Apple of my Eyes
Wednesday, May 31, 2006
Birthday Party
Madalas kaming maimbitahan sa mga birthdays. Dahil na rin sa tagal namin dito , marami na ring mga kaibigan. Meron nga minsan , 1st birthday nung anak ng isang bagong dating lang dito. Wala pa silang masyadong mga kakilala . Nagpa imbita dun sa friend nya na kumare ko naman, naki-usap kung pwede raw pumunta sa party ng anak nya. Kasi gusto nya maging happy naman yung birthday.
So, punta naman kami. Kung pwede raw magsama ng marami pang bisita. Invite naman yung kumare ko ng 6 families na may mga anak. Dumami yung bata. Kaya happy yung birthday. Kaya lang nung bago mag blow ng cake. Yung crew ng fastfood eh nagtawag ng mga bata at mag wish daw para sa celebrant. Sabi nung isang bata “Tito, What’s the name of the celebrant?”. Okay na sana di masyadong buking na di nila kilala yung nag birthday. Nung si Justin na ang mag wiwish sukat itanong “Tito, where’s the celebrant?”. Buking tuloy. Yung nanay nangingiti na lang.
Pag may party hindi ko masyadong problema ang mga anak ko kasi pag sinabing parlor games na hindi na sila kailangang pilitin pa. Lalo na si Joshua join sya agad.
Nagsasayaw sya ..di po yan nag boboksing.
Why Josh? You did not win the game?
Happy Birthday! Happy Birthday!
Josh, wag mong daanin sa laki pls.
At last!
.
Posted by Ann ::
8:12 AM ::
43 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Monday, May 29, 2006
Family Fun Day
Nagkaroon ng family fun day sa school ng mga bata . Noong kami kasi ang nag-aaral wala namang tinatawag na family day, ewan kung kelan nagsimula ito. Naglalaan ng isang araw sa loob ng isang taon para sa buong pamilya na magsaya maghapon sa school. Mayroong mga parlor games para sa mga bata , sa mga magulang at mga teachers. Ginawa sa loob ng school at puro pinoy at pagkaing pinoy ang makikita sa paligid. Isang napakasayang araw na pansamantalang nakalimutan namin na wala pala kami sa Pilipinas.
Syempre nakisali rin ako sa parlor games. Ako ang unang nakabasag ng palayok. Sayang wala akong picture dahil si KD nalibang sa kaka cheer kung left or right ba ako pupunta..hehehe...Ang daming sumisigaw, merong kaliwa, merong kanan, merong deretso daw, at merong tira na! Eh syempre kilala ko boses ni KD kaya sa kanya lang ako nakikinig. Sapul ang palayok!
Ang layo ng narating ni ma'am.
Sapul ang palayok!
Naki join din ang mga tatay sa 3 points shot. Haba ng pila pero iilan lang ang naka shoot. Ang lalaki kasi ng mga tyan di na makatalon.
Masayang-masaya ang mga bata dahil sa dami ng mga games at mga prizes. At happy rin si Joshua kasi kasama nya ang kanyang “girlfriend.”
Posted by Ann ::
1:22 AM ::
34 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Saturday, May 27, 2006
TAGay
TAGay sa akin to ni Melai, Idealpinkrose, Jairam and Agring. Natagalan na nga ako sa pagsagot kaya naipon.
Five jobs you have had in your life:
1. payroll clerk/textile in Caloocan
2. bookkeeper/Mandaluyong
3. personnel clerk/Bataan
4. bookkeeper/lending
4. operation manager/lending/financing
Five movies you would watch over and over:
1. all Steven Seagal movies
Five places you have lived in:
1. Pangasinan
2. Manila
3. Pampanga
4. Bataan
5. Saudi Arabia
Five TV shows you love to watch:
1. No choice. TFC subscriber ako eh.
Five local places you have been on vacation:
1. Baguio
2. Pangasinan
Five websites I visit daily:
1. Yahoo. Email
2. Google. Research
3. KD’s blogsite
4. My blogsite
5. Blogfriends sites
Five of my favorite foods:
1. kare-kare
2. grilled chicken
3. lasagna
4. lamb spare ribs
5. broasted chicken
Five places I would rather be right now:
1. Pampanga my hometown
2. Bataan, miss ko na yung bahay namin.
instructions: name 10 of life s simple pleasures that you like the most, then pick 10 people to do the same. try to be original and creative, and not to use things someone else has already used.
