Apple of my Eyes

Saturday, April 29, 2006

Happy Birthday Fafa KD!



KD dear, I am glad you are near
Because when you are here, I have no fear,
that your love for me, I can hold so dear. .

Our spending time together is important to you,
and I must admit it is for me too.
We do not need to do a lot of things to have fun together,
like some couple do.

Just being together is enough for us two.
We laugh at things that are not funny to some,
but that is just our way of having fun.

We like being near water and sunny days,
and hearing nice music as it plays.
I hope your special day is a great time for you.

Spending it with me and sharing your love,
will be a great time for me too.
I love you.....
Happy happy birthday!






Upload and embed your Music & Videos through myFileHut.com

Posted by Ann :: 12:57 AM :: 36 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Tuesday, April 25, 2006

It is Justin s turn

Kahapon lumapit sa akin si Justin habang nasa computer ako at sabi nya Ma, bakit po lagi na lang pictures ni Joshua ang nasa blog nyo? So sabi ko sige tomorrow pictures mo naman kaya hagilap ako ng mga litrato nya kagabi. Nagulat at natuwa ako sa kanya kasi di naman sya dating nagpapapansin sa akin. Lumaki syang independent sa lahat ng bagay. Sabi nga yung middle child daw is usually neglected, hindi naman siguro , sa case ni Justin eh medyo hinihingi lang ng pagkakataon.

When Justin was about one year and 4 months old, I got pregnant with Joshua, wala sa plano kaya hindi kami handa. Dahil buntis nga ako hindi ko na sya nakakarga. Noon yung mga panahon na gusto ko nang liparin ang Pilipinas. Ang hirap nung naglilihi ka then meron kang kinder na kelangang asikasuhin kasi papasok sa school at meron pang baby na umiiyak , parang gusto mo na ring umiyak.

Noon din yung mga time na kailangan ni KD na umuwi ng Pinas dahil namatay yung father nya. Hindi na kami nakasama dahil emergency leave yon at sagot namin ang pamasahe kung sakali. Two weeks lang naman sya sa Pinas pero parang 2 years ang pakiramdam ko sa hirap ng nag-iisa sa ibang lugar tulad dito. Kaya nagulat si KD nung pagbalik nya na si Justin eh nakaupo na sa high chair at kumakaing mag-isa, marunong gumamit ng spoon and fork.

Noong dumating na sa amin si Joshua, lalong naging parang maraming bawal para kay Justin, Bawal syang lumapit kay Joshua kasi baka madaganan (2 yrs old lang sya nun). Bawal mag-ingay kasi baka magising si Joshua..and so on. Pero nakapagtatakang lumaki syang mabait at masunurin. Hindi ko sya kinakitaan ng selos o galit. Napansin lang namin sa kanya hindi sya masyadong malambing na nagpapayakap at nagpapahalik, para bang nahihiya. Kaya natuwa ako na nagsabi sya sa akin na sya naman daw ang ilagay ko sa blog ko. Hindi ko sya hinahayaan na magbasa ng blog ,masaya na sya na andun yung litrato nya.

Nag nursery at kinder si Justin na walang inuwing ugly stamps sa kamay (unlike Joshua na ipinakilala lahat sa amin ang mga stamps sa school). He is now 7 years old at grade 3 na sya sa pasukan and a consistent honor.

Sa mga hindi pa nakakakita kay KD, si Justin ang carbon copy nya.

3 months old

4 yrs old

5 yrs old

6 yrs old




7 yrs old

Posted by Ann :: 6:44 AM :: 34 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Saturday, April 22, 2006

Joshua's Graduation Day!

Graduation ni Joshua kahapon. Medyo late na sila kasi July ang start ng pasukan nila. Wala akong masyadong kuha na malapitan dahil meron silang official photographer at bawal syempreng lumapit sa stage para kumuha ng picture. Nag-order na lang ako SR5/each copy. (medyo mahal).

Hindi sila pinagsuot ng toga . Kung ano yung costume nila na pansayaw eh yun na lang daw sabi ng titser. Nahihirapan kasi yung mga teacher aid na bihisan isa-isa yung mga bata at the same time eh nakaka delay ng program. Kung gusto mong magpalit ng damit yung anak mo pag resib ng award eh bihisan mo sa backstage.

