Apple of my Eyes
Sunday, December 30, 2007
CHRISTMAS GIFTS
Isang bagay na hindi pa nararanasan ng mga kids ko ay ang makapag pasko sa Pilipinas. Two weeks lang kasi ang bakasyon nila sa school kaya hindi practical na magbakasyon sa pinas ng mga ganoong month. Kaya wala silang idea kung gaano kasaya para sa isang bata ang mamasko at makatanggap ng aginaldo mula sa mga kamag-anak sa araw ng pasko. Madalas ko lang maikwento sa kanila na noon kapag pasko at nagmano ka sa mga kamag-anak ay bibigyan ka nila ng aginaldo. Kahit limang piso lang yon, basta bago at matigas (fresh from the bank) ay masayang-masaya na kami.
One week bago magpasko ay kinukulit na ako ni Josh, bakit daw ang tagal ng pasko? Hindi dahil mamamasko sya sa labas kundi dahil gusto na nilang magbukas ng mga regalo. May mga natitira pa naman sa mga ninong at ninang nila rito kaya may mga regalo pa rin naman silang natatanggap. Yung mga iba ay nag-uwian na for good.
Kaya sa mismong araw ng pasko ay excited silang tatlo sa pagbubukas ng mga regalo.
Si Tin2 ay natuwa halos sa lahat ng natanggap nya, damit, perfume, stuffed toys, books, at kung anu-ano pang accessories.
Pero si Justin at Joshua kapag ganitong mga t-shirts lang ay hindi na tinatapos buksan. Mas gusto pa rin nila talaga ang toys.
At the same time ay pinagawan din namin sila ng wish list nila para sa gift na gusto nila this Christmas. Si Tin2 ay nagpabili ng guitar, kaya sa summer ay mag-eenroll sya sa guitar lesson.
Si Justin ay humiling ng cellphone pero sa tingin ko ay napakabata pa para sa 8 yrs old ang cellphone kaya pending muna yun. Mag-iisip pa raw muna sya ng iba pa. For the meantime ay ito muna raw.
Si Joshua ay humingi ng PSP…waaaahhh..ang mahal ng bala. Kaya 2 pa lang ang games nya sa ngayon at kapag nagsawa ay another kulitan na naman tyak. Kung bakit naman kasi si tito
kneeko nya noong malapit na ang pasko ay hindi na nagpakita…hehehe.
Hindi man kasing-saya ng pasko sa pilipinas ang naging pasko nila rito sa loob ng 12 taon ay masaya na rin sila dahil nakakatanggap rin sila ng mga regalo sa araw ng pasko. Sa 2007 ay pipilitin namin na sa pilipinas magpasko kaya
EB tayo.
Posted by Ann ::
1:15 AM ::
37 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Tuesday, December 25, 2007
Roman Numerals
Kagabi habang tinuturuan ko si Josh sa assignment nya ay naalala nya na may practical test daw sila sa PE. Alam naman daw nya lahat ng ipapagawa sa kanila pero kung pwede ko raw syang praktisin dahil nahihirapan sya sa iba. Syempre with matching paalam sa kanya kung pwedeng may picture taking.
Pero ang main reason ko kaya gusto kong may picture ay para ma explain sa kanya na kaya sya hirap gawin yung mga ibang stunt ay dahil sa katawan nya. Gusto ko na maging aware na rin sya na hindi healthy ang ganoon kataba.
Yung mga magagaan na stunts ay kaya pa nya tulad ng ganito:
Pero pagdating sa ganitong posisyon ay hirap na talaga sya. Nasa likod nya si Justin para alalayan sya at baka kasi biglang bumaligtad. After nya gawin lahat ay napahiga sya sa pagod.
Mula noong lumamig na ang panahon dito ay hindi ko na sya pinapasundo sa service ng 3pm. Sumasabay na sya sa mga kapatid nya ng 4pm para may 1 hour sya na makapaglaro at magkaroon din ng exercise.