1. when I’m with hubby and our 3 kids.
2. paglalambing ni Joshua pag may gusto, saying I love you with a big hug.
3. I love you from hubby before going to office and bago matulog.
4. hubby and kids appreciate the food I cook, specially Joshua saying “ Mama, I love this one! Super super sarap.”
5. text messages from my family back home
6. massage ni Justin and Tin-tin pag pagod ako..sarap nakakatulog ako.
7. pag kinukulit ako ni Dada. (opo, super super kulit po sya)
8. chatting with old friends and blogger friends
9. pag may smiley si Joshua sa kamay from school (kahit na witch or sad face pa yun.)
10. blogging and surfing
I will not tag anyone para naman matuwa si mommy lei..hehehe.
Posted by Ann ::
6:46 AM ::
22 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Thursday, May 25, 2006
Field Trip
Nagkaroon ng field trip dati ang mga bata sa school. Pumunta sila sa dolphin show at nag rides. First time ni Justin na sumama sa ganyan kaya medyo worried din ako. Medyo malayo pa naman yung place. Sabi ko kay KD sasama ako, wag na daw kasi may mga kasama maman silang mga teachers. Kaya lang di rin ako mapakali sa bahay , iniisip ko kasi baka mawala eh di mapansin ng teacher,o kaya eh mahulog, magutom o pagpawisan. Kaya kinulit ko si KD na sumunod kami.
Natuwa nga si Justin nung makita kami dun. Ngayon lang siguro ito kasi pag malaki na sya I'm sure hindi na sya matutuwa na nakasunod yung nanay nya sa kanya.
Ito nga pala ang aking national costume dito. Para bang laging graduation..hehehe ..nakatoga. Pwede namang wala ng cover sa ulo basta walang mutawa(sila yung mga parang pari sa atin, sinisita nila yung mga lumalabag sa religious practice ng Islam, tingin ko nga mas mataas pa authority nila kesa sa mga pulis dito eh, parang panahon ng Kastila ).
Posted by Ann ::
7:16 AM ::
32 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Tuesday, May 23, 2006
Office Boy
Kaninang umaga ay may appointment si Justin sa clinic, kaya lang alanganin yung time 10am kaya isinama na muna ni KD sa office. Nainip daw sa opis kasi nga naman from 7am to 4pm. Kaya pinaglaro na lang nya sa pc. Di tuloy sya nakapag update ng blog .
Natuwa nga raw yung mga arabong officemates nya kasi little KD daw si Justin. Meron daw bagong trainee..hehehe. Para tuloy akong nakapanood ng TFC dun sa show na Go’in Bulilit. Yung mga batang nag-aastang matatanda na.
Jus, mamya ka na kumain, work muna.
Telebabad parang tatay nya.
Hhhmmm..serious..
Games lang pala....
Saan kayang parte ng office ni KD ito?
Posted by Ann ::
1:59 AM ::
26 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Monday, May 22, 2006
Pamana
Sabi nila ay namamana nga raw yung pagiging clairvoyant. Siguro nga dahil sa murang edad nung pamangkin ko ay nakakakita na rin sya ng mga bagay na hindi natin nakikita. Nasa Cabanatuan City sila ngayon dahil sa temporary assignment nung bayaw ko sa trabaho nya. Nangungupahan sila sa isang apartment.
