang baril. Sinubukan kong katukin, pinag buksan naman ako at nag-usap kami. Hindi naman mukhang gutom dahil nakalimutan yata ng lalaki na may ref sa loob ng kwarto at puno ng pagkain.
May problema pala silang mag-asawa. Two months ago raw ay nagpaalam yung lalaki na pupunta ng Palawan at 2 days sila roon para sa isang conference, kasama ang mga kaibigan sa Lions Club. Pinayagan naman nya dahil kilala naman nya ang mga makakasama sa pupuntahan. Pagbalik ng lalaki syempre ang daming pasalubong, nabigyan pa nga ako.
After two weeks, nag attend sila sa isang party ng kaibigan, sabi raw ng isang kumare nya. Yang mga asawa natin eh nagliwaliw sa Palawan, ang ganda raw doon. Ang sarap daw magmasahe nung mga babae sa sauna bath na pinuntahan nila. Para raw syang nabingi sa narinig nya. Hindi yata nasabi ng asawa sa kanya yung tungkol sa sauna bath. Hindi na tinapos yung party at nag-aya na syang umuwi. Ang nasa isip kasi nya ay kasunod ng masahe ay yung paglalabas ng babae na hindi imposible dahil nasa isang lugar sila na malaya at walang bantay.
Naayos din ang problema nila pero syempre nagkaroon na nang lamat, hindi na 100% ang tiwala na kaya nyang ibigay sa asawa after nung mga pagsisinungaling sa kanya. Matagal-tagal din bago naging normal ulit ang buhay nilang mag-asawa. Ganun daw pala yun sa bawat gawin at lakad ng asawa di nya maiwasan na mag-isip na baka maulit ang isang bagay na ginawa na.
Ngayong nasa Saudi na ako, may kaibigan ako na isang nurse na napasyal dito sa bahay. Nagkataon naman na nag doorbell ang isang kapitbahay na lalaki at may kailangan kay KD. Pagkapasok sa bahay ay nagulat yung friend ko na nurse dahil magkakilala pala sila. Medyo napahiya lang sya dahil parang hindi sya masyadong matandaan nung lalaki. Napilitan syang magpakilala. "Ako yung kasama sa bahay ni Bess, di ba madalas ka dati sa apartment namin? Medyo nataranta yung lalaki at nagpaalam agad.
Pag-alis ng kapitbahay namin ay nagkwento yung nurse dahil na rin sa inis sa pag deny sa kanya na magkakilala sila. Dati pala nyang girlfriend yung roommate na Bess ang pangalan. And that was 2 years ago pa nangyari. Sabi ko naman talagang matataranta sya dahil andyan yung kanyang asawa ngayon, nag family status sya last year lang at 5 years na silang married at may 2 anak.
Kinabukasan, pinuntahan ako nung lalaki at kung amo man daw ang sinabi sa kin nung kaibigan ko eh sana wag nang makakarating sa asawa nya . Inasahan na nya na nagkwento si nurse. Sabi ko walang problema, hindi makakarating. Pag kausap ko yung babae sa phone, puro papuri sa lalaki ang maririnig mo, napakabait na asawa, responsible, mabait na tatay at higit sa lahat straight daw at mahal na mahal sya. Sabi ko na lang swerte sya bihira sa lalaki ang ganyan.
After a month, nagpapaalam na yung babae, lilipat daw sila ng bahay. May nakita raw yung asawa nya na mas maganda at mas malaki. Well, sabi ko goodluck sa bago nilang apartment. Sa tingin kaya ng lalaki ay maitatago nya sa habang panahon ang ginawa nyang kalokohan, sabi nga ay napakaliit ng mundo. Na lalo pang pinaliit ng mundo ng internet. Nasaan na ang konsensya nya na habang kasama at katabi ang asawa na sinasabihan ng i love you ay minsan na palang niloko.
Kung ikaw ang babae, sa paanong paraan mo gustong malaman ang isang pagkakamali ng asawa o boyfriend mo? Sa kanyang bibig mismo o sa ibang tao? Mas mabuti bang lihim na lang sa habang panahon para hindi na makasakit?
Kung lalaki ka naman, gaano ka kaya katapang para aminin ang isang pagkakamali? Pagmamahal bang matatawag ang pagtatago para hindi makasakit? Pero hanggang kailan?
Get your own web address for just $1.99/1st yr. We'll help. Yahoo! Small Business.
Posted by Ann ::
12:13 AM ::
73 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Saturday, September 02, 2006
Linggo ng Wika
Last Wednesday, nag celebrate ang Phil School dito ng Linggo ng Wika. Lahat ng students ay required na magsuot ng kasuotang Filipino. Kaya kahit na dito na ipinanganak ang mga batang nag-aaral dito ay alam pa rin nila ang kulturang pinanggalingan.
Pinagdala rin sila ng mga pagkaing pinoy tulad ng puto, kutsinta, bibingka at iba pang mga kakanin. Bawa't kwarto ay parang fiesta sa dami ng pagkain, nakalimutan ko tuloy na on diet ako...hehehe. May nagdala nga ng spaghetti, tinanggal nila sa table kasi nga di naman yun orig na pagkaing pinoy. Pero may nakalimutan silang alisin sa table..ewan kung napansin nyo?
Ang aking 3 anghel sa kanilang kasuotang filipino. Galing pa sa Pinas yang mga barong tagalog na suot nila. (hindi po si KD yung nasa gitna, kamukha lang).
Sabi ng titser ni Josh, "Dahil Linggo ng Wika ngayon, walang magsasalita ng ingles, dapat lahat tagalog." Sabi ni Josh, "Oh no!" sabay tingin sa akin...hehehe.
Justin with his classmates, half pinoy yung ibang kasama nya pero bagay na bagay ang mga kasuotang filipino sa kanila.
Si Tin2, enjoy sa okasyon. Nagpa-iwan pa, sunduin na lang daw sya sa hapon. Sabi ng tatay dapat daw isinama na pauwi..hehehe.
Posted by Ann ::
11:10 AM ::
37 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------