Apple of my Eyes

Sunday, October 29, 2006

Happy Halloween

Dito sa KSA, maraming hindi pwedeng gawin. Tulad ng selebrasyon ng pasko at Halloween. Pero syempre kahit saan di pwedeng hindi mawalan ng mga pasaway. Kapag pumasok ka sa mga compound o villas makakalimutan mo na nasa Saudi ka nga pala. Mahigpit sa mga villas dito. Hindi ka basta makakapasok kung wala kang kakilala sa loob at willing sya na sponsoran ka. Sa gate pa lang ay katakut-takot na identification pa ang kailangan mong ipakita bago ka makapasok.
At dahil mga puti naman ang mga karaniwang nakatira sa loob kaya nagagawa rin nila ang gusto nila like mag celebrate ng Halloween, kanya-kanyang ayos ng dekorasyon sa mga bahay. Pero kaming nakatira sa labas hindi pwede.
Wala pang bagong costume si Josh. Last year nahirapan kaming maghanap ng gusto nya at syempre yung kasya sa kanya, hirap hanapan ng size.
Kuha ang mga ito last year. Nag enjoy ang mga bata sa trick or treat. Napagod naman kami sa kakahabol sa kanila dahil excited na kumatok sa mga bahay-bahay. This coming Tuesday go na naman sila sa trick or treat.

Old pictures ito ni tin2 noong 4 and 5 yrs old sya.

Mga bahay sa loob ng compound at talagang pinupuno ng decorations sa harapan.



Abaya + witch hat + make-up instant costume na


Trick or Treat?






Posted by Ann :: 8:58 AM :: 39 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Wednesday, October 25, 2006

Holidays update pa rin!

Last Sunday, (Oct 22) ay nag picnic kami ulit sa corniche with some friends., potluck at  medyo maaga kaming naghiwa-hiwalay (12midnight) dahil baka raw madagdagan pa yung mga hindi magandang pangyayari that night.
 
Mga lima kaming families at yung iba ay mga bachelors na. May mag-asawa kaming kasama na walang anak at naisipan nilang isama yung 3 yrs old na anak ng kapitbahay nila. Masaya naman na naglalaro ang mga bata, kwentuhan naman kaming mga babae at may sarili ring topic ang mga lalaki. Napansin na lang namin na parang wala sa grupo ng mga bata yung batang lalaki na kasama ng mag-asawa. Nagkagulo na kami at kanya-kanyang hanap sa bata. Ang dami pa namang tao sa corniche , ang hirap maghanap. Kinakabahan na yung mag-asawa dahil syempre hindi naman nila anak yun, ano na lang sasabihin nila sa mga magulang ng bata.
 
After mga ilang minuto ay nakita rin, ang layo nang narating ng bata. Nagpunta sa malayong playground na may swing at slides. Walang pakialam ang bata..hehehe. Hindi nya alam ay nagkakagulo na kami sa paghahanap sa kanya.
 
Bumalik kami sa picnic ground at nagkainan na. Mga 11pm siguro ay gusto raw ni Josh ng ice cream , so punta kaming dalawa sa mcdo, walking distance lang naman mula sa place ng picnic. Akyat muna kami sa 2nd floor dahil gagamit ng bathroom. Nauna si josh mag pee, may pumasok na 2 araba at nahihiya sya kaya sinarado nya yung pinto. Nung lalabas na sya namali sya ng ikot sa lock at nasarado sya sa loob.
 
Kahit anong turo ko sa kanya ng pagbukas ay hindi nya mabuksan yung lock. Umiiyak na sya sa loob. Hanap ako ng crew, Indian pa nakita ko. Sinabi ko yung problema. Wala palang susi(key) yung mga lock dun dahil pinapa-ikot lang naman sa loob at mabubuksan na. (hirap explain yung hitsura ng mga lock, imadyinin nyo na lang). Sabi ng crew parating na raw yung supervisor nila.
 
Tinawagan ko si KD at pinapunta ko sa Mcdo. Ilang minutes na rin ay wala pa ring dumarating na tulong, nagpapalahaw na sa iyak si Josh sa loob. Tinawagan ko ulit si KD at sabi ko dumaan sa counter dahil wala pa ring umaakyat. Hindi ako maka alis at di ko maiwan si Josh. Maya-maya ay nakarinig na ako nang maingay na dumarating. May umakyat na sa mga crew at kasunod si KD na galit na galit na doon sa supervisor. Kung hindi pa nga naman sya dumating ay walang mag-aasikaso.Puro yes sir! sorry sir! at we understand sir! ang narinig ko doon sa supervisor na ewan kung anong lahi.
 