Thursday night daw maaga silang natulog dahil may pasok pa yung panganay na anak (7yrs old) kinabukasan. Hindi na nya alam yung time nung gisingin sya nung bata para manghingi ng kumot at giniginaw daw, so kinumutan nya dahil magkakatabi naman silang natutulog kaya di na sya tumayo. Napatingin daw sya sa tabi ng electric fan at may nakita syang isang bata na nakaupo, nakatalikod sa kanya, nakasuot ng pink dress at may pony tail ang buhok. Akala raw nya nung una ay yung anak nya na 4 yrs old, tinawag pa raw at sinabing bakit gising pa. Nagduda raw sya nung di man lang tuminag yung bata, tatayo sana para buhatin yung bata at ibalik sa higaan. Laking gulat daw nya nang makita na tulog na tulog yung anak nya sa tabi ng kapatid. Binalikan nya nang tingin yung bata , andun pa rin sa harapan ng electric fan at parang naglalaro sa hangin. Ginising daw nya yung asawa para ipakita yung bata pero nung magising ay wala nang nakita.
Kinabukasan, nawala na raw sa isip nya yung batang nakita nya. Nagluluto raw sya sa kitchen nung marinig nya yung anak nya na babae na parang may kausap at galit pa. Pinuntahan nya sa kwarto at tinanong kung sino ang kausap. Sabi raw ng bata “ Si Me-ann, andito sya kanina eh, hiram nya yung doll ko sabi ko ibang doll na lang borrow nya kasi favorite ko to.” Kinabahan daw sya at tinanong kung ano ang hitsura nung bata. “small lang sya sa akin, suot sya ng pink dress saka may tali yung hair, saka sabi nya dito raw sya nakatira” noon nya naalala yung nakita nya nung gabi.
Tumawag agad yung sister ko sa Pampanga para papuntahin yung mother ko sa Cabanatuan para may kasama yung anak nya pag may ginagawa sya sa labas. Hindi na nagulat ang nanay ko sa kwento , nasanay na yata. Kung noon ay okay lang sa kapatid ko na nakakakita sya ng mga ganyan, ngayon ay kabado sya para sa anak nya. Hindi na nya iniiwang mag-isa yung bata, kinabukasan ay dumating naman ang nanay ko para samahan sila. Nagpa –usok daw sila ng insenso at nag pray ng rosary.
Sunday morning daw ay naghahanda na sila para mag simba, sabi raw nung anak nya “Mommy, pwede raw bang sumama si Me-ann sa church?” although nagulat sya eh hindi nagpahalata, sabi raw nya sige isama. Nung nasa car na daw sila, pinausog pa sya nung anak para daw may space si Me-ann. After ng mass at palabas na raw sila ng church, bigla raw nag babay yung anak nya at sabi raw nung Me-ann eh maiiwan na sya dun sa church. So naki babay na rin sis ko at nagpa thank you kay Lord.
Mula daw noon ay hindi na nagpakita pa yung batang naka pink sa bahay na inuupahan nila.
Posted by Ann ::
7:55 PM ::
11 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Sunday, May 21, 2006
Home service
Ang mahal magpaganda dito sa lugar namin. Kaya yung ibang dependent wife na may alam sa cosmetology ay malaki ang kinikita sa pagsa sideline. Pag marunong kang manggupit, magkulot, manicure or pedicure pwede kang mag service sa mga kakilala mo. Masyado kasing magastos kung pupunta ka sa mga salon.
May paboritong pagupitan ang mga bata sa isang mall dito. Mga pinoy naman lahat ang mga nanggugupit sa shop. Kasi ba naman nasa tabi sya ng arcade at food court ng mall. Yung ordinary na SR20 na gupit sa bata eh nagiging SR100 ang gastos dahil sa rides at service ni pareng Donald. Kaya naisipan ko na kausapin na lang si kabayan na kung pwede syang mag service sa bahay pag day off nya. Pumayag naman pero syempre secret yun , bawal kasi.
Kaya kung simpleng bagay lang naman at kaya naman ng mga batang gawin eh sila na lang ang gumagawa tulad nito:
Foot spa....anyone ? Hhhhmmm..How do I start?
Which one do you want? I have here raspberry, lemon and walnut husk foot scrub.
Try this one. You'll feel better.
