Apple of my Eyes

Wednesday, November 29, 2006

Mga shots ni Kneeko


Posted by Ann :: 3:59 PM ::
---------------oOo---------------
Foundation Day

Nag celebrate ang IPSA (International Philippine School in Al-khobar) ng kanilang 18th Foundation Day last Friday. Dito pumapasok ang mga kids ko at iba pang mga anak ng maraming ofw dito. Dito rin nagtapos ng highschool si Jong. Nasa 700 students na ang population ng school ngayon compared sa dating 500 noong mga nakaraang taon. Lahat ng estudyante rito ay mga anak ng pinoy kung hindi man ay half pinoy. May mga muslim din na galing Mindanao.

Masaya ang naging pagdiriwang at bawat level ay naghandog ng kanya-kanyang talent sa pagsayaw. From pre-schoolers up to highschool. Medyo mahigpit lang sa loob ng gym dahil pinagbawal ang malapitang pagkuha ng litrato. Pero dahil meron kaming nakuhang pasaway na photographer at gustong masubukan ang kanyang bagong laruan ay hindi naging problema ang mga litrato. (Mamaya na mga shots ng pasaway at hindi ko pa alam paano i link.)
 
Narito ang mga kuha ko na medyo malalabo dahil ang higpit ng mga CAT na bantay.


 
Josh dancing with the Beauty and the Beast theme song

 
Justin dancing with the Alladin theme song

 
Classmate ni Justin na laging tinutukso raw sa kanya.

 
Ballroom Dancing

 
My 3 apples





Everyone is raving about the all-new Yahoo! Mail beta.

Posted by Ann :: 9:10 AM :: 43 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Saturday, November 25, 2006

Truth and Lies

Medyo makatotohanan ba yung last post ko kaya medyo mahirap hulaan yung mga hindi totoo dun? Anyway, salamat sa lahat ng mga nag comment. First honor si TK na nakahula ng 3, then si Rho-anne, Jo,Tin and Ruth na nakahula ng 2, Cess, Nona, Raquel, Tina. Juana, Iskoo, Cruise, Ethel, and Malaya got 1 point each.

 

Here are the lies:

 

1. Mula noong mabuntis ako hindi na ako nagluto, ayaw ko yung amoy ng kitchen.

 

Ayaw ko talaga ang amoy ng kitchen kaya di ako nagluto pero 3 months lang yun, napilitan na rin after nang paglilihi dahil magugutom kami kapag hindi ako nagluto. Sinubukan ni kd magluto pero hindi sya nagtagumpay…hehehe..kaya kadalasan ay take out lang sya lagi sa restaurant.

 

2. Hindi ako nagpa ultrasound until 6 months yung tummy ko at baka raw makasama sa bata.

 

Wala pa nga yatang 1 month ang fetus sa tyan ko ay na ultrasound na dahil monitored nga ng doctor ang pagbubuntis ko. Then every check-up ko ay ultrasound pa rin.

 

3. Nag enroll pa kami sa "lamaze method" class parang preparations sa panganganak ko.

 

Hindi ko nga alam ito noon eh, kaya siguro nahirapan din ako sa panganganak.

 

4. Nakapahinga naman ako lagi pero bakit kaya lagi akong may manas (namamaga ang mga paa) noon.

 

Sa 3 ipinagbuntis ko ni isa ay sa kanila ay hindi ako nag manas o namaga na sabi nga ay natural sa isang buntis. Kung tutuusin ay kulang ako sa exercise dahil lagi akong tulog noon.

 

5. Pagdating ko ng 8 months ay naging anemic pa rin ako, kaya binigyan ako ng vitamins para sa dugo .

 

Kay Joshua ako naging anemic (hindi sa una) dahil hindi ko na naiinom on time ang mga gamot ko. May 2 na kasing bata na inaasikaso. Hindi ko yun binigyan ng pansin masyado dahil akala ko okay lang. Mabuti na lang at bumalik sa normal ang RBC ko dahil sa gamot.

