Apple of my Eyes

Thursday, October 30, 2008

Buhay Saudi (OFW)

I received this from a friend at nag-enjoy lang akong magbasa dito kaya naisipan ko lang i share sa inyo. Totoo kasing nangyayari lahat ito sa isang ordinaryong ofw dito sa disyerto ng saudi arabia.


Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Saudi ka
> akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madami
> kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili
> mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi
> naubus na ang cash pinadala sa pinas,
> kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na
> sila.
>
>
>
> Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan
> libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin
> nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi
> nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag
> kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.
>
>
>
> Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary,
> pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap
> ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal,
> kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng
> balat, hay naku!
>
>
>
> Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at
> iba pa namumulot ka ng pera sa Saudi kada may problema text
> kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng ng pera!
> Hay naku...nakaka- alergic na ang text sa roaming puro
> gastos...minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa
> Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang
> talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!
>
>
>
> Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong
> bayani....naku mas masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni
> bagong bayani ay syang umaani! Utang sa Saudi lalong
> dumarami.
>
>
>
> Akala nila masarap sa Saudi di nila alam di ka na nga
> makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at
> ibayad sa utang.
>
>
>
> Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at
> naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa
> stress at problema at pag minalas pa nalalagas pa!
>
>
>
> Akala nila masarap sa Saudi kasi pag-uwi mo mestiso ka,
> maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa
> opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit
> bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas
> ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!
>
>
>
>
>
> Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam
> hulugan pa ito!
>
> Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa saudi
> maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o
> kaya sa winter na kasama ang asawa mong naka abaya at
> nakatarha.. O kaya naman tiyaga kang mag -abang ng Saptco o
> Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy
> putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak
> sa saudi .. madami mga pakistani, Bangladesh na driver na
> ubod ng baho. Pag minalas ka arabo na taxi driver na rapist
> pa!
>
>
>
> Akala nila masarap ang buhay dito sa saudi . Ang totoo,
> puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho,terminat ed ka
> gagawan ka ng kwento ng kapwa mo pilipino!. Hindi ka na
> pwedeng tumambay sa kapitbahay kase baka mamotawa ka pag
> kasama mo ang syota mo pero madami pading matatalinong
> matsing ang nakakalusot nagpapagawa ng fake na papel para
> kunwari kasal, ah letse mga imoral!!
>
>
>
> Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa
> Redsand, hidden valley, faisaliah mall, riyadh zoo,
> corniche, obhur at iba
> pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase
> minsan minsan ka lang makakapicture bawal kasi basta basta
> kumuha ng picture dito makukulong ka.
>
>
>
> Akala nila malaki na ang kinikita mo kase riyal na sweldo
> mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, pero
> riyal din ang gastos mo sa saudi. Ibig sabihin ang riyal
> mong kinita sa presyong riyal mo din gagastusin.
> Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas SAR3.00 sa Saudi , ang
> isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
> Saudi SAR 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang
> kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o heap nyan kasi nga
> umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri , kaya lang pag
> naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk .
>
>
>
> Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay
> at kotse mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky
> belo, Ang totoo nag loan ka lang sa saab,samba o Riyadh bank
> na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng
> bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito !!kasi nga
> magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!
>
>
>
> Madaming naghahangad na makarating sa Saudi. Lalo na mga
> nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, mahirap maging
> normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa
> trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo.
> Pero ganun
> din sa ibang bansa katulad lalo na kaya sa Saudi wala kang
> outlet ng stress mo !kasi madaming bawal!!! .
> Hindi ibig sabihin riyal na ang
> sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng
> buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
>
>
>
> Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
> pinagsilangan at malungkot iwanan ang
> mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
> ang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi ako
> naninira ng pangarap, gusto ko lang
> buksan ang bintana ng katotohanan.
>
>
>
> Mahirap mangibang bayan...sino ba ang may kasalanan na iwan
> sariling bayan?
>
> Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may
> kahirapan.
>
> Hangga't may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo
> ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na
> mapag-iiwanan.
>
> Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan
> mo!
>

Posted by Ann :: 10:59 AM :: 3 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------