Posted by Ann ::
6:57 AM ::
23 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Friday, May 19, 2006
Kwentong Artista
Noong isang bakasyon namin ay nag swimming kami sa Fontana Resort,Clark, Angeles, Pampanga. Hindi ako nakaligo kasi meron akong buwanang dalaw..hehehe..wrong timing. Kaya naiingit na pinapanood ko na lang ang mga bata kasama yung tatay nila dun sa napakagandang pool ng Fontana.
May mga bagong dating na mga babae sa tabi ng cottage namin at mukhang mga sosi. Parang wala ring balak maligo kasi kwentuhan lang sila. Then sabi nung babae sa tabi ko, "mga anak mo ba yan? ang lulusog at ang puputi, siguro di kayo taga rito no?" Sabi ko , oo, galing kaming Saudi nakabakasyon lang. Medyo marami na rin kaming napag-uusapan nung babae nung lumapit sa akin si KD, sabi nya “Si Rachel Lobangco o.” sabi ko “asan?” Tumayo pa ako para tanawin kung asan yung sinasabi nya na artista, sabi nya” Maupo ka! Ayan sa tabi mo, kanina mo pa kausap.” Tinitigan ko yung babae. Oo nga! Artista nga! Sabi ko "si Rachel Lobangco ka ba?" Tumango sya. Sabi ko sorry ha di kita nakilala. "Okay lang sabi mo nga eh nakabakasyon lang kayo." Nakahiyaan ko na tuloy magpakuha ng picture kahit may hawak akong camera. Pero di ba insulto para sa isang artista na hindi sya makilala ? Eh kahit papaano eh sumikat rin naman sya noon.
Last year naman, habang kumakain kami sa Jollibee, Balanga eh may pumasok na gwapong lalaki, may kasamang 3 maliliit na mga anak. Sabi ko, "Tin2 di ba artista yon ?" Sabi ni KD, "oo, artista yan" nakalimutan namin pareho yung pangalan. Nagtataka lang ako bakit parang walang nakita yung mga tao doon sa Jollibee, diretso sya sa counter, nag order. Lapit kami nina Tin2 at Justin dala ko yung cellpone na may camera. Kunwari nag order kami ng ice cream. Pinagmamasdan ko yung mga crew parang wala lang kaya nagdalawang –isip ako baka hindi sya artista. Pero syang sya talaga, so sabi ko “Good evening! Pwedeng pa picture.” Sabi nya " Opo, sige po" , binaba nya muna yung hawak nyang pagkain. Pagbalik namin sa upuan, tanungan pa rin kami kung artista nga ba sya?
Pag-uwi sa bahay, sabi ko dun sa tita ni KD na nakatira sa amin. " May nakita kaming artista sa Jollibee, nagpakuha pa nga ng picture sina Tin2 eh." Pinakita ko yung picture. “Ahh… oo.. dyan nakatira yan sa may kabilang baryo, taga ryan yung napangasawa nya. Nag-enroll nga yan last semester dyan sa school sa balanga, pero isang semester lang huminto na rin sya.” sabi ng tita ni KD. Kaya pala ganun, taga roon pala at lagi syang nakikita ng mga tao roon. Kaya pala parang wala lang sa mga nakakakita sa kanya.Kami lang yung na excite..hehehe.
Heto yung picture nila. Medyo malabo kasi kuha lang yan sa cellpone. Kilala nyo ba sya?
P.S.
Additional pictures, tsek kung kilala nyo pa sila, Bakasyon kami noon at nanood kami sa ABS-CBN.
And last but not the least, kilala nyo ba sya? Nagbagong anyo.
Posted by Ann ::
1:38 AM ::
56 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Wednesday, May 17, 2006
Panaginip
Sabi nila ang hirap minsan tandaan ng panaginip or kabaligtaran ang panaginip. In my case nagkakatotoo ang mga panaginip ko at natatandaan ko talaga in details. Noong una tahimik lang ako pag may mga napapanaginipan ako, pero mula nung nagkakatotoo na sila, nagkukwento na ako para may proof ako na nagkatotoo nga.
Nakita ko sa panaginip ko na may namatay, pero hindi ko sinilip kung sino, nakapagtataka dahil panaginip lang sya pero takot pa rin akong malaman kung sino ang namatay. Tiningnan ko na lang yung mga taong nakapaligid sa burol. Nakita ko lahat ang mukha ng mga kapatid ni hubby, mommy nya at puro relatives nila. Paggising ko sinabi ko sa kanya pero di ko sinabing sa family nila yung panaginip ko. Takot pa rin akong magkamali. Sabi lang nya “sino na naman yang pinatay mo.” Yes! “na naman” dahil hindi lang minsan, dalawa o tatlong beses na nangyari. After 2 days naka tanggap kami ng tawag mula sa pinas, inatake yung daddy ni hubby at patay nga. Well, coincidence ulit? I don’t know.
For 3 consecutive nights, nasa panaginip ko yung mag-asawa na bestfriends ko. Nasa ibang bansa yung lalaki at nasa pinas yung babae. Paulit-ulit lang naman yung dream ko na may ibang girl na yung lalaki . Sabi ko kay hubby bakit kaya? Di ko naman kako sila iniisip. So sabi nya bakit di mo sulatan or kumustahin. Dahil kaibigan ko naman yung babae, sinabi ko na rin yung panaginip ko.
Pagkabasa raw nya ng letter ko para raw syang kinabahan. Tinawagan nya yung asawa overseas. Kumustahan then sinabi yung tungkol sa letter ko. Bigla raw natahimik sa kabilang linya at parang nataranta yung kausap nya. Nagduda sya ngayon kung bakit. May mga relatives yung friend ko na kasama rin sa trabaho nung asawa nya so start syang mag imbestiga. Nalaman nya na meron nga palang ka live-in yung asawa nya dun sa ibang bansa. Ang masaklap pa nung aminin sa kanya sa teleponono ang totoo sabay sa pagtalikod sa responsibilidad sa mga anak. Tuluyan nang nakisama sa ka live-in.
Nagkita kami nung bakasyon namin sa pinas nung bestfriend ko. Umiiyak dahil sa nangyari sa married life nya. Sabi ko "I’m sorry. Siguro kasalanan ko, kung di ko sinabi sa yo yung tungkol sa panaginip ko baka hindi mo solo ngayon ang responsibilidad sa mga bata.“ Sabi naman nya mas ok nga raw na nalaman nya hangga’t maaga yung sitwasyon. Pero ewan ko ba, guilty pa rin ang pakiramdam ko. Until now pag nakaka chat ko sya at napag-uusapan namin yung nangyari. Sana sooner ay makatagpo rin sya ng totoong magmamahal sa kanya. Lagi sya sa prayers ko.
Sa mga susunod na panaginip ko, siguro mas maganda na manahimik na lang ako. Bahala na si Lord kung hahayaan nya na mangyari.
Posted by Ann ::
8:03 AM ::
59 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Monday, May 15, 2006
First born
Medyo continuation ito nung huling post ko , may tanong kasi si idealpinkrose, kaya naisipan ko gawan na lang ng entry.
Dumating ako rito January, 25, 1994, after 5 days punta na kami sa OB-Gyne agad. Interview muna ng doctor, kinuha medical history namin pareho, then skedyul na yung napakaraming test, daming naubos na dugo sa kin yata noon. So nung makita na ayos naman at capable akong magbuntis sinimulan na yung gamutan, ni regulate muna monthly cycle ko kasi di sya regular that time.
March ay nag start na ako ng fertility pills, clomid ang pills na pinainom sakin. Two tablets/day for 5 days starting on the third day of my monthly cycle. I had my period on March 1, so I started taking the pills march 3 until the 7th.. Wala daw munang “ano” sabi ng doctor at kailangang mag-ipon..hehehe. On the 13th day pinabalik ako for ultrasound para ma tsek kung may egg na nabuo dun sa pills na ininom ko.Nakita sa ultrasound na meron nga 3 eggs na sunod-sunod daw at may possibility na magkaroon ng multiple pregnancy. So sabi ng doctor kay KD, “do it tonight and another one tomorrow, then stop and come back here on the 31st .” Sabi nga nung nurse "goodluck kabayan, sana may ma bulls eye ka isa man lang dun sa tatlo."
