Apple of my Eyes
Tuesday, May 02, 2006
Summer Vacation
Last year, nasa Pinas kami ng summer. Daming gimik di nga halos mapirmi sa bahay. This year di muna kami nagbakasyon , mula nung March eh bakasyon na sa school ang mga bata. Pag pinagmamasdan ko sila parang ako yung naiinip sa kanila sa maghapon. Dito lang sila paikot-ikot sa loob ng bahay.
Pag may napapasyal na mga kaibigan at nakikita silang naglalaro ng PS2, Gameboy o nasa harap ng computer. Nasasabi nila na swerte naman ng mga bata ngayon, high tech ang mga laruan, samantalang noon tayo eh mga plastic lang or mga kahoy lang ang laruan. Minsan naiisip ko swerte nga ba ang mga batang hindi man lang makapaglaro sa lupa, madumihan at maputikan ang mga paa, maligo at maglaro sa ulan. Na ang makakita ng rainbow, ang makasakay sa dyip, bus o MRT ay pangarap na para sa kanila. Napakaikli kasi ng isang buwan na bakasyon sa pinas para ma enjoy nila lahat yun. O baka naiisip ko lang yun dahil sa ganoong buhay ako lumaki.
Kung wala naman kami dito ngayon, hindi kaya mas mahirap na hindi kami magkakasama? Na lumaki sila na naghahanap ng kalinga ng isang ama. Sabi nga di na pwedeng ibalik yung kabataan ng mga anak. Isang bagay na pinagsisisihan ng ibang OFW na hindi nakita at narinig ang unang iyak, ngiti, paglakad at pagsasalita ng kanilang mga anak. Na kilala lamang sila sa litrato, na para silang ibang tao sa kanilang paningin.
Kaya kahit siguro ganito lang ang buhay ng mga anak ko dito mas pipiliin ko pa rin na magkakasama kami. Dahil siguro sa ganitong buhay sila lumaki at nagka-isip kaya di ko sila kinakikitaan ng pagka-inip.
Ganito sila sa bahay kapag walang pasok sa school, pag wala sa computer, nasa gameboy o PS2.
Sa simula ay magkasundo ang 2 na naglalaro ng PS2, maririnig mo yung tawanan at tuksuhan. Pero hindi dapat matatalo si Joshua, gusto nya lagi syang winner.
Ganito ang nangyayari kapag natatalo sya, siguradong may wrestling.
Posted by Ann ::
12:59 AM ::
32 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------