Apple of my Eyes

Wednesday, July 23, 2008

Hair Rebond

Mula noong magsimula si tin-tin na maging conscious sa kanyang physical looks naging problema na nya ang kanyang medyo natural curly hair. Napakahirap nga namang ayusin lalo sa umaga pagkatapos maligo, madalas wala ng time para magpatuyo at papasok sa school na basa pa ang buhok. Pag natuyo sa school asahan mo na iba-iba ang direksyon ng kanyang buhok.




Noong umuwi kami sa pinas, unang-una na nasa listahan nya ay ang pagpapa straight ng kanyang buhok. Kaya ilang araw pa lang kami ay nagpadala na agad sya sa david's salon. Almost 6 hours pala ang itatagal ng rebond kaya lang dahil desidido eh di ok lang sa kanya. At ang presyo, nalula yata ako sa P5000 na rebond...hehehe. Buti na lang straight ang hair ko at lalaki si Josh and Justin kaya di kailangan ng rebond.
After ng 6 hours na sakit daw sa kakahila at kakaplantsa ng buhok (iniwan ko kasi sya sa salon kasama si mil) natapos din. Tuwang-tuwa naman sya sa resulta dahil yung dating gusot na buhok ay naging deretso, malambot at shiny. Hindi sya nagbasa ng hair for 3 days, bawal daw. Then shampoo lang sya ng 3 times a week at may inilalagay na parang hot oil maintenance daw. Bawal daw itali o ipitin , kahit pony tail man lang , bawal!



See the result? Ok di ba?

Pagdating dito sa ksa at nagsimula na ang pasukan, gusto raw nyang maging officer sa CAT pagdating ng 4th year (3rd year na sya ngayon). Sabi ko sige join sya, kinabukasan wag na lang daw kasi bawal daw ang nakalugay ang buhok sa training, dapat nakatali. Imagine that! Dahil lang sa bagong rebond na hair ayaw na. After 3 days, sali na raw sya ok lang kahit mag-ipit ng hair kasi kung sakali ay sya lang daw maiiwan sa barkada nya na hindi sasali sa training. Pag kumulot daw ulit hair nya eh di pa rebond na lang ulit..what? another P5000?

Posted by Ann :: 2:29 PM :: 8 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------