Apple of my Eyes

Wednesday, March 29, 2006

CAMPING

As I mentioned before, our school here is still following the curriculum of the Dept. of Education in the Philippines. So, syempre kasama na rito ang camping ng mga boy/girl scouts.

Nung time na kami ang nag camping (di pa naman katagalan..hehehe) tandaan ko eh sa Mt.Arayat yata kami nagpunta, then nagkaroon ng field trip sa Clark Air Base, andun pa yung mga amerikano noon (matagal na nga).

Dito, nag camping ang mga scouts sa loob lang ng school, obviously walang bundok dito, di naman sila pwede sa disyerto kasama ang mga kamel, kambing at tupa. But, one thing I noticed eh yung kanilang campfire, yung apoy nila eh instant, unlike noon na ang mga campers ang gagawa ng apoy or siguro ngayon eh gumagamit na rin ng lighter.

You will see in the picture that there s a string attached to the building going down to the campfire,(kita ba yung string? di yata, ah basta merong tali dyan, hehehe) pagsindi nung apoy sa itaas at pagbagsak sa ibaba eh instant campfire na, so yung mga scouts eh nakaupo lang at nanonood.

One more thing, before the camping, my kids gave me the total amount I am going to pay for that affair. Imagine, yung pagkain nila eh instant din, may caterer sila..hehehe..from breakfast, snacks, lunch and dinner. Hindi sila nagluto. Mga spoiled na yata ang mga campers ngayon.

Wala lang akong idea sa camping ngayon sa Pilipinas, Ganito na rin kaya or tulad pa rin ng dati na sila lahat ang gagawa? Sabi nga eh Boy scout! Laging handa! Dito kasi parang ang nangyari eh Boy scout! Laging handa! Ang pagkain!.

Some pictures taken during the camping:








Posted by Ann :: 7:20 AM :: 19 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------