Apple of my Eyes

Sunday, December 03, 2006

Warning to Parents (parents to be)

May project sina Justin na piggy bank. Pinagdadala sila ng empty bottle ng mineral water, gift wrapper, colored pencils, paste and eggs tray. Kailangan na nila agad the next day. Syempre after mo mailagay sa fridge yung eggs pag bumili ka ay tapon na agad yung tray di ba? So tawag ako kay kd para bumili ng isang tray ng itlog kahit marami pa kaming eggs sa bahay. May isang parent na tumawag sa akin at baka raw meron akong tray ay share na lang yung anak nya. Pinagbilin ko kay Justin na ibigay yung isang tray dun sa klasmeyt nya. Eh malas naman at nakalimutan sa back compartment ng service yung tray. So pareho silang walang project nung bata. Sa bahay na lang pinagawa nung teacher.

Kinabukasan, tumawag sa akin yung nanay, nag sorry ako kasi nga pati anak nya nadamay na walang project. Medyo galit pero hindi sa akin kundi sa teacher. Nagsumbong daw yung anak nya na may nagbibigay naman daw ng tray sa kanya sa school kung bakit hindi pinayagan ng teacher na gumawa sya ng project. Sabi ko pati si Justin hindi rin nakagawa. Sabi ko tawagan na lang nya yung teacher kasi iba naman yung statement sa akin ni Justin para malinawan nya yung totoong dahilan.

After 30 minutes tumawag ulit sa akin :

Mom: Sis, napahiya ako dun sa teacher na tinawagan ko.
Me : Baket?
Mom: Sabi kasi nung teacher kaya di sya pinagawa sa school dahil ang dami ko raw reklamo.
Me : Ha? Anong reklamo?
Mom: Kasi pagdating ko galing trabaho , mga 8pm na, sinabi sa akin na kailangan ng
tray, eh saan naman ako maghahagilap oramismo nun , sana kung nasa pinas tayo na
pwedeng lumabas anytime na gusto mo at may tindahan sa kanto.
Me : Eh di ba bibigyan nga sana kita, nakalimutan lang.
Mom: Oo , kaso nasabi ko sa init ng ulo ko na , “Engot naman yang teacher mo, ora-orada
kung magbigay ng project eh after bang bumili ng itlog ay itatabi pa ba yung tray. Di
man lang magbigay ng kahit isang araw na palugit.
Me : Patay! Sinabi yun sa teacher?
Mom: Oo! Kaya nga ako pa tuloy ang humingi ng dispensa.


Kaya minsan ang hirap magparinig ng salita sa bata ,di ba Ayie?

Noong kinder naman si Joshua, nakausap ko yung mister nung teacher nya kasi daw natutuwa sya kay Josh. Kaya sa umaga bago sya umalis papuntang work ay kinakausap muna nya si Josh. Nagkwento raw na pag tinuturuan sya sa Math ni KD ay nasisigawan sya...hehehe.

Kinausap sya ni KD na wag sasabihin sa teacher kasi nakakahiya, oo naman sya. Pinagpaliwanagan ko rin. At sabi ko kay KD pag mahirap turuan ay wag maiinis kaya ngayon ako na nagtuturo.

Minsan sinundo namin sila sa school at pauwi na sana. Sabi ni Josh, “Dada let’s go to Mcdo.” Sabi ni kd , “sa weekend na lang at gagawa pa kayo ng homework nyo.” Sagot si Josh, “ If we will not go to Mcdo I will tell to my teacher that you are shouting at me again.” Tawa ako nang tawa. Ginamit pa na pang blackmail. Buti pala hindi sya napapalo kung hindi mas marami syang kwento.

Nakakatuwa kapag bata pa na may nagagawa silang sa tingin natin ay hindi pa nila kaya sa ganoong age. Pero dapat alam din natin yung limitations. Hindi dahil natutuwa tayo ay tama na yon sa paningin nila. Dinala namin sila sa Mcdo pero sinabihan na hindi dapat ginagamit ang ganoong sitwasyon para lang makuha o matupad yung gusto. Mula noon hindi na inulit ni Josh, It means naintindihan nya.

Posted by Ann :: 12:32 AM :: 43 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------