Ilang gabi na kaming nagkakahirapan sa pag-aaral sa Math. Nasa Roman Numerals sila ngayon. Hirap talaga syang imemorize ang mga equivalent na letters ng Hindu-Arabic sa Roman Numerals. Naisip ko lang bigla , saan nga ba ginagamit yang mga roman numerals na yan? Sabi ni KD sa relo daw…hehehe..ang gandang sagot eh no pero parang doon ko nga madalas makita. Sabi ni mmy lei sa name daw halimbawa Peter I or Peter II. Sabi ko nga kay kd susulat ako sa Dep-Ed para ipatanggal na yung roman numerals (feeling VIP...hehehe) kung wala rin lang gamit tulad ng Spanish subject namin dati sa college. Napansin ko lang daw ngayon ang roman numerals dahil nahihirapan lang akong magturo.
Saang field nga ba ginagamit ang Roman Numerals?
__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com
Posted by Ann ::
11:53 AM ::
25 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Monday, December 24, 2007
MERRY CHRISTMAS TO ALL!
Merry Christmas!
Merry Christmas to all!
Ang haba pala ng birthday post namin ni Tin-tin. Ang dami kong nagawa sa loob ng isang linggo na hindi ako nakapag blog. Umpisahan ko muna sa celebration ng birthday ko.
Hindi na ako nagluto sa bahay, lumabas na lang kami at kumain sa Chilis. Ang lamig that night dahil si Joshua manghang-mangha (hahaha! Ang lalim nito) , imagine nasa saudi kami pero pag nagsasalita ka ay may lumalabas na usok sa bibig mo sa sobrang lamig.
May nakita kaming dating kapitbahay dito na Lebanese sa Chilis. Konting kwentuhan at kumustahan, then umalis na rin sya. After namin kumain ay may nag serve agad ng desserts, sabi ko sa waiter ay wala pa kaming order. Compliments daw ng manager nila…hehehe..yun palang lebanese ang manager nila. Then nung magbayad na kami ay may discount pa. O di ba? Gandang pa birthday.
Nagkaroon din ng Family Fun Day sa School. Meron nito yearly na ginagawa para magkaroon ng bonding ang mga parents dito kahit nasa ibang bansa. Sarado naman ang gate ng school at medyo mataas yung pader kaya hindi rin masyado pansinin sa labas. Nagkaroon ng potluck at syempre mga pagkaing pinoy ang handa.
Maraming parlor games na "larong pinoy." Pero dahil sa kakulangan sa gamit ay gumamit na lang sila ng mga ibang gamit na available dito.Tulad ng "hit the pot", walang palayok dito kaya gumawa sila ng parang lantern na papel at yun ang nilagyan ng candies at ginawang palayok. Dapat yata "hit the lantern" yun. Wala akong kuha dahil sumali si Josh at moral support ako pero ang layo pa rin ng tira nya…hehehe.
Sa "sack race" naman. Wala rin kaming sako rito kaya ginamit nila ay garbage bag. Sa una ay ok pero sa katagalan yung sack race naging parang 20 meters Sprint na lang dahil sira na yung mga garbage bag.
Sa "palosebo" naman. Kung sa atin ay kawayan ang gamit. Dito ay gumamit sila ng tubo na bakal at nilagyan ng oil. Kahit walang mga kagamitan ay nagawa pa rin nilang pasayahin ang fun day. Malayo man sa pinas ay parang andun pa rin.
Kaya pala nawawala si Josh dun sa labas ay andito at may ka date...hhhhmmmm.
__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com
Posted by Ann ::
1:50 PM ::
28 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Wednesday, December 12, 2007
Vegetable salad for South Beach Diet
Posted by Ann ::
5:30 PM ::
5 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Thursday, December 06, 2007
TAG from Niceheart
Ten things I would never do(again)
(hindi ko makumpleto yung 10 kaya 6 na lang)
I will never sing in public.
Sabi kasi ng tatay ko di raw maganda ang boses ko kaya nagkaroon ako ng inferiority at ni minsan ay hindi ako kumanta na may ibang tao na nakakarinig. Buti na lang yung naging partner ko ay malakas ang loob at naririnig ang boses nya hanggang Germany at UAE.
Not to cook while chatting or chat while cooking.
Nagkakasayahan kami sa conference chat dahil naka webcam pa kami. Nagkukulitan pa kami ni kd then biglang may naamoy si tin2 na nasusunog. Waaahhh..nagsalang nga pala ako ng tocino bago naupo sa computer.