After graduation eh pinagpalit ko na sya ng damit, ayaw patanggal yung medal nya. Nagtuloy kami sa supermarket so sabi ko tanggalin na muna, sabi sa akin No, mama it is okay I am not shy..hehehe. Pagdating sa bahay at nagpalit na sya ng pantulog nakasabit pa rin, tawanan nga kami eh kaya lang ayaw talaga tanggalin. Nung makatulog na sya dun ko lang inalis.




While waiting for their turn.



Natuwa lang ako kay Josh kasi habang nagsasayaw eh nahubad yung kanyang vest, dedma sya tuloy pa rin sa pagsayaw hindi nasira yung concentration nya.



Ang proud na mommy of course.



With ate and kuya.










Kakatuwa ang mga bata. At the age of 4 or 5 eh nakakapag recite ng mga short poems at confident na nagsasayaw sa stage.


P.S.

Paggising ni Josh ngayong umaga, hinahanap yung medal nya..hehehe..napanaginipan yata. Wala akong magawa pinasuot na naman. Pero sabi ko dapat pose muna sya at kukunan ko ng picture, buti pumayag. Hayan kahit di pa naghihilamos napangiti ko.



Posted by Ann :: 6:57 AM :: 44 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Tuesday, April 18, 2006

Mall

Dharan Mall is the biggest mall in our place.(as far as I know.) This is where we go during weekends. Di nga lang siguro kasinlaki ng SM sa Pinas pero kumpleto sya sa lahat. Dinumog ito ng tao noong opening. Ang hirap makapasok sa loob. Nagtaka lang kami bakit ang daming lalaki sa labas at di makapasok. Then nakita namin yung sign board sa may gate Only families are allowed inside the mall. Yes, isang napakalaking mall pero bawal ang lalaking walang kasamang asawa. Ang higpit ano po?

Minsan nauna kaming pumasok ng mga bata at naiwan si KD sa labas dahil nag park pa sya. Pagpasok nya ay sinita sya ng guard , so kailangan pa nyang ipakita ang kanyang iqama kung saan andun ang picture namin ng mga bata. Kaya pinayagan na syang makapasok.

May nakasabay naman kaming lalaki na may kargang 2 yrs old na bata pero iyak naman nang iyak yung bata. Pagpasok sa loob ay isinoli sa nanay..hehehe.. hiniram lang pala para makapasok sa loob at may kelangan syang bilhin na importante.

May nakatabi naman kami sa food court ng mall na 2 lalaki, ewan pano nakapasok? Baka nanghiram din ng bata. Kumakain na sila sa table nang may lumapit na guard at pinapalabas sila, walang nagawa ang 2 kundi bitbitin yung pagkain at lumabas ng mall.

Hindi naman ganito lahat ng mall dito, ito lang ang nakita ko na bawal ang mga lalaking walang pamilya, minsan iisipin mo negosyo nga ba ang hanap ng may-ari ng mall?












Posted by Ann :: 7:02 AM :: 31 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Saturday, April 15, 2006

EB

Natuloy ang EB namin ni KD kina Masterbetong at Kneeko kahapon kahit na Biernes Santo. Tumawag sila pagdating nila sa Khobar at nagkita kami sa mall.



Sinundo namin sila sa Al-Ramaniyah Mall, tambayan ito ng mga OFW dito sa Al-Khobar. Kwentuhan ng konti kasi parang na shocked yata sila..hehehe. Mukhang mahiyain sina Master at Kneeko.(sa una lang pala..hahaha!)

Then nagtuloy na kami sa bahay, at dahil Good Friday, bawal ang meat, kaya puro kamag-anak ni dyesebel ang niluto ko. (sorry neng).



Si Master at Kneeko, halata bang mahiyain sila?


After kumain, syempre mga bloggers eh di blogging ang topic. Nakipag chat kami kina Neng, Mommy Lei at Melai. Nag videoke sila..hehehe..sumakit daw ang eardrums ni Neneng, kanino kayang boses ang narinig nya?



Si Kneeko habang nakikipagkulitan kay Joshua.

To Kneeko and Master, sana nag enjoy kayo sa pagbisita sa amin.

Happy Easter everyone!

Posted by Ann :: 12:52 AM :: 25 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Wednesday, April 12, 2006

SEMANA SANTA (last part)

Simula noong manggamot ang kapatid ko napilitang huminto sa pagtitinda ang mother ko para mag assist sa kanya,(4 yrs ng patay ang father ko noon) ako pa lang ang may trabaho at lahat ng kapatid ko ay nag-aaral pa. Syempre nag worry ako financially, pero sabi ng sister ko sabi daw ni Mama Mary sya ang bahala. At totoo yon, di kami tumanggap ng pera mula sa tao pero yung mga taong napagaling nya ay bumabalik para magpasalamat at may dalang bigas, ulam, gulay, gamit , atbp. Mayroon pang isang mayamang intsik na ewan kung paano napadpad sa amin, sa sobrang tuwa yata sa kanyang paggaling ay nagpa deliver ng mga electric fan, sako-sakong bigas at pinalagyan ng carpet yung room kung saan nanggagamot ang kapatid ko.


