Apple of my Eyes

Wednesday, November 22, 2006

First Time

Nabasa ko ito  sa post ni Jo. Iba talaga kapag unang pagbubuntis. Kung tutuusin parang nagiging unfair ka na nga sa mga susunod pero parang tinatama mo lang din naman yung mga mali doon sa una.

 

Noong una naming malaman na buntis ako sa panganay after almost 5 years of waiting parang di kami pareho makapaniwala. Mula noon lalo akong naging parang beybi sa bahay. Natutulog ako anytime of the day at walang gigising sa akin. Paggising itatanong kung ano ang gustong kainin, sarap buhay no?

 

Wala pa ngang bukol sa tyan eh naka maternity dress na, hindi halatang excited…hehehe. Pag naglalakad laging nakaalalay si faffi, baka nga naman madulas eh maging pango yung anak (wala rin, kahit hindi nadulas…hehehe). Mula noong mabuntis ako hindi na ako nagluto, ayaw ko yung amoy ng kitchen. Hindi na rin ako namalantsa ng damit dahil masama raw sa baby kapag naiinitan ng singaw ng plantsa, ewan saan nabasa ni faffi yun.

 

Lahat ng gamot at vitamins ay naiinom ko on time. Piling-pili yung mga kinakