Apple of my Eyes

Wednesday, April 12, 2006

SEMANA SANTA (last part)

Simula noong manggamot ang kapatid ko napilitang huminto sa pagtitinda ang mother ko para mag assist sa kanya,(4 yrs ng patay ang father ko noon) ako pa lang ang may trabaho at lahat ng kapatid ko ay nag-aaral pa. Syempre nag worry ako financially, pero sabi ng sister ko sabi daw ni Mama Mary sya ang bahala. At totoo yon, di kami tumanggap ng pera mula sa tao pero yung mga taong napagaling nya ay bumabalik para magpasalamat at may dalang bigas, ulam, gulay, gamit , atbp. Mayroon pang isang mayamang intsik na ewan kung paano napadpad sa amin, sa sobrang tuwa yata sa kanyang paggaling ay nagpa deliver ng mga electric fan, sako-sakong bigas at pinalagyan ng carpet yung room kung saan nanggagamot ang kapatid ko.


Langis ng niyog lang ang gamit nya na pampahid sa maysakit, hilot sa katawan, konting bulong sa tenga . After nyang manggamot ay naaawa ako sa kanya dahil nakakatulog sya sa pagod. Ang liit lang ng katawan nya,(15 yrs old) ang lalaki ng mga taong hinihilot nya.


Tuloy pa rin ang kanyang mga panaginip, napanaginipan nya ang paglindol sa Baguio, ang pagputok ng Pinatubo , ang Gulf war, pagbagsak ng eroplano at marami pang iba. Natakot ako nung sabi nya sa akin ate ann, malapit ba kayo sa dagat?(sa bataan ako work noon). Sabi ko malayo baket? Kasi nakita ko sa panaginip ko na may tidal wave tapos ang daming patay na tao, ang dami talaga! hinahakot nga sila ng trak eh. After few days nangyari ang Ormoc tragedy. Nung mapanood nya sa tv, yun na yun daw ang nakita nya sa panaginip nya.


May isang magandang babae na nagpagamot sa kanya. Nagulat na lang kami nung biglang mag-iiyak yung babae at naglumuhod na humihingi ng kapatawaran. Nung gabi na ay tinanong ko kung ano ang sinabi nya dun sa babae. Sabi nya alam kong may ibang lalaki ka maliban sa asawa mo na nasa abroad, wala kang sakit, konsensya mo ang bumabagabag sa yo, maawa ka sa asawa mo at mga anak.

Tandaan ko pa, dumalaw si KD sa bahay, (di pa kami noon, andun pa lang sa stage na sabi nga ng mga artista eh...getting to know each other..hehehe) Pinakilala ko sya sa sister ko. Sabi ba naman ate ann, sya ang mapapangasawa mo. (huh! ano kaya yun? Warning? hehehe).


After graduation nya sa highschool, nakiusap daw sya kay Mama Mary na sana ay wag na syang manggamot kasi gusto nyang mag-aral sa college. Pumayag daw pero pinagbilin na wag kakalimutang mag pray ng rosary everyday. Mula noon ay naging normal na ulit ang buhay ng kapatid ko.


Pero may naiwang gift sa kanya ang Mahal na Birhen, ang lakas ng kanyang sixth sense(clairvoyant). Pag may napanaginipan sya or kutob tungkol sa isang bagay ay maniwala ka dahil nagkakatotoo.At the same time may kakayahan syang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng ibang tao.Like, nakikita at nakakausap nya sa panaginip ang father ko na matagal ng patay, nasasabi ang mga bilin na gustong iparating sa amin.Medyo humahaba ang kwento pero tuloy ko na rin. Noong mamatay kasi ang father ko wala kaming pera para pambili ng lupa sa sementeryo kaya nailibing sya sa tinatawag na apartment, eh ayaw na ayaw nya roon, tandaan ko kasi nung buhay pa sya na nasabi nya sa akin na ayaw nya mailibing sa apartment.Kaya ipinarating sa akin na yung pangako ko raw na ililipat sya, ngayon ay masaya na raw sya kasi nasa memorial na sya(my father)at di na raw bumabaha roon.

Ngayon ay may asawa na sya at tatlong anak. Normal na normal ang buhay maliban sa paminsan-minsan ay dinadalaw pa rin sya ng Mahal na Birhen sa kanyang mga panaginip.

Posted by Ann :: 6:59 AM :: 25 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------