 

 

These are all true:

 

Noong una naming malaman na buntis ako sa panganay after almost 5 years of waiting parang di kami pareho makapaniwala .

 

Basahin nyo yung previous post ko about it.

http://dhvcat1984.blogspot.com/2006/05/mommynanaymama.html

 

Mula noon lalo akong naging parang beybi sa bahay. Natutulog ako anytime of the day at walang gigising sa akin. Paggising itatanong kung ano ang gustong kainin, sarap buhay no?

 

This is true, sa gabi pa lang ay inihahanda na ni kd yung pagkain ko kinabukasan at iinit ko na lang. Pagdating nya galing sa opis ay tulog pa ako at paggising ay itatanong kung anong pagkain ang gusto ko para mabili nya sa labas o mailuto, sarap buhay di ba?

 

Wala pa ngang bukol sa tyan eh naka maternity dress na, hindi halatang excited.

 

Dati kase hanggang tingin lang ako sa lugar ng mga maternity dress, pero noong malaman ko na buntis ako namili ako agad at feeling malaki na ang tyan .

 

 

Hindi na rin ako namalantsa ng damit dahil masama raw sa baby kapag naiinitan ng singaw ng plantsa, ewan saan nabasa ni faffi yun.

 

Up to now hindi pa rin ako namamalantsa ng damit. Minsan nga nasa SM kami at may biniling damit si Tin2 na may design sa harapan. Andun pa naman mother-in-law ko, sabi ni tin2 kay kd, "Dada ,pag pinalantsa nyo po ito sa likod po dapat ha para hindi dumikit." Nabisto tuloy ni MIL.

 

Lahat ng gamot at vitamins ay naiinom ko on time. Piling-pili yung mga kinakain ko. Nagtatagal si faffi sa grocery dahil binabasa pa nya yung label ng food kung gaano kataas yung preservative contents.

 

Hindi pwedeng makaligtaan dahil si kd nagpapainom ng gamot sa akin noon. Sya rin talaga ang namimili nang kakainin ko.

 

Tama bang pati deodorant eh pagdiskitahan, pinalitan yung brand ko kasi may ingredients daw yun na cancerous sa skin.

 

Natawa nga ako dito, pag-uwi nya noon ay may dalang bagong deodorant at itinapon yung ginagamit ko eh bagong bili lang yun.

 

Kaya siguro jaundice rin si Tin2 noong lumabas, naiwan pa nga sya sa hospital ng 1 day para gamutin.

 

Naninilaw nga si tin2 noong bagong panganak, inilagay sya sa isang crib at inilawan na parang bagong pisang sisiw. Kakulangan daw sa sikat ng araw ng nanay habang nagbubuntis ang isang reason ng pagiging jaundice ng baby.


Posted by Ann :: 3:44 PM :: 32 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Wednesday, November 22, 2006

First Time

Nabasa ko ito  sa post ni Jo. Iba talaga kapag unang pagbubuntis. Kung tutuusin parang nagiging unfair ka na nga sa mga susunod pero parang tinatama mo lang din naman yung mga mali doon sa una.

 

Noong una naming malaman na buntis ako sa panganay after almost 5 years of waiting parang di kami pareho makapaniwala. Mula noon lalo akong naging parang beybi sa bahay. Natutulog ako anytime of the day at walang gigising sa akin. Paggising itatanong kung ano ang gustong kainin, sarap buhay no?

 

Wala pa ngang bukol sa tyan eh naka maternity dress na, hindi halatang excited…hehehe. Pag naglalakad laging nakaalalay si faffi, baka nga naman madulas eh maging pango yung anak (wala rin, kahit hindi nadulas…hehehe). Mula noong mabuntis ako hindi na ako nagluto, ayaw ko yung amoy ng kitchen. Hindi na rin ako namalantsa ng damit dahil masama raw sa baby kapag naiinitan ng singaw ng plantsa, ewan saan nabasa ni faffi yun.

