Apple of my Eyes

Tuesday, April 25, 2006

It is Justin s turn

Kahapon lumapit sa akin si Justin habang nasa computer ako at sabi nya Ma, bakit po lagi na lang pictures ni Joshua ang nasa blog nyo? So sabi ko sige tomorrow pictures mo naman kaya hagilap ako ng mga litrato nya kagabi. Nagulat at natuwa ako sa kanya kasi di naman sya dating nagpapapansin sa akin. Lumaki syang independent sa lahat ng bagay. Sabi nga yung middle child daw is usually neglected, hindi naman siguro , sa case ni Justin eh medyo hinihingi lang ng pagkakataon.

When Justin was about one year and 4 months old, I got pregnant with Joshua, wala sa plano kaya hindi kami handa. Dahil buntis nga ako hindi ko na sya nakakarga. Noon yung mga panahon na gusto ko nang liparin ang Pilipinas. Ang hirap nung naglilihi ka then meron kang kinder na kelangang asikasuhin kasi papasok sa school at meron pang baby na umiiyak , parang gusto mo na ring umiyak.

Noon din yung mga time na kailangan ni KD na umuwi ng Pinas dahil namatay yung father nya. Hindi na kami nakasama dahil emergency leave yon at sagot namin ang pamasahe kung sakali. Two weeks lang naman sya sa Pinas pero parang 2 years ang pakiramdam ko sa hirap ng nag-iisa sa ibang lugar tulad dito. Kaya nagulat si KD nung pagbalik nya na si Justin eh nakaupo na sa high chair at kumakaing mag-isa, marunong gumamit ng spoon and fork.

Noong dumating na sa amin si Joshua, lalong naging parang maraming bawal para kay Justin, Bawal syang lumapit kay Joshua kasi baka madaganan (2 yrs old lang sya nun). Bawal mag-ingay kasi baka magising si Joshua..and so on. Pero nakapagtatakang lumaki syang mabait at masunurin. Hindi ko sya kinakitaan ng selos o galit. Napansin lang namin sa kanya hindi sya masyadong malambing na nagpapayakap at nagpapahalik, para bang nahihiya. Kaya natuwa ako na nagsabi sya sa akin na sya naman daw ang ilagay ko sa blog ko. Hindi ko sya hinahayaan na magbasa ng blog ,masaya na sya na andun yung litrato nya.

Nag nursery at kinder si Justin na walang inuwing ugly stamps sa kamay (unlike Joshua na ipinakilala lahat sa amin ang mga stamps sa school). He is now 7 years old at grade 3 na sya sa pasukan and a consistent honor.

Sa mga hindi pa nakakakita kay KD, si Justin ang carbon copy nya.

3 months old

4 yrs old

5 yrs old

6 yrs old




7 yrs old

Posted by Ann :: 6:44 AM :: 34 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------