Apple of my Eyes
Sunday, December 02, 2007
CATERING BUSINESS
Dumaan ang pasko at bagong taon na hindi ko masyadong napansin dahil sa sobrang pagka busy sa catering. Sabi nga ni kd eh ikukuha na raw nya ako ng sariling linya ng telepono dahil sa dami ng incoming calls..hehehe. Mula kasi December 14 up to January 1 ay 10 okasyon ang naipagluto ko. Yung iba ay tinanggihan ko na dahil sabay ng araw o kaya ay magkasunod. Kahit masarap kumita ng pera kailangan din syempre ng pahinga.
Minimum number of persons na nacater ko ay nasa 40 at pinakamalaki naman ay noong December 22 na inabot ng 130 persons. 2 days yata akong walang tulog noon kaya kinailangan ko ng tulong. After ng araw na yun ay nagtulog ako maghapon.
Si Tin2 habang naghihiwa ng gulaman para sa 130 persons na buko-pandan, with matching hair net pa yan para proteksyon sa falling hair.
Si kd na tumulong na rin sa paghihiwa ng carrots at iba pang gulay.
Andito rin ang mga pictures ng ilang ulam na niluto ko. Kung gusto nyong malaman ang recipe email na lang kayo at di ko ma ipost dito. Hindi ko rin naman kasi alam ang exact measurement nyan. Nasanay ko lang lutuin dahil yan din naman lagi ang order.
Camaron Rebosado
Chicken with Cashew Nuts
Kare-Kare
Honey Fried Chicken
Turkey ham and cheese lumpia
Fish Fillet w/ Crab sticks
Beef morcon
Fish and Tofu Vegetables
Posted by Ann ::
4:16 AM ::
50 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------