 

Lahat ng gamot at vitamins ay naiinom ko on time. Piling-pili yung mga kinakain ko. Nagtatagal si faffi sa grocery dahil binabasa pa nya yung label ng food kung gaano kataas yung preservative contents…hehehe. Hindi nya ako pinapakain ng mga pagkain tulad ng ham, hotdogs, meat loaf or any canned goods na maaalat. Tama bang pati deodorant eh pagdiskitahan, pinalitan yung brand ko kasi may ingredients daw yun na cancerous sa skin.

 

Hindi ako nagpa ultrasound until 6 months yung tummy ko at baka raw makasama sa bata. Basta ako sunod lang sa agos dahil wala rin naman akong alam sa pagiging nanay pa noon. Hindi nga ako tumatayo nang matagal kaya yata na overdue ako kay Tin2. Nag enroll pa kami sa "lamaze method" class parang preparations sa panganganak ko. Di rin nagamit dahil nagpa epidural (painless delivery) ako sa sobrang sakit at di ko na kaya ang labor pain.

 

Nakapahinga naman ako lagi pero bakit kaya lagi akong may manas (namamaga ang mga paa) noon. Sabagay natural naman daw yun sa buntis at after manganak ay nawawala na rin. Kahit kumpleto ako sa gamot noon, pagdating ko ng 8 months ay naging anemic pa rin ako, kaya binigyan ako ng vitamins para sa dugo. Kaya siguro jaundice rin si Tin2 noong lumabas, naiwan pa nga sya sa hospital ng 1 day para gamutin sya. Pero alam kong cause nun ay yung kulang sa sikat ng araw ang nanay habang nagbubuntis.

 

May tag sa akin si Des about truth and lies na umikot na yata sa lahat ng bloggers. So, ito na rin ang sagot ko sa tag nya. Sa kwento ko sa itaas ay mayroong 5 lies. Hanapin nyo na lang in between the lines kung alin ang mga lies. Hindi naman siguro yan masyadong mahirap.

(Clue: there are 5 lies)

 



Sponsored Link


Get an Online or Campus degree - Associate's, Bachelor's, or Master's -in less than one year.

Posted by Ann :: 11:01 AM :: 29 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Saturday, November 18, 2006

Gamu-gamo sa Kanto ng East Avenue


Bata pa si Tin-tin ay kinakitaan na namin sya ng kakaibang talino. At 10 months natatawag na nya kami ng mama at papa., kaya mahigit lang syang isang taon ay marunong nang mag kwento ng mga nangyayari sa loob ng bahay. At the age of 3 ay pinasok na namin sya sa nursery, noong una ay parang seat-in lang or saling-pusa yata ang tawag dun. Siya pa ang naging first honor sa batch nila. Kaya at the age of 5 ay nasa grade one na sya. As parents, nakakatuwa na nakikita mo yung anak mo na nasa stage at tumatanggap ng awards. Hindi mabilang na quiz bee ang mga sinasalihan. Nakakanerbyos manood ng competition kapag andun pala ang anak mo, parang ako yung kinakabahan everytime na magbigay ng tanong yung teacher.

At 6, nagsabi sya na gusto nyang mag piano, ayaw pa nga syang tanggapin noong una dahil baka mahihirapan daw syang magbasa ng notes. Sabi ko sa titser try lang at kapag di kaya ay pull out ko sya. After 3 months , sya ang pinakabatang recitalists sa batch nila.







Last summer gusto naman daw yang subukan ang acting. Ayoko sana noon at baka maapektuhan ang pag-aaral nya kapag may practice or rehearsal. Pero mapilit eh kaya pinayagan na namin. Nag sketching din sya ng 4 months, nakatapos ng ilang modules, pagdating sa oil at charcoal painting ay umayaw. Marumi raw sa kamay. Di ko na lang post yung mga paintings nya at baka ma insecure si Kneeko..hehehe.

Sa ngayon ay naka enroll naman sya sa voice lesson dahil hilig din ang kumanta . I'm looking forward for her recital soon, di ko pa sya napapanood sa stage na kumakanta. After daw ng voice lesson, mag-eenroll naman daw sya sa public speaking. Gusto raw nyang sumali sa mga extemporaneous speaking competition. Sabi nga namin sa kanya, susuportahan namin sya sa mga pangarap nya.