May kasama si KD na kaibigan namin na inakyat na lang yung cr kung saan na lock si Josh. Dumaan sya sa kabilang pinto at nilundag na lang yung place ni Josh. (parang mga cr sa SM, open sa taas dahil magkakatabi naman.). Paglabas ni Josh ay pawis na pawis na sa kakaiyak. Doon dumami ang mga crew , mga 5 yata silang umakyat. At yung huli ay may dala pang hagdanan. Sabi nga ni KD kung kelan nakalabas dun kayo dumating.
 
After nga ng picnic tinanong ko si Josh kung gusto nyang pumunta sa Mcdo, ayaw daw. Ngayon lang tumanggi sa mcdo. Nag ka trauma yata yung bata.  Kaya pinaka maaga naming uwi yung gabi na yon.

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com


Posted by Ann :: 3:16 AM :: 34 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Monday, October 23, 2006

Holidays Update

Konting update lang ng holidays...pictures na lang muna saka na kwento...

Oct.18 (wednesday night) Picnic at the park.


 
Enjoy ang mga kids......
 
Josh w/ KD
 
 
 
Napagod si Josh...rest daw muna sya.


 
Joshhhh..wake up!
 
 

October 19. (Thursday night)

We went to Mcdo together with some friends. We stayed there up to 2:30am.

 



October 20 (Friday night).
May inampon kaming isang blogger..... Dinner muna kami sa KFC.






Si Kneeko...pinatulan si Josh.


Midnight snack at Mcdo (again). Mga 1:30am na yata.





October 21 (Saturday ). Dinner muna kami sa mall. Hulaan nyo kung ano ang nilalaro ni Josh.

Okay! Ready! Game na......

Sino ang mataba?


Sino ang pangit?


Sino ang bading?



After dinner, nagtuloy kami sa Sparky's Amusement Park. Si Kneeko mas malakas pang sumigaw sa mga bata...hehehe.










__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com


Posted by Ann :: 7:17 PM :: 25 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Thursday, October 19, 2006

Kwentong airport

May naka chat akong isang kaibigan kahapon at nagtatanong kung ano ba ang pwede at hindi pwedeng dalhin papasok ng Saudi dahil malapit na silang pumunta rito. Naalala ko tuloy ang unang pagpunta ko rito. Bago pa kami umalis ng pinas ay katakut-takot na briefing na ang inabot ko kay KD. Isa sa mga bilin nya ay huwag daw titingin ng deretso or eye to eye sa mga katutubo. Nasa airplane pa lang kami ay pinagsusuot  ba naman ako ng abaya, ayoko nga! Pero pagbaba ay wala akong nagawa kundi suotin na yung baon naming abaya dahil ang daming pulis sa loob ng airport, syempre first time kaya takot din naman ako.
 
Pagdating namin sa dulo ng pila ay kinuha na yung passport ko at sabi ng katutubo, Look at me! ( Nakayuko pa rin ako dahil naalala ko yung bilin ni KD.) Sabi ulit, parang inis na.,  It's ok, I just want to see your face. Lapit si KD at tinanong kung ano ang problema. Nun pala gusto lang ma confirm kung ako nga yung nasa picture sa passport. Galit ko tuloy kay KD kasi napahiya ako dun sa taga immigration.
 
Minsan naman pauwi kami ng pinas, pag kasi pauwi at deretso ka naman ng airport pwede nang hindi magsuot ng abaya. Ilang uwi na rin ako na ganoon. Kaya lang nung isang byahe namin ay walang direct flight, kailangan pa naming mag domestic papuntang Riyadh. Siguro ay mga 30 minutes na lang at boarding na biglang may lumapit na pulis sa amin at hindi raw ako pwedeng sumakay ng plane kung ganoon ang suot ko. Eh di nag panic na ako kasi wala ng time para umuwi pa at kumuha ng abaya.
 