Never ask Josh to tell a lie again.
Sabi ko kay Josh pag may tumawag sabihin natutulog ako. Sumagot sya sa phone, "Mama is sleeping. Ok I will just tell her, what is your name again?" Sumenyas pa sa akin ng ok at ngumiti naman ako. Then sabi nya, "Mama, I told tita that you're sleeping." After few seconds nag ring ulit.....sinagot ko na, sya ulit. Narinig pala yung sinabi ni Josh kasi hindi pa pala naibaba yung phone sa kabila, hehehe..hiya ako pero nag explain na lang ako.
Never mix bowl disinfectant with bleach (clorox)
Hindi ko na talaga uulitin dahil akala ko di ako makakalabas ng buhay sa loob ng bathroom that time. Para sana mas mabilis ang paglilinis kaya ko pinaghalo. Bigla akong nahilo at nagdilim ang paningin ko sa amoy. Nag-iisa lang ako noon sa bahay.
Never leave the washing machine unattended.
Nakasanayan ko na kasi na after kong maglagay ng damit sa washing machine ay bumabalik ako sa room para matulog or manood ng tv, tutal automatic naman at medyo matagal din yun bago matapos. After mga 30 minutes naka-amoy ako ng parang nasusunog na kuryente. Paglabas ko ng room ay madilim na sa buong paligid at puno ng usok. Baby pa noon si Justin at nataranta ako. Pagbukas ko ng pinto sa labas ay may mga indian na maintenance ng building at humingi ako ng tulong. Pinatay agad nila yung general switch. Nasunog pala yung wire ng washing machine papunta sa kuryente. Sunog ang wall ng bathroom, tanggal ang ibang tiles, maitim ang buong bahay, nagliparan ang maiitim na "alipato" yata ang tawag dun. Noon ko nakita na yung usok nga pala ay sa itaas dahil halos gumapang ako sa carpet palabas ng pinto, wala na akong makita sa kapal ng usok.
Pinauwi ko si KD sa bahay dahil hindi ako makakilos, para akong nanlalambot sa takot. Yung damit namin ni Justin na kulay puti ay naging gray yata ang kulay. Inabot yata kami ng 2 days sa paglilinis dahil nangitim lahat ng gamit sa bahay.
Ilang gabi ko ring napapanaginipan yung nangyari at mula noon hindi ko na tinutulugan ang washing machine.
I will not do this to Josh.
Noong maliit kasi si Justin ay nakakatuwaan ko syang bihisan ng damit pang babae. Gandang-ganda kasi ako sa mukha nya na napaka-amo. Kaya lang everytime na nakikita nya ngayon yung mga litrato ay napapaiyak sa inis sa mga kapatid nya dahil tinutukso sya.
I am tagging: mmy-lei, ella, karmi, neneng, T-K, sasha, rho-anne, cess, tekla and clown.
Posted by Ann ::
4:55 PM ::
47 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Wednesday, December 05, 2007
"Teen na si Tin"
Noong maliit pa si Tin-tin hindi mo yan mapapatulog sa gabi kung hindi mo muna babasahan ng book. Kahit paulit-ulit lang yung binabasa mo ok lang sa kanya. Ngayon iba na yung mga kwentong gustong naririnig. Paulit-ulit na pinapakwento kung saan at paano raw kami nagkakilala ni kd... at kung anu-ano pa. Then noong isang araw sabi nya,
"Ma, ilang taon kayo nag-asawa?"
"22"
"Eh, ilang taon kay nagkaroon ng first boyfriend?"
(Nag-isip muna ako, sasabihin ko ba?)
"Ma! Ilang taon kayo nag ka bf?"
"15, pero 4th year na ako nun."
"Pwede na ba ako magka boyfriend?" (Hindi nya sinabi ito naisip ko lang na baka ito ang kasunod...hehehe. )
Ipaghanda ko raw sya sa birthday nya dahil marami syang invited friends. Pwede raw ba syang mag invite ng boys? Magpaalam ka kako kay Dada. Di bale na lang daw kasi sigurado na hindi papayag...hehehe.