Last October 5, pinalabas ang kanilang unang stage play. Apat na episode yung play at kasama sya sa isa sa mga ito . Ang"Gamu-gamo sa Kanto ng East Avenue." Kwento ito ng mga street children na miyembro ng isang sindikato pero may mga pangarap rin sila na makawala sa grupo at hanapin ang kanilang magandang kapalaran.

















Hindi ko gusto yung role nya as "Myra" na nabuhay sa kalsada kaya salitang kanto ang mga lumalabas sa bibig nya. Isa syang maarteng pulubi rito na pinangarap maging GRO dahil sa tingin nya ay yun ang pinakamabilis na paraan para kumita ng pera. Kaya lang sabi nga, para silang mga artista, role lang yun at hindi sila yun sa tunay na buhay.


Posted by Ann :: 9:41 AM :: 52 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Sunday, November 12, 2006

Give me Rest daw

Medyo magiging busy ako sa mga susunod na araw, mastery quiz na naman ng mga bata. Iwan ko muna itong medyo nakakatuwa at inosenteng tanong ng isang bata para may mabasa naman kayo dito sa bahay ko.

I..

Joshua: Mama, Please you buy gift for Abby.

Mama: Who's Abby?

Joshua: She's my classmate. It's Abby's birthday on Monday.

Mama: Uyyy! Crush mo no?

Joshua: Yes! But don't tell Dada ok?

Mama: Why?

Joshua: Because Dada is talkative.

Mama: Ok I'll not tell.

(talkative daw si dada nya ..hehehe)


II.

Joshua: Mama I kissed Abby:

Mama: What? Why did you kiss her?

Joshua: Mama, it's her birthday. I gave her gift then I kissed her.

Mama: Ok but next time don't kiss anybody ok?

(narinig ni kd usapan namin at tinawag si Joshua)

KD: Josh , come here! Did you kiss Abby?

Joshua: Yes! (medyo takot pa)

KD: Good! Next time you kiss her again ok?

(akala ko papagalitan, kukunsintihin pala..hehehe)


III.

Joshua: Mama, You know I have a new crush.

Mama: Oh Really! What's her name.

Joshua: I don't know yet.

Mama: Why? Where did you meet her? Classmate mo?

Joshua: No. She just asked me where's the school bus then I helped her.

(Yun lang new crush na agad.)


Kahapon habang nag-aaral kami ng lesson ni Joshua, malapit na kasi ang long test nila. Sabi nya pahinga raw muna sya kasi pagod na sya eh wala pa nga kami halos nagagawa. Sabi ko tapusin nya muna yung binigay ko. Nakatalikod ako habang may sinasagutan sya, may binabasa sya sa tabi ng altar namin . Noong una akala ko ay yung ibinigay kong reviewer. Then bigla na lang tumayo at sabi nya " Papa Jesus, please give me rest . Oh Thank you! Thank You! I will rest now." Ang bilis nyang lumabas ng room. Tiningnan ko yung binasa nya sa may altar : " Come to me all of you who are weary and burden and I will give you rest."

Sumakit ang tyan ko sa katatawa, sukat manghingi ng rest kay Papa Jesus.

Kahapon din, napilitan akong ihatid sila sa school dahil yung service nila ay hindi dumating. Tumawag yung driver medyo late na at nasa presinto raw sya at nakakulong. Nag karoon daw ng check point sa dinaanan nya at di nya napansin na yung iqama nya ay expired na pala. Ikinulong sya at kaya pala di ko matawagan ay kinuha lahat ng gamit nya. Noong hapon lang sya pinayagan na makagamit ng telepono.

Mahigpit dito sa mga iqama, kaya kapag nahuli kang may kasamang babae o lalaki na hindi mo naman asawa at wala sa iqama mo ay sa kulungan ang deretso mo. Kaya kung lalabas ng bahay ang isang contract worker dito, yun ang unang hindi dapat makalimutan na nasa wallet nya.


