Apple of my Eyes
Tuesday, April 11, 2006
SEMANA SANTA
Pag malapit na ang Holy Week di ko maiwasan na di maalala yung sister ko na minsan ay naging palaisipan sa aming lahat kung totoo o ano ba talaga ang nangyari sa kanya sa loob ng 2 taon.
One month bago mag Mahal na Araw, 15 years old lang sya noon, lagi syang umiiyak sa pagtulog at pag ginising naman namin sya ay wala syang maalala sa panaginip nya, then sabi ko ay pilitin nyang isipin kung ano yung panaginip nya dahil halos gabi-gabi ay ganoon ang nangyayari. After mga 2 weeks ay nakita na raw nya ang mukha ng babae sa panaginip nya na laging umiiyak at pilit na inaabot sa kanya yung panyo na hawak ng babae. Sa panaginip daw nya ay ayaw nyang tanggapin yung panyo pero naaawa naman sya dun sa babae. Halos gabi-gabi ay paulit-ulit na panaginip, namayat sya sa kakaisip, di makakain. Dinala namin sa doctor, wala naman daw sakit.
Isinama ko sya sa Santa Clara Convent para hilingin sa mga madre doon ang panalangin para sa kanya. Pagpasok pa lang namin sa kapilya ay napaiyak na sya. Sabi nya
Sya! Sya yung babae sa panaginip ko!! Ayaw kong maniwala pero hindi raw sya pwedeng magkamali dahil halos gabi-gabi ay nagpapakita raw ito sa kanya.
May nagpayo na dalhin namin sya sa albularyo,(faith healer) dinala namin sya doon. Pagpasok pa lang sa bahay ay sinalubong na kami agad ng albularyo at sabi nya
Bakit ngayon ka lang dumating? Matagal na kitang hinihintay. Nagulat kami lahat dahil bakit kilala nya ang kapatid ko? Ipinaliwanag ng matandang albularyo na sinabihan na raw sya ng Mahal na Birhen tungkol sa paglilipat ng panggagamot. Ayaw ng nanay ko dahil 3rd year highschool lang ang kapatid ko noon, saka bakit sya pa? Ano ang kayang gawin ng isang bata? Wala kaming nagawa, tinanggap ng kapatid ko ang responsibilidad.
Ang mga sumunod na araw ay naging napakagulo para sa amin. Nawalan kami ng privacy dahil ibat-ibang tao ang nasa bahay para mag pagamot. Mayroong galing pa sa mga napakalayong probinsya, doon na natutulog sa kanilang mga sasakyan para lang makapila sa umaga paggising ng kapatid ko. Twice a week lang sya naggagamot (Monday and Friday).
Hindi sya nahinto sa pag-aaral dahil ipinangako raw sa kanya ng Mahal na Birhen na hindi mapapabayaan ang pag-aaral nya. At ako man ay hindi makapaniwala noon na paanong ni wala syang absent sa school eh Lunes at Biernes ay nasa bahay sya at naggagamot. Paanong mayroon syang test papers sa mga araw na nasa bahay sya. Sino ang pumapasok sa school? Sino ang nakakausap ng mga kaklase nya? Sino ang katabi ng bestfriend nya sa upuan kapag Lunes at Biernes? Mga tanong na hangga ngayon eh di pa namin nasasagot.
Itutuloy.....................
Posted by Ann ::
9:20 AM ::
11 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------