Langis ng niyog lang ang gamit nya na pampahid sa maysakit, hilot sa katawan, konting bulong sa tenga . After nyang manggamot ay naaawa ako sa kanya dahil nakakatulog sya sa pagod. Ang liit lang ng katawan nya,(15 yrs old) ang lalaki ng mga taong hinihilot nya.


Tuloy pa rin ang kanyang mga panaginip, napanaginipan nya ang paglindol sa Baguio, ang pagputok ng Pinatubo , ang Gulf war, pagbagsak ng eroplano at marami pang iba. Natakot ako nung sabi nya sa akin ate ann, malapit ba kayo sa dagat?(sa bataan ako work noon). Sabi ko malayo baket? Kasi nakita ko sa panaginip ko na may tidal wave tapos ang daming patay na tao, ang dami talaga! hinahakot nga sila ng trak eh. After few days nangyari ang Ormoc tragedy. Nung mapanood nya sa tv, yun na yun daw ang nakita nya sa panaginip nya.


May isang magandang babae na nagpagamot sa kanya. Nagulat na lang kami nung biglang mag-iiyak yung babae at naglumuhod na humihingi ng kapatawaran. Nung gabi na ay tinanong ko kung ano ang sinabi nya dun sa babae. Sabi nya alam kong may ibang lalaki ka maliban sa asawa mo na nasa abroad, wala kang sakit, konsensya mo ang bumabagabag sa yo, maawa ka sa asawa mo at mga anak.

Tandaan ko pa, dumalaw si KD sa bahay, (di pa kami noon, andun pa lang sa stage na sabi nga ng mga artista eh...getting to know each other..hehehe) Pinakilala ko sya sa sister ko. Sabi ba naman ate ann, sya ang mapapangasawa mo. (huh! ano kaya yun? Warning? hehehe).


After graduation nya sa highschool, nakiusap daw sya kay Mama Mary na sana ay wag na syang manggamot kasi gusto nyang mag-aral sa college. Pumayag daw pero pinagbilin na wag kakalimutang mag pray ng rosary everyday. Mula noon ay naging normal na ulit ang buhay ng kapatid ko.


Pero may naiwang gift sa kanya ang Mahal na Birhen, ang lakas ng kanyang sixth sense(clairvoyant). Pag may napanaginipan sya or kutob tungkol sa isang bagay ay maniwala ka dahil nagkakatotoo.At the same time may kakayahan syang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng ibang tao.Like, nakikita at nakakausap nya sa panaginip ang father ko na matagal ng patay, nasasabi ang mga bilin na gustong iparating sa amin.Medyo humahaba ang kwento pero tuloy ko na rin. Noong mamatay kasi ang father ko wala kaming pera para pambili ng lupa sa sementeryo kaya nailibing sya sa tinatawag na apartment, eh ayaw na ayaw nya roon, tandaan ko kasi nung buhay pa sya na nasabi nya sa akin na ayaw nya mailibing sa apartment.Kaya ipinarating sa akin na yung pangako ko raw na ililipat sya, ngayon ay masaya na raw sya kasi nasa memorial na sya(my father)at di na raw bumabaha roon.

Ngayon ay may asawa na sya at tatlong anak. Normal na normal ang buhay maliban sa paminsan-minsan ay dinadalaw pa rin sya ng Mahal na Birhen sa kanyang mga panaginip.

Posted by Ann :: 6:59 AM :: 25 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Tuesday, April 11, 2006

SEMANA SANTA

Pag malapit na ang Holy Week di ko maiwasan na di maalala yung sister ko na minsan ay naging palaisipan sa aming lahat kung totoo o ano ba talaga ang nangyari sa kanya sa loob ng 2 taon.