Three days bago mag 31 ay may nararamdaman na akong kakaiba pero ayokong mag expect kasi masakit pag negative na naman ang resulta. Nakailang negative ba ako sa Pilipinas di ko na mabilang. Basta alam ko noon sabi ko kay KD, “ano ba deodorant mo ngayon parang ang baho, nakakasuka ang amoy”, di naman daw sya nagpapalit ng brand. Pinatulog ko sya sa carpet hangga’t di sya nagpapalit ng brand.
On the 31st pareho kaming kabado sa hospital na nag hihintay ng resulta after akong makuhanan ng dugo. Paglabas ng result nakangiti ang doctor pero ayaw pang magsalita, pinaderetso ako sa ultrasound room at dun pinakita sa akin na positive nga yung result, nakita na rin sa screen ang parang maliit na bukol.(yun na raw yung baby). Di kami makakibo pareho ni KD dahil sa tuwa, pagkagulat at halo-halong emosyon that time. Reseta agad ng gamot ang doctor kasama na syempre yung pampakapit daw.
Wala kaming kibuan sa kotse habang pauwi. Pagdating sa bahay dun pa lang kami nag-usap, napa-iyak nga sya , tears of joy. Imagine ang tagal naming hinintay then eto na. This time it’s for real. Maraming nabago sa amin noon, nakita ko yung mga sacrifices ni KD, after office sya pa yung gagawa sa bahay, dahil napaka selan kong mag lihi. Di ako nagluluto, as in bed rest talaga. Madalang nga akong maligo noon kasi nasusuka ako sa amoy ng sabon..hehehe. Walang ilaw na bukas, walang tv at radio, ayoko ng maingay, ayoko ng maliwanag. Yung nag-iisang bintana namin ay pinatakpan ko ng makapal na carton para di pumasok yung sikat ng araw. Para daw akong aswang takot sa araw. Tatlong buwan akong ganoon. After naman nung lihi ko ay back to normal na ako, lumalabas na kami at naliligo na ako araw-araw..hehehe.
Short cut ko na lang para di humaba. After nine months manganganak na nga ako, dahil yata sa pampakapit eh overdue na ako ayaw pang lumabas, wa epek yung practice ni KD kasi pina admit na ako ng Dec 20 para induce na nga. I was in labor for 24 hours, Halos mapunit damit ni KD sa hawak ko pag sumpong nang sakit ng tyan ko. Sabi ng doctor “Nurse, fentanyl pls!” sabi ng nurse “Why doc? For the patient?” sabi ng doctor, “No! for the husband.” Tawanan yung mga nurses kasi para raw si KD yung manganganak kasi namumutla, pinainom nga ng tubig at sabi ng doctor eh lumabas muna ng room. Pwede kasing mag stay sa loob ang asawa kung gusto nya. Pero sa tingin daw ng doctor eh di kakayanin ni KD kaya pinalabas na lang sya.
Bumaba na ang BP ko kaya suggest na ang doctor na magpa painless delivery na ako (epidural), anaesthesia sa kalahati ng katawan kaya gising rin ako during the delivery. Ang sakit ng injection sa spinal, ang laki ng karayom. Imagine ang sakit sakit na nga ng tyan ko eh papabaluktot ka pa dahil ituturok yung gamot sa likod mo. At wag daw malikot dahil baka kung saan mapunta yung gamot, pwede raw akong ma paralyze pag nagkataon. Pero vacuum delivery pa rin si Tin-tin kasi lapit na mag dec 22 eh ayaw pa rin lumabas, kaya bago mag 12am eh sapilitan na syang hinugot. Di nga sya umiyak paglabas kaya medyo tinapik pa ng doctor, then narinig ko na sya umiyak. Ang sarap ng pakiramdam, lalo nung ipatong na sya sa akin, parang nawala lahat ng sakit at hirap na dinaanan ko.
