Apple of my Eyes

Sunday, July 06, 2008

Congo Rice

Kumain kami ni kd sa Congo Grill noong nasa Pinas kami. Wala naman kasi ditong branch ang Congo kaya hindi kami familar sa menu nila. Na curious lang ako sa napakaitim na rice na order sa kabilang table kaya sabi ni kd ay subukan namin. Para kasing sarap-na sarap yung mga kumakain sa kabila.
Ito pala yung congo rice nila, kung hindi ko nakita yung mga calamares na toppings sa rice ay hindi ko maiisip na yung parang black ink pala ng pusit ang ginamit para pang kulay sa rice. Masarap naman sya kaya lang problema dapat after mo kumain ay mag toothbrush ka…hehehe. Wala naman kaming dala dahil namasyal lang kami sa mall. Kahit mag gargle ka pa talagang mangingitim yung ngipin mo.

Posted by Ann :: 7:31 AM :: 5 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------