One month bago mag Mahal na Araw, 15 years old lang sya noon, lagi syang umiiyak sa pagtulog at pag ginising naman namin sya ay wala syang maalala sa panaginip nya, then sabi ko ay pilitin nyang isipin kung ano yung panaginip nya dahil halos gabi-gabi ay ganoon ang nangyayari. After mga 2 weeks ay nakita na raw nya ang mukha ng babae sa panaginip nya na laging umiiyak at pilit na inaabot sa kanya yung panyo na hawak ng babae. Sa panaginip daw nya ay ayaw nyang tanggapin yung panyo pero naaawa naman sya dun sa babae. Halos gabi-gabi ay paulit-ulit na panaginip, namayat sya sa kakaisip, di makakain. Dinala namin sa doctor, wala naman daw sakit.

Isinama ko sya sa Santa Clara Convent para hilingin sa mga madre doon ang panalangin para sa kanya. Pagpasok pa lang namin sa kapilya ay napaiyak na sya. Sabi nya Sya! Sya yung babae sa panaginip ko!! Ayaw kong maniwala pero hindi raw sya pwedeng magkamali dahil halos gabi-gabi ay nagpapakita raw ito sa kanya.

May nagpayo na dalhin namin sya sa albularyo,(faith healer) dinala namin sya doon. Pagpasok pa lang sa bahay ay sinalubong na kami agad ng albularyo at sabi nya Bakit ngayon ka lang dumating? Matagal na kitang hinihintay. Nagulat kami lahat dahil bakit kilala nya ang kapatid ko? Ipinaliwanag ng matandang albularyo na sinabihan na raw sya ng Mahal na Birhen tungkol sa paglilipat ng panggagamot. Ayaw ng nanay ko dahil 3rd year highschool lang ang kapatid ko noon, saka bakit sya pa? Ano ang kayang gawin ng isang bata? Wala kaming nagawa, tinanggap ng kapatid ko ang responsibilidad.


Ang mga sumunod na araw ay naging napakagulo para sa amin. Nawalan kami ng privacy dahil ibat-ibang tao ang nasa bahay para mag pagamot. Mayroong galing pa sa mga napakalayong probinsya, doon na natutulog sa kanilang mga sasakyan para lang makapila sa umaga paggising ng kapatid ko. Twice a week lang sya naggagamot (Monday and Friday).

Hindi sya nahinto sa pag-aaral dahil ipinangako raw sa kanya ng Mahal na Birhen na hindi mapapabayaan ang pag-aaral nya. At ako man ay hindi makapaniwala noon na paanong ni wala syang absent sa school eh Lunes at Biernes ay nasa bahay sya at naggagamot. Paanong mayroon syang test papers sa mga araw na nasa bahay sya. Sino ang pumapasok sa school? Sino ang nakakausap ng mga kaklase nya? Sino ang katabi ng bestfriend nya sa upuan kapag Lunes at Biernes? Mga tanong na hangga ngayon eh di pa namin nasasagot.


Itutuloy.....................

Posted by Ann :: 9:20 AM :: 11 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Sunday, April 09, 2006

SUMMER

Summer na naman, ang init sa atin , ang sarap magbabad sa pool. Last vacation namin sa Pinas, dito pa lang nakaplano na kung saan-saan ang mga lakad. Syempre di mawawala ang swimming.Dito kasi swerte na yung 2 beses sa isang taon kami makapag swimming, merong beach pero pag summer napakahirap dahil hindi mo kakayanin ang init ng araw.

Kinabukasan pa lang pagdating sa Pinas eh gusto na nilang mag swimming, may malapit lang kasi na resort sa place namin. Dahil pagod pa kami sa byahe, sa garahe muna sila ng bahay nag babad, feeling pool na rin.




Yung mga sumunod na araw hindi ko na matandaan kung naka-ilang resort kami . lahat gustong puntahan. Basta nag enjoy sila ng husto at sulit ang bakasyon namin last year.








Si Joshua, nagpapaturo kung paano raw ba mag float, bakit daw sya lumulubog? Naka ilang lagok din sya ng tubig bago natuto, pero interesado talaga kasi kung ibang bata yon baka ilang lubog pa lang aayaw na.






After ng napakaraming lakad at swimming kung saan-saan.....heto po sila......lahat nag-iba ang kulay.....nasunog sa kaka swimming.






Sa lahat ng mga uuwi this year.....mag enjoy sana kayong lahat with your family!

Posted by Ann :: 7:36 AM :: 16 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Thursday, April 06, 2006

Trip to Donut Factory

Sa mga hindi nakatikim ng pritong sirena sori na lang po. Mag dessert na lang kayo.

