Apple of my Eyes

Sunday, December 17, 2006

It's my day!

Wala sana akong balak gumawa ng birthday post pero dahil sa natanggap kong email from Ma'am Teks ay na inspired akong gumawa ng entry. Thanks ma'am for this one:



Dalawang birthday ko lang naman ang naging memorable sa akin. Isang malungkot at isang masaya.

Lahat naman siguro ng babae ay nangarap na magkaroon ng magandang birthday party pagdating sa edad na 18. Bilang panganay na babae ako pa lang ang unang mag dedebut sa pamilya. Kahit hirap ang buhay namin noon ay pinaghandaan ng nanay ko ang pagdating ng birthday ko. At the same time excited rin ako at nasabihan ko na nga lahat ng friends ko. But a week before my birthday ay namatay ang father ko. Isang napakalungkot na pabirthday at pasko para sa aming lahat. Matagal din bago kami naka recover lahat sa biglaang pagkawala ng isang mahal sa buhay.

Ang isang birthday ko naman na naging memorable din sa akin ay noong first birthday ko as misis ni kd. Hindi sabay ang oras ng pasok namin sa office noon kaya mas una syang umaalis sa akin. Pagtunog ng alarm clock sa side table ay may nakita akong birthday card sa mismong tabi ng clock. Syempre napangiti ako dahil yun ang unang nakita ko pagmulat ng mata ko di ba? Deretso na ako sa bathroom para maligo at pagkapa ko ng switch ay meron na namang birthday card na nakadikit. Pagkuha ko ng toothbrush ay meron ulit card sa may lalagyan ng toothpaste. Pagpasok ko sa room para nag-ayos ay meron ulit card nakaipit sa may salamin ng tokador, alam na alam ang daily routine ko. Naghanap pa ako ng iba dahil baka doon nakalagay sa huling card yung diamond pero wala na pala…hehehe.

Pagsundo nya sa akin sa office noong hapon ay nag celebrate na lang kami sa labas. Napakasimpleng birthday pero para sa akin ay napaka memorable dahil siguro alam ko na kahit papaano ay pinag-aksayahan ng isip para maging masaya ako sa araw ng kaarawan ko.

This year, may selebrasyon dito sa bahay pero para naman kay Tin2 dahil birthday din nya sa December 21. Kung noong bata pa sya ay ako ang mapilit na ipaghanda sya , ngayon sya na yung nagsasabi na ipaghanda sya dahil marami raw syang invited na friends.
 
 

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com

Posted by Ann :: 12:44 AM :: 51 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Thursday, December 14, 2006

Third Quarter Exams

Katatapos lang ng 3rd quarter exams ng mga bata, kaya pwede na raw mag beauty rest sabi ni Ghee. Every after exams ay nakakahinga na ako ng maluwag dahil mahabang araw din ang nauubos sa aming pag rereview .

Usapan namin ni Josh during the review:

Joshua:  Ma, are you going to get angry if I have 2 or 3 mistakes?
Me:       Of course not but I'll be sad.
Joshua:  Ok. Promise I will do my best.

(After the exams, dumating yung test papers. )

Me:        Josh, why like this? (hawak ko yung test paper)
Joshua:  Mama, you told me it's ok if I only have 2 or 3 mistakes.
Me:       Yes, I said that… but not in every page.

(Waaahhhh..hindi pala kami nagkaintindihan.)
Kahapon naman pagpasok pa lang sa pinto ay may iniabot na test paper.

Joshua:  Mama, look It's perfect. (Na shocked  ako at nahalikan ko sya sa tuwa,
                sabay tanong kung anong toy ang gusto nya. Saka na lang daw at mag-
                iisip muna sya.)
Justin:     Ma, have you seen my test paper in English?
Me:         Not yet. Where is it?
Justin:     Josh, where's my test paper?
Joshua:   I gave it to Mama.
Me:         Josh, you told me it's yours.
Joshua:   No, I did not tell. I only said "look it's perfect."

Tiningnan ko yung papel na inabot sa akin, waaahhh… kay Justin nga. Kung bakit hindi ko napansin yung pangalan.

After the examination nakasanayan na nila na ibinibili sila ng toys o kahit anong reward kapag may mga perfect silang test papers. Yun ang rule namin sa dalawa pero pagdating kay Joshua biglang naiba ang policy. Basta wala syang bagsak na exams entitled sya sa reward. Dahil kung hihintayin namin syang maka perfect baka maubusan sya ng toys sa supermarket.

Eto yung hiningi nya last quarter.


Dahil tapos na rin naman yung exams, nagsimula na rin kaming mamili ng mga panregalo para sa pasko. Inuna muna namin yung mga ipapadala sa pinas.




__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com

Posted by Ann :: 3:10 AM :: 30 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Saturday, December 09, 2006

Santa Claus?

Nabasa ko yung post ni malou about her daughter na binisita sila ni Santa. Nakakatuwa dahil kitang-kita sa facial expression nung bata yung magkahalong kaba at excitement. Paniwala ng halos lahat yata ng bata na kapag naging mabait sila ay darating si Santa para bigyan sila ng regalo.


Sa school nina Josh noong nursery sya ay laging may Santa na dumarating. One week before yung program ay may field trip sila sa toy store kasama ang mga parents para makita kung alin sa mga toys ang wish ng bata na makuha from Santa at yun ang sekretong ituturo sa nagtitinda para balutin . Idedeliver lahat yun sa school at yun kunwari ang ipamimigay ni Santa sa kanila.