Posted by Ann :: 3:15 PM :: 41 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Wednesday, November 08, 2006

Blogkadahan post

Naimbitahan ako na magpost sa isang grupo ng mga bloggers, ang blogkadahan. Nakakahiya man ay pumayag ako...hehehe! Pasyalan nyo naman yung post ko dito.

Thanks to Watson and Jeanette for the invitation.

Posted by Ann :: 7:54 PM :: 22 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Monday, November 06, 2006

Bawal Magkasakit ang Nanay.

Kung sa Pilipinas ay mahal ang magkasakit, dito sa place namin na kung saan ay hindi uso ang katulong sa bahay ay bawal naman ang magkasakit lalo kung isa kang nanay.

Saturday pa ay medyo masama na ang pakiramdam ko pero walang choice kailangang tumayo at asikasuhin ang mga papasok sa school. Kinabukasan hindi na talaga ako makatayo (trangkaso), masakit ang buong katawan at may lagnat pa. Hindi na pumasok si KD sa office para may mag asikaso sa mga bata at may makasama ako sa bahay.

Naririnig ko na nagkakagulo sila sa labas dahil natataranta si kd sa pag-aasikaso sa mga bata, nagluto sya ng breakfast, baon sa school, nagpaligo kay Josh, binihisan ng uniform. Pasok sya ng pasok sa room para itanong kung nasaan ang ganitong gamit..etc. Parang transient lang sya sa bahay…hehehe.
 
Naalala ko tuloy yung isang post ni Lalaine tungkol sa nanay nya.

Madalang lang naman akong magkasakit at madalas ay weekend pa. At kapag nagkakasakit ako lagi lang si KD nagpapadeliver or take out ng pagkain (bonus na yan dun sa latest post nya) . Kaya lang sa umaga wala syang choice kundi magluto dahil wala pang bukas na restaurant dito sa ganoong oras.

Mas mahirap ang naranasan namin dito noon kapag nanganganak ako. Tandaan ko pa last time kay Joshua, 3 days dapat mag stay sa hospital kapag normal delivery pero nakiusap ako sa doctor na makalabas a day after dahil naaawa ako sa mga bata. Bawal naman kasi ang bantay sa hospital. Pagsapit ng 8pm ay pinalalabas na lahat ng visitors. Kaya that particular night ay first time ni Justin na matulog na hindi ako katabi (he was 2 yrs old then). Iyak daw nang iyak at hinahanap ako . Pinayagan naman ako ng doctor na lumabas pero pinapirma ako ng waiver. Policy kasi talaga nila 3 days sa normal at 1 week naman kapag ceasarian delivery.

May isang kaibigan ako na umuwi ng pinas dahil last baby na raw nya yung ipapanganak nya at magpapa ligate na sya. Gusto naman daw nyang maranasan ang manganak na may nanay at kapatid na nag-aalaga. Pagbalik nya rito after 2 months, iba raw talaga sa atin. Ang sarap ng pakiramdam nang inaalagaan, 5 days na raw syang nakapanganak ay inaabot pa sa kanya ang mga bagay na kailangan nya, sa kwarto pa rin sya kumakain, hindi sya ang nagpapaligo sa baby, at hindi pa rin sya naliligo, pinalampas daw muna ang one week..hehehe. Take note: yung pinampaligo nya may kasama pa raw na mga dahon-dahon na hindi nya alam kung para saan.Unlike dito bago ka lumabas ng hospital sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong maligo. Hindi ka iiwan ng nurse unless nakapaligo ka na.

Medyo napalayo ang kwento, balik tayo sa pagkakasakit ko. Pag-uwi ng mga bata galing sa school ang daming reklamo. Sana raw magaling na ako at ako na ang magluluto ng baon nila. Bakit daw ganoon ang kinain nila sa snack at lunch, ano raw ba yun? Napilitan akong tumayo at tingnan kung ano ang pinabaon ni KD sa kanila. Andun pa sa kitchen ang ebidensya kaya kinunan ko ng picture. Sabi ni KD pinili naman daw nya yung hindi sunog at yun ang pinabaon sa mga bata. 