Nakiusap na si KD dun sa supervisor pero ayaw talagang pumayag dahil mahigpit daw sa Riyadh at sila ang masisisi kapag pinasakay nila ako na ganoon ang suot ko. Mula raw kasi sa pagbaba sa plane ay medyo malayo pa ang lalakarin papunta sa gate na pasukan naman ng flight papuntang pinas. Imagine ilang gabi na akong di nakakatulog dahil excited ako sa bakasyon namin tapos di pa matutuloy.
 
So, ikot si KD at hanap ng mahihiraman ng abaya. May nakita syang isang kababayan na may dalang jacket (kasabay naman namin sa flight) mabait naman at pinahiram nya. Kaso sabi ng pulis dapat daw takip pa rin ang mga binti ko. Ikot na naman si KD. Yung isang kabayan ay may dalang long pants (may tag pa nga) at pinahiram baka raw kasya. Wala akong choice ilang minutes na lang at lilipad na ang eroplano. Size 32 yung pants eh 26 lang ako nun (history na lang ngayon yung size ko..hehehe).
 
Mula nga sa binabaan namin ay ang layo pa ng nilakad namin, kulay black yung jacket na suot ko at black din yung pants na habang naglalakad ay bitbit ko sa bewang dahil nahuhubad. Mangiyak-ngiyak ako at di maipinta ang mukha ko habang si KD ay pangiti-ngiting nakatingin sa akin dahil nakakatawa raw ang hitsura ko. Pag-akyat sa plane ay nagbihis ako agad at isinoli yung mga hiniram naming damit.
 
Mula noon kahit alam kong pwede naman ang hindi naka abaya kapag direct flight ay sinisiguro ko na andun yung abaya ko sa hand carry na bag. Mabuti na yung sigurado.
 
Naghanap ako ng picture na suot ko yung damit na nagdulot sa akin ng kahihiyan sa airport noon. Hindi po yung mascot, yung katabi lang.
 
 


 
 
 

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com


Posted by Ann :: 4:11 AM :: 38 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Friday, October 13, 2006

Weekend G-mik

Ang sarap mamili kapag Ramadan, napakalinis ng supermarket. Walang pila at walang mabaho sa tabi mo kundi yung mga sibuyas.....hehehe. Namili kami ni KD mga 6pm (may catering kasi ako) at talaga namang napakatahimik ng paligid-ligid. Nasa mga kani-kanilang bahay pa kasi ang mga katutubo at kumakain after ng kanilang maghapon na fasting.

Sa parking pa lang ay ganito na ang scenario......





Sa loob ng supermarket hindi ko alam na kinukunan ako ni KD. Ok na rin at magagamit pala sa blog.





Pansin nyo yung eggplant dito, iba yung shape, hindi tulad sa pinas.





May bagong bukas na hypermarket. Isa na namang napakalaking supermarket. Syempre basta bago dapat pasyalan di ba? Sa unang araw ay di kami masyadong nakapamili sa dami ng tao, kaya bumalik kami kinabukasan. Ito ay ang Carrefour, baka meron ding ganyan sa place nyo, alam ko kasi eh marami na rin ito sa middle east pero sa Europe yata ito nag originate.



Ito yung napakaluwang na parking space sa basement ng Carrefour.




Escalator paakyat sa supermarket. Ito pa lang ang may ganitong escalator dito, ganito yata ang ginagamit sa mga airport, walang steps na parang sa stairs. Natakot nga si Josh sa unang sakay dahil para raw syang mahuhulog.




Si Josh habang nag-iisip kung anong kulay ang toy na pipiliin nya....





Sa wakas......may napili rin.





After makabili ng toy ay nakaramdam ng pagod. Nakita ko yung pics ni Irene sa blog nya habang yung anak nya na si Ryland ay nagpapahinga sa ilalim ng trolley, kaya lang si Josh naman hindi kasya sa ilalim kaya nagtiis na lang sya sa loob.





Nakita ko itong isang naka sale na scooter, dami kasing tumitingin na katutubo. Napansin ko yung naka tag sa side ng scooter, parang may mali yata....hehehe..pansin nyo ba?



lakihan natin yung nakalagay...



Natapos kaming mamili ay mga 2:30am na. Pero ang tindi pa rin ng traffic sa labas. Parang 8pm lang ng gabi sa dami ng sasakyan at puno halos lahat ng mga restaurants, fastfood at napakahaba ng pila sa mga drive thru.