Tin-tin's first birthday
December 21, 1995
Al-Khobar, KSA
Posted by Ann ::
12:51 AM ::
48 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Thursday, May 11, 2006
Mommy...Nanay....Mama.....
Masarap kayang maging nanay? For five long years ay naging tanong ko yan sa sarili ko. Ang sarap sigurong tawaging mama, mommy, nanay o kung ano pang ibang tawag sa isang ina. Limang taon na puno ng tanong, hinanakit,inggit, kawalan ng pag-asa at kung anu-ano pa.
Ilang doctor nga ba napuntahan namin sa kagustuhang mag-kaanak, di mabilang na gamot at vitamins ang nainom. Pati hilot ay pinatulan ko. Syempre may kasabay na dasal yung mga paghingi namin sa Kanya. Yung huling OB Gyne na tumingin sa akin eh sa awa yata di na kami sinisingil ng consultation fee. Pag daw napabuntis na nya ako dun na lang ako magbayad.
Ayoko na nga mag-aatend noon ng mga party at reunion kasi naman alam naman nila na wala pa kaming anak eh yun pa ang itatanong. Parang nananadya yata. Naging mainisin at sensitive ako nung mga time na yun. Mabuti na lang at may asawa ako na nung magsabog yata ng kabaitan at kahabaan ng pasensya eh gising sya. Sya yung naging sandalan at pag-asa ko na magkakaroon din kami balang-araw.
Tinawagan nga ako ng kaibigan ko na nurse noon sa hospital sa bayan namin. Meron daw baby na 3 days pa lang pinapanganak at tinakasan ng nanay sa hospital. Bayaran lang daw yung P8,000 na gastos eh pwede na makuha yung baby at sa akin ipapangalan. Naging interesado ako at sinabi ko kay KD. Sabi nya “ang mahal naman, tawaran mo ng P1,000 at kukuha tayo ng dalawa.” Hehehe..sa madaling salita di natuloy yung pag-aampon namin.
Meron ding isang buntis na araw-araw akong pinupuntahan sa opis dahil inaalok sa akin yung magiging anak nya. Nagtitinda sya ng kakanin. Pang walo na raw kasi yon at lasenggo at walang trabaho yung asawa nya. Sa pitong anak nya ay apat lang ang nasa kanya, pinamigay din nya yung tatlo.Mahabang kwento yon. Naging interesado rin ako kaya lapit na naman ako kay KD. Sabi na naman nya “ alam mo , ikaw na rin nagsabi na puro hirap at sama ng loob ang dinaranas nung babae sa asawa, hindi nakakainom ng vitamins at nakakakain ng masustansyang pagkain sa panahon ng pagbubuntis, baka maging problema pa sa atin lalo na syo pag yung bata eh may diprensya.” Hhhmmm..may punto na naman.
Noong mag desisyon si KD na mag abroad, patay! Lalong lumabo ang pag-asa na magka-anak pa kami. After a year ay sinundo na nya ako para nga sumama na rito. Pagdating dito ay doctor rin agad ang pinuntahan namin. Balik ulit sa umpisa, napakadaming test, gamot, vitamins, fertility pills..etc. After 3 months …positive! Isang malaking milagro para sa amin yon. Tawag agad sa pinas, lahat ng kaibigan masaya para sa amin, dami kasing naghihintay sa pagdating ng baby. Ako pa lang kasi ang married sa family noon.
Tandaan ko pa 3 days bago ako manganak sabi ni KD , "halika punta tayo sa hospital", aano kako tayo dun, practice daw para pag manganganak na ako eh di sya mataranta..hehehe.. ayoko sana kasi bakit naman may practice pa pero mapilit eh di sumama na rin ako. Dun pa kami dumaan sa elevator na pang emergency para raw realistic, then tanong sya kay kabayan na nurse, “miss , san ba dito ang delivery room?” takbo naman agad si kabayan at assists nya kami. “hindi pa sya manganganak practice lang” sabi ni KD. Di ako kumikibo kasi nahihiya ako sa pinaggagagawa ng asawa ko. Tawanan nga mga nurses na pinay sa hospital.
