Apple of my Eyes

Tuesday, December 25, 2007

Roman Numerals

Kagabi habang tinuturuan ko si Josh sa assignment nya ay naalala nya na may practical test daw sila sa PE. Alam naman daw nya lahat ng ipapagawa sa kanila pero kung pwede ko raw syang praktisin dahil nahihirapan sya sa iba. Syempre with matching paalam sa kanya kung pwedeng may picture taking.

Pero ang main reason ko kaya gusto kong may picture ay para ma explain sa kanya na kaya sya hirap gawin yung mga ibang stunt ay dahil sa katawan nya. Gusto ko na maging aware na rin sya na hindi healthy ang ganoon kataba.

Yung mga magagaan na stunts ay kaya pa nya tulad ng ganito:






Pero pagdating sa ganitong posisyon ay hirap na talaga sya. Nasa likod nya si Justin para alalayan sya at baka kasi biglang bumaligtad. After nya gawin lahat ay napahiga sya sa pagod.






Mula noong lumamig na ang panahon dito ay hindi ko na sya pinapasundo sa service ng 3pm. Sumasabay na sya sa mga kapatid nya ng 4pm para may 1 hour sya na makapaglaro at magkaroon din ng exercise.

Ilang gabi na kaming nagkakahirapan sa pag-aaral sa Math. Nasa Roman Numerals sila ngayon. Hirap talaga syang imemorize ang mga equivalent na letters ng Hindu-Arabic sa Roman Numerals. Naisip ko lang bigla , saan nga ba ginagamit yang mga roman numerals na yan? Sabi ni KD sa relo daw…hehehe..ang gandang sagot eh no pero parang doon ko nga madalas makita. Sabi ni mmy lei sa name daw halimbawa Peter I or Peter II. Sabi ko nga kay kd susulat ako sa Dep-Ed para ipatanggal na yung roman numerals (feeling VIP...hehehe) kung wala rin lang gamit tulad ng Spanish subject namin dati sa college. Napansin ko lang daw ngayon ang roman numerals dahil nahihirapan lang akong magturo.

Saang field nga ba ginagamit ang Roman Numerals?

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com

Posted by Ann :: 11:53 AM :: 25 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------