Sabi ni KD pwede ko na raw ipakita ang picture nya sa blog ko....kita nyo ba?






Baka mga October 21 ay matatapos na ang Ramadan at 10 days holiday naman, it means walang pasok sa office si KD at wala rin sa school ng mga bata.

Posted by Ann :: 3:05 PM :: 45 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Sunday, October 08, 2006

TUMOR?

Nagkita kami kahapon ng isang kaibigan na galing Pilipinas. Bumalik sila dito para lang bumisita sa asawa na dito pa rin nagtatrabaho. Kasama nya yung anak nya na lampas isang taon na rin ang edad. Isang batang muntik nang hindi lumabas sa mundo. Pagkakamali nga ba or kakulangan sa wastong kaalaman.
 
Irregular ang monthly period ng nanay at 4 months syang walang dalaw , sa ika-apat na buwan ay nakaramdam sya ng paglilihi. Nagpa tsek-up sa OB-Gyne, at ang result..kanser sa matris,may bukol daw o tumor, nakakagulat. Tawag agad sa akin ang kaibigan ko at umiiyak. May mga blood tests daw na ginawa at ultrasound . Ginawan na sya ng skedyul for chemotherapy. Pero dahil hindi pa rin sya makapaniwala na may sakit sya, nakiusap sya sa doktor na kung pwede ay sa isang Linggo na lang dahil magbebertday pa yung isang anak nya.
 
After the birthday, naka skedyul naman silang umuwi sa pinas para magbakasyon, napag-usapan nilang mag-asawa na doon na lang magpagamot. So, dala nila lahat ang results ng examination. Pagkabasa raw ng OB sa pinas ay pina X-ray sya agad. Laking gulat ng doktor nang makitang bata pala ang sinasabing bukol sa tyan. Natakot din daw ang doktor dahil hindi dapat na na X-ray ang nanay. Ang mali naman ng doktor sa pinas dapat hindi sya nagbase sa dalang results, dapat siguro gumawa muna sya ng sariling test bago pina x-ray.
 
Pwede rin palang magbuntis ang babae kahit hindi sya dinadatnan monthly, lumalabas na nabuo ang bata dun sa huling buwan. Nakita sa ultrasound na 6 weeks old na yung fetus sa tyan. So noong time na magpagamot sya dito ay nasa 4 weeks pa lang kaya walang heartbeat at napagkamalang tumor. Ang buong 9 na buwan ng pagbubuntis nya ay puro takot at pangamba sa magiging anak nya, natatakot sya na baka hindi maging normal dahil sa pagkaka x-ray nya sa 1st trimester ng kanyang pagbubuntis. Normal naman at malusog  ang bata paglabas.
 
Naalala ko tuloy noong magbuntis ako kay Josh. Nag pa blood test na ako at positive ang result. Pinapunta ako sa ultrasound room at tiningnan ako ng doktor. Nagulat ako nung sabihin nya na. What is this? A tumor? Are you aware of this one? Oh! It's really big!  Sabi ko sa kanya, Dok, I am pregnant. What tumor are you talking about? Nag sorry sya kase ibang file pala yung hawak nya….hehehe..buti hindi ako nakunan sa pagkagulat ko. Ikaw ba naman ang sabihan na may tumor ka sa matris.
 
Dinala naman namin sa hospital yung isang kaibigan namin na lalaki dahil sa sobrang sakit ng tyan. Pagdating doon, ibat-ibang tests din ang ginawa. Kinabukasan iniskedyul sya para sa operation ng appendix daw nya. Nagulat sya dahil two years ago ay tinanggal na ang appendix nya, same hospital and same doktor pa. Pahiya syempre yung doktor kaya ulit yung test na naman. After few hours, sa gallbladder daw pala ang dipresensya nya. Kaya hayun tinanggal ang gallbladder. Tinutukso nga namin kase 2 organs na ang wala sya. Ang tanong nga ni KD sa kanya eh kung tama kaya yung tinanggal sa kanya.
 
Ang problema lang kapag nasa ibang bansa ka kung konting pagkakamali na lang at walang buhay na nawala ay idadaan na lang sa hindi pagkibo or hindi pagrereklamo legally.


Get your own web address for just $1.99/1st yr. We'll help. Yahoo! Small Business.

Posted by Ann :: 12:57 AM :: 57 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------