Sa madaling salita ay naging nanay din po ako at binigyan kami ng 3 malulusog at mababait na mga anak. Lahat ng hirap at sakit ay parang wala lang sa sandaling makita mo na ang batang dinala ng siyam na buwan sa sinapupunan.
Mahaba pa sana yan kaya lang baka di na basahin ni Nang Ethel , hehehe. Ayaw nun ng mahabang post eh. Pero alam ko tatapusin nya to basahin, di ba nang ethel?
December 21, 1994
12:40am
Almana Hospital, Al-Khobar
KSA
I would like to thank ma'am teks for this one.
HAPPY MOTHER’S DAY! Most especially to my mom and to all the mothers in the world.
Posted by Ann ::
7:32 AM ::
58 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Tuesday, May 09, 2006
From Dubai with love
A good friend of mine who just came from a one week vacation in Dubai called yesterday. She said that someone sent us package and asking if KD could pick it up after office hours.
Ayaw bumaba ni Joshua sa car kaya si Dada na lang ang umakyat sa bahay nung friend namin. Pagkakita raw kung ano ang laman ng bag eh nag pose pa for picture taking.
Wow! Chocolates from Mommy Lei. Ang sweet talaga ni mommy lei, alam yung weakness ni Joshua.
Thanks Mommy lei.
Posted by Ann ::
10:42 PM ::
40 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------
Monday, May 08, 2006
Weekend
Walang night life ang Saudi na tulad ng Pinas. Kapag weekends ganito ang karaniwan na libangan namin ng mga ibang OFW . Kanya-kanyang luto ng pagkain, then dadalhin namin sa tabing dagat. May dala rin kaming tent just in case na may antukin sa mga bata, dun na muna pinapatulog. Masaya rin kahit malayo sa mga mahal sa buhay.
Pssst..Josh..di pa luto, mamaya pa ang kainan.
May mga kababayan rin na libangan ang pamimingwit ng isda, hindi dahil sa kailangan nila ng ulam kundi pampalipas oras lang. Lalo yung mga walang kasamang pamilya rito.
Minsan nga may kabayan na tuwang-tuwa kasi ang laki ng huli nya na isda, pinakita sa amin, nilagay sa timba na may tubig . Eh ang daming pusa na umaaligid sa timba, nakailang lipat sya ng lugar sa timba para maiiwas sa mga pusa. Andun na ilagay sa taas, sa tabi nya at kung saan pa. Itong si Tin-tin ko na kamag-anak yata ni Tutubing Karayom eh nagsabi kung pwede raw nya makita yung isda. Lapit sya kay kabayan dun sa tabing dagat. Mabait naman si kabayan at ibinigay pa yung timba para makita ng maayos. Hehehe..sa kasamaang palad eh nabitawan ni Tin-tin yung timba, kawawang kabayan yung huli nya eh bumalik sa dagat. Hiyang-hiya na nag sorry si Tin-tin, kami naman ni KD pagbalik ni Tin-tin eh masakit na ang tyan sa kakatawa. Imagine iniwas sa mga pusa eh kay Tin-tin pala madidisgrasya.
Yung place pala namin eh malapit sa Bharain. Yang maliwanag na yan sa picture sa itaas yan yung bridge na nagdurugtong sa Saudi at Bharain,. Almost 1 hour drive yung tulay pa lang, then sa gitna ng tulay eh andun yung Immigration, syempre may visa pa papunta roon kahit sa tulay ka lang dadaan. Yung mga gustong kumain ng baboy, uminom ng beer at mag bar hopping eh sa bharain ang punta. Mas open kasi sya kumpara sa Saudi.
Posted by Ann ::
10:54 PM ::
33 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------