Kung pwede raw wag na lang syang bilhan ng cake kasi hindi na sya bata. Kaso makulit yung tatay pinagawan pa rin. Noong magsisimula na ang kainan, lumabas si tin-tin sa kitchen, "Ma, si dada pinagboblow ako ng candle sa cake, nakakahiya sa mga klasmeyts ko, ang tanda ko na eh." Buti na lang may nag volunteer na bata...hehehe.
Just imagine kung ano hitsura ng room nila after ng party, buti hindi bumigay yung bed sa dami ng mga bata.Parang ang tahimik nila no? Kasi yung iba nasa PS2, merong nasa pc, gameboy at PSP. Ganyan kasi ang buhay ng mga bata rito, medyo kulang sa outdoor activities.
Bagong cellpone ang hiningi ni tin-tin na birthday gift. Katabi na nga sa pagtulog at laging nakadikit sa tenga at ginawang MP3, ni loadan kasi ng mga songs. Sinita ko minsan dahil nakita ko na puro pictures ng mga boys ang wallpaper nya. Natawa sa akin si kd dahil mga celebrity pala yun ng highschool musical yata .
Minsan naman, early in the morning nasa bathroom sya at naghahanda para sa pagpasok sa school. Naririnig ko ang ringtone na may mga pumapasok na text pero di ko naman mahanap ang cellpone. Sinundan ko yung tunog at nakatago pala sa mga damit nya sa cabinet. Kinuha ko para sana tsek kung sino ang text nang text. Di ko mabuksan dahil may security code.
Paglabas nya ng bathroom sinita ko bakit may code pa ang cellpone nya. Sabi ba naman, "Ma, give me privacy please." "Privacy-privacy ka ryan, cge mula ngayon ikaw na bumili ng load mo, gusto mo pala ng privacy." "Ma,di ka na mabiro, yan o wala ng code, binabasa kasi minsan ng mga klasmeyts ko inbox kaya nilalagyan ko ng lock."
Tumawag ang ninong nya (andito rin sa saudi) at tinatanong kung ano ang gustong gift? "Ninong, text ko na lang ho mamaya."
Heto yung text, "Ninong pwede po bang apple ipod shuffle na color pink na lang." Ok daw sabi ng ninong. Kaya kinabukasan dala na yung gift. (Kung may inaanak kayo na teenager wag nyo tatanungin ng gusto at baka humingi ng N95 na cellpone.) Papakumpilan ko nga pala si tin-tin this year baka gusto nyong anakin...hehehe.
>
How about you ilang taon ka nagkaroon ng bf/gf? Pwedeng malaman?
Posted by Ann ::
8:45 AM ::
6 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Sunday, December 02, 2007
CATERING BUSINESS
Dumaan ang pasko at bagong taon na hindi ko masyadong napansin dahil sa sobrang pagka busy sa catering. Sabi nga ni kd eh ikukuha na raw nya ako ng sariling linya ng telepono dahil sa dami ng incoming calls..hehehe. Mula kasi December 14 up to January 1 ay 10 okasyon ang naipagluto ko. Yung iba ay tinanggihan ko na dahil sabay ng araw o kaya ay magkasunod. Kahit masarap kumita ng pera kailangan din syempre ng pahinga.
Minimum number of persons na nacater ko ay nasa 40 at pinakamalaki naman ay noong December 22 na inabot ng 130 persons. 2 days yata akong walang tulog noon kaya kinailangan ko ng tulong. After ng araw na yun ay nagtulog ako maghapon.
Si Tin2 habang naghihiwa ng gulaman para sa 130 persons na buko-pandan, with matching hair net pa yan para proteksyon sa falling hair.
Si kd na tumulong na rin sa paghihiwa ng carrots at iba pang gulay.
Andito rin ang mga pictures ng ilang ulam na niluto ko. Kung gusto nyong malaman ang recipe email na lang kayo at di ko ma ipost dito. Hindi ko rin naman kasi alam ang exact measurement nyan. Nasanay ko lang lutuin dahil yan din naman lagi ang order.
Camaron Rebosado
Chicken with Cashew Nuts
Kare-Kare
Honey Fried Chicken
Turkey ham and cheese lumpia
Fish Fillet w/ Crab sticks
Beef morcon
Fish and Tofu Vegetables
Posted by Ann ::
4:16 AM ::
50 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------