We woke up early this morning dahil nag promise kami sa mga bata na dadalhin namin sila sa factory ng donut. May mga kaibigan kasi kami na doon nag wowork kaya pinapasok kami sa loob. Pagpasok pa lang sa room amoy matamis na, then yung damit namin ni Tin-tin (abaya) nag kulay puti agad, lumilipad yata ang powdered sugar doon.


Sa loob na ito ng factory, dumating kami eh luto na yung mga donuts at nilalagyan na lang nila ng flavor at design.




Sa ilalim nito ay yung flavor ng donut,(chocolate, strawberry , etc.) dip lang nila yung part ng donut then stay dun ng ilang minutes , pag kumapit na yung flavor aalisin na.


Heto naman yung donut na kulay puti, purong powdered sugar pala ang pangcoat, delikado sa mga diabetic.


Then pag nalagyan na ng coat yung donut dito naman nilalagyan ng flavor sa loob, yung pinaka filling, may size yung tube para sa mga regular donuts at munchkins, digital yung machine kaya standard ang size nung filling sa loob. Ang daming flavors.

At syempre pag uwi namin dapat may take-out, gusto nyo? kuha na...wag mahihiya.


Posted by Ann :: 5:28 PM :: 24 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Tuesday, April 04, 2006

CATERING

I am a dependent wife here in KSA. I decided not to work to give more time to my kids. Before I came here, I heard from other dependent wives that life here is really boring but until now they are still here. (yun kaya ang boring?)

When I came here in 1994 there were no cellphones, no TFC , no internet. Overseas call costs about SR17/minute. Now it is only SR3 or lower.

Napakasimple ng buhay dito, madalas na problema ko ay yung lulutuin for the next day, yung babaunin ng mga bata sa school, yung dinner, yung snacks, as in umiikot lang yata sa pagkain ang isip ko.Madalas kasi nagsasawa na sila sa paulit-ulit na ulam. Kaya nung magkaroon ng internet, mega search ako ng mga bagong recipes. I tried at least 3 new recipes a week, pag okay sa aking mga boss kasama na sya sa aking folder. Pag di pasado, kawawang ulam di na sya mauulit.

Of course , when we have visitors luto ako ng aking mga bagong tuklas na ulam. Doon na po nagsimula ang aking career sa cooking. I am now into a catering business. Regular visitor din po ako sa blog ni Sassy. Maybe one of the reasons why I have healthy kids.






Posted by Ann :: 7:40 AM :: 30 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Saturday, April 01, 2006

Joshua

When Joshua was still a baby until the age of 4, nakakatuwa ang mga naririnig naming compliments mula sa mga nakakakita sa kanya. Halimbawa na lang:



Wow! Ang cute nung bata . (Kanino kaya nagmana hehe)
Ang taba! Kakagigil, sarap pisilin ng pisngi.
Sana ganun din ang anak ko.
Ano kaya kinakain nya? (syempre tulad din nang kinakain nyo no!)
Pwedeng pakurot? (hinde! Sa tatay pwede. Hehehe)














But when he started schooling (pre-school), dun na nagsimula ang problema. He came home one day at ganito ang naging takbo ng aming pag-uusap

Joshua: Mama, what is a "baboy"?

Me: A boy?

Joshua: NO! not a boy, B-A-B-O-Y!

Me: ahhh, why?

Joshua: Because one of my classmates said I am baboy.

KD: Joshua come here. I will tell you something. Tell your classmate that you are not a baboy, because you are still a piglet. (sarap batukan ng tatay na to!)

Joshua: Okay. I will tell.

Me: Noooo! Josh, you tell them you are not a baboy, you are Joshua ok!

(I showed him a picture of a pig and we looked in the mirror.)

Me: Look at the picture then look at yourself, do you look like the one in the picture?

Joshua: NO!

Me: That means you are not a pig. You are a Boy!

Joshua: OK mama, I will tell my classmates



Then I called the teacher so the other kids will stop calling him baboy. Mula nung malaman nya na yung pig pala eh baboy, nagagalit na sya pag tinutukso sya. Unlike dati na ngingiti lang sya.

Sa ngayon overweight pa rin si Josh but I am starting to work on his diet. Less rice, more on vegetables and fruits, from whole milk to low fat, no softdrinks., no chips, less chocolates (hirap pang pigilan sa chocolates, lalo pag galing Germany at Luxembourg….hahaha!)

Pero sabi ni KD okay lang na sa kanya mapupunta mga papadala ninyong chocolates hehehe.

Posted by Ann :: 1:18 PM :: 33 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------