Pero may napansin akong isang bata na parang hindi excited noong lumabas si Santa. Although natuwa rin sya sa gift na natanggap nya. After ng bigayan ng regalo at picture taking ay umalis na si Santa at pumasok sa isang kwarto para magbihis. Sinundan sya nung bata at inabangan sa may pinto. Paglabas ay yun palang asawa ng teacher at syempre iba na ang bihis.


Jeremy: Tito, you were the Santa a while ago right?
Santa : No, I am not.
Jeremy: I knew It was you because my mom said there is no real Santa. Where is your
costume? May I see it. You are just a mascot right?
Santa: Jeremy, Santa is real. He gave you a gift right?
Jeremy: No. My mom bought that for me.



Narinig ng teacher yung pangungulit ng bata kaya kinausap sya. Sinabi pala ng nanay ng bata na walang tunay na santa. Nagsusuot lang ng costume para maging kunwari ay Santa. At yung regalo na ibibigay ay yung toy na nagustuhan nya during the field trip.
Medyo disappointed yung teacher dahil dapat daw at young age pinapasaya muna kahit papaano ang batang-isip sa mga ganyang okasyon. Sooner or later daw pag nasa elementary na pwede nang sabihin yung totoo about Santa.


Sa tingin nyo tama nga ba yung nanay sa pagsasabi sa anak nya about Santa?
How about you? Naniwala ka rin ba kay Santa noon? Kailan mo nalaman na wala nga palang Santa na nakasakay sa sleigh?


__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com

Posted by Ann :: 8:23 AM :: 40 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Sunday, December 03, 2006

Warning to Parents (parents to be)

May project sina Justin na piggy bank. Pinagdadala sila ng empty bottle ng mineral water, gift wrapper, colored pencils, paste and eggs tray. Kailangan na nila agad the next day. Syempre after mo mailagay sa fridge yung eggs pag bumili ka ay tapon na agad yung tray di ba? So tawag ako kay kd para bumili ng isang tray ng itlog kahit marami pa kaming eggs sa bahay. May isang parent na tumawag sa akin at baka raw meron akong tray ay share na lang yung anak nya. Pinagbilin ko kay Justin na ibigay yung isang tray dun sa klasmeyt nya. Eh malas naman at nakalimutan sa back compartment ng service yung tray. So pareho silang walang project nung bata. Sa bahay na lang pinagawa nung teacher.

Kinabukasan, tumawag sa akin yung nanay, nag sorry ako kasi nga pati anak nya nadamay na walang project. Medyo galit pero hindi sa akin kundi sa teacher. Nagsumbong daw yung anak nya na may nagbibigay naman daw ng tray sa kanya sa school kung bakit hindi pinayagan ng teacher na gumawa sya ng project. Sabi ko pati si Justin hindi rin nakagawa. Sabi ko tawagan na lang nya yung teacher kasi iba naman yung statement sa akin ni Justin para malinawan nya yung totoong dahilan.

After 30 minutes tumawag ulit sa akin :

Mom: Sis, napahiya ako dun sa teacher na tinawagan ko.
Me : Baket?
Mom: Sabi kasi nung teacher kaya di sya pinagawa sa school dahil ang dami ko raw reklamo.
Me : Ha? Anong reklamo?
Mom: Kasi pagdating ko galing trabaho , mga 8pm na, sinabi sa akin na kailangan ng
tray, eh saan naman ako maghahagilap oramismo nun , sana kung nasa pinas tayo na
pwedeng lumabas anytime na gusto mo at may tindahan sa kanto.
Me : Eh di ba bibigyan nga sana kita, nakalimutan lang.
Mom: Oo , kaso nasabi ko sa init ng ulo ko na , “Engot naman yang teacher mo, ora-orada
kung magbigay ng project eh after bang bumili ng itlog ay itatabi pa ba yung tray. Di
man lang magbigay ng kahit isang araw na palugit.
Me : Patay! Sinabi yun sa teacher?
Mom: Oo! Kaya nga ako pa tuloy ang humingi ng dispensa.


Kaya minsan ang hirap magparinig ng salita sa bata ,di ba Ayie?

Noong kinder naman si Joshua, nakausap ko yung mister nung teacher nya kasi daw natutuwa sya kay Josh. Kaya sa umaga bago sya umalis papuntang work ay kinakausap muna nya si Josh. Nagkwento raw na pag tinuturuan sya sa Math ni KD ay nasisigawan sya...hehehe.

Kinausap sya ni KD na wag sasabihin sa teacher kasi nakakahiya, oo naman sya. Pinagpaliwanagan ko rin. At sabi ko kay KD pag mahirap turuan ay wag maiinis kaya ngayon ako na nagtuturo.

Minsan sinundo namin sila sa school at pauwi na sana. Sabi ni Josh, “Dada let’s go to Mcdo.” Sabi ni kd , “sa weekend na lang at gagawa pa kayo ng homework nyo.” Sagot si Josh, “ If we will not go to Mcdo I will tell to my teacher that you are shouting at me again.” Tawa ako nang tawa. Ginamit pa na pang blackmail. Buti pala hindi sya napapalo kung hindi mas marami syang kwento.

Nakakatuwa kapag bata pa na may nagagawa silang sa tingin natin ay hindi pa nila kaya sa ganoong age. Pero dapat alam din natin yung limitations. Hindi dahil natutuwa tayo ay tama na yon sa paningin nila. Dinala namin sila sa Mcdo pero sinabihan na hindi dapat ginagamit ang ganoong sitwasyon para lang makuha o matupad yung gusto. Mula noon hindi na inulit ni Josh, It means naintindihan nya.

Posted by Ann :: 12:32 AM :: 43 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------