Apple of my Eyes

Wednesday, December 05, 2007

"Teen na si Tin"

Noong maliit pa si Tin-tin hindi mo yan mapapatulog sa gabi kung hindi mo muna babasahan ng book. Kahit paulit-ulit lang yung binabasa mo ok lang sa kanya. Ngayon iba na yung mga kwentong gustong naririnig. Paulit-ulit na pinapakwento kung saan at paano raw kami nagkakilala ni kd... at kung anu-ano pa. Then noong isang araw sabi nya,
"Ma, ilang taon kayo nag-asawa?"
"22"
"Eh, ilang taon kay nagkaroon ng first boyfriend?"
(Nag-isip muna ako, sasabihin ko ba?)
"Ma! Ilang taon kayo nag ka bf?"
"15, pero 4th year na ako nun."
"Pwede na ba ako magka boyfriend?" (Hindi nya sinabi ito naisip ko lang na baka ito ang kasunod...hehehe. )

Ipaghanda ko raw sya sa birthday nya dahil marami syang invited friends. Pwede raw ba syang mag invite ng boys? Magpaalam ka kako kay Dada. Di bale na lang daw kasi sigurado na hindi papayag...hehehe.




Kung pwede raw wag na lang syang bilhan ng cake kasi hindi na sya bata. Kaso makulit yung tatay pinagawan pa rin. Noong magsisimula na ang kainan, lumabas si tin-tin sa kitchen, "Ma, si dada pinagboblow ako ng candle sa cake, nakakahiya sa mga klasmeyts ko, ang tanda ko na eh." Buti na lang may nag volunteer na bata...hehehe.


Just imagine kung ano hitsura ng room nila after ng party, buti hindi bumigay yung bed sa dami ng mga bata.Parang ang tahimik nila no? Kasi yung iba nasa PS2, merong nasa pc, gameboy at PSP. Ganyan kasi ang buhay ng mga bata rito, medyo kulang sa outdoor activities.



Bagong cellpone ang hiningi ni tin-tin na birthday gift. Katabi na nga sa pagtulog at laging nakadikit sa tenga at ginawang MP3, ni loadan kasi ng mga songs. Sinita ko minsan dahil nakita ko na puro pictures ng mga boys ang wallpaper nya. Natawa sa akin si kd dahil mga celebrity pala yun ng highschool musical yata .



Minsan naman, early in the morning nasa bathroom sya at naghahanda para sa pagpasok sa school. Naririnig ko ang ringtone na may mga pumapasok na text pero di ko naman mahanap ang cellpone. Sinundan ko yung tunog at nakatago pala sa mga damit nya sa cabinet. Kinuha ko para sana tsek kung sino ang text nang text. Di ko mabuksan dahil may security code.



Paglabas nya ng bathroom sinita ko bakit may code pa ang cellpone nya. Sabi ba naman, "Ma, give me privacy please." "Privacy-privacy ka ryan, cge mula ngayon ikaw na bumili ng load mo, gusto mo pala ng privacy." "Ma,di ka na mabiro, yan o wala ng code, binabasa kasi minsan ng mga klasmeyts ko inbox kaya nilalagyan ko ng lock."

Tumawag ang ninong nya (andito rin sa saudi) at tinatanong kung ano ang gustong gift? "Ninong, text ko na lang ho mamaya."

Heto yung text, "Ninong pwede po bang apple ipod shuffle na color pink na lang." Ok daw sabi ng ninong. Kaya kinabukasan dala na yung gift. (Kung may inaanak kayo na teenager wag nyo tatanungin ng gusto at baka humingi ng N95 na cellpone.) Papakumpilan ko nga pala si tin-tin this year baka gusto nyong anakin...hehehe.
>


How about you ilang taon ka nagkaroon ng bf/gf? Pwedeng malaman?

Posted by Ann :: 8:45 AM :: 6 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------