 
Kawawa naman yung kawali ko. Tefal pa naman yan at ginagamit ko sa paggawa ng lumpia wrapper dahil non-stick, isang tingin pa lang obvious na kailangan na syang palitan. Ano sa tingin nyo ang pinabaon ni KD sa mga anak nya?


Posted by Ann :: 8:30 AM :: 33 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------

Wednesday, November 01, 2006

Trick or Treat?

Hindi kami natuloy sa trick or treat kagabi. Excited pa naman ang mga bata. Si Joshua kasi na sprain yung paa dahil tumama sa gilid ng cabinet yung paa nya habang tumatakbo sya. Gustong gumala kahit masakit kaya lang di nya talaga mailakad. Hindi naman maipinta ang mukha ni tin2 sa inis dahil hindi kami natuloy. Si Justin ok lang daw kasi maysakit ang brother nya.

 

Nangingitim nga at namamaga yung pinakamaliit na daliri sa paa. Sabi ni KD di naman daw halata kasi lahat sa kanya ay namamaga…hehehe. Nagalit tuloy si Josh, bad daw si Dada nya. Hindi nga pumasok sa school ngayon at makahiga, feeling injured talaga at ang daming utos.

 

Kagabi naman mga 12:30am na yata, habang nag-aayos ako ng mga gamit sa school ng mga bata at kasama ko si KD na nanonood ng balitang undas sa GMA. Biglang lumakas ng volume ng tv, as in malakas talaga, nagtinginan kami at hinanap ang remote. Nakita namin yung remote pero malayo naman sa amin pareho, Tumayo na lang sya para hinaan yung tv, nangyayari naman daw talaga yun paminsan-minsan…hehehe pero halata ko naman nagulat din sya. Maya-maya nag-aya nang matulog. Buti na lang andito si Josh ngayon at may kasama ako sa bahay kundi baka mangapitbahay ako ngayong maghapon.

 

Naalala ko tuloy noong wala pa kaming anak, madalas kapag hatinggabi na ay nakakarinig ako ng yabag ng mga batang naghahabulan dito sa may hallway namin (sa loob ng bahay) pero wala namang mga boses. Ginigising ko si KD pero sabi nya wala naman daw. Pero minsan sya naman ang nakarinig kaya naniwala sya. Sinubukan kong buksan yung pinto habang naririnig ko yung mga nagtatakbuhan pero wala naman akong nakita. Nakasanayan na lang namin ni KD na naririnig yon sa hatinggabi.

 

Simula noong magka-anak kami at lagi nang magulo at maingay sa bahay  nawala na rin yung mga yabag na nagtatakbuhan. Nalaman ko na lang sa kapitbahay sa ibaba ng flat namin na doon lumipat yung bata. Open kasi ang 3rd eye nung pinay na nakatira sa ibaba. Minsan daw pagdating nya galing trabaho ay dadatnan nya yung bata na  nakaupo sa sofa. Batang lalaki raw na nasa 8 taon ang edad at mukhang arabo ang hitsura. Tatayo daw yung bata at aalis. Minsan naman ay magugulat daw sya pagpasok nya sa banyo ay andun yung bata pero parang wala lang daw na dadaanan pa sya palabas ng pinto. Madalas naririnig nya yung toilet na may nag pa flush. Hindi naman daw sya natatakot dahil hindi naman daw nananakit yung bata.

 

Sabi ko nga sana magustuhan nung bata dun sa flat nya at huwag nang bumalik dito. Hindi ko kakayanin. Kahapon lang habang nanonood ako ng tv. Lahat pa naman ng palabas eh horror, biglang nag ring yung cell phone sa tabi ko, muntik na akong mapatalon sa takot. Buti na lang laging on line si Mommy Lei at may kausap ako kahapon. Di tuloy ako nakakain ng lunch dahil natakot akong lumabas sa kitchen.



Posted by Ann :: 8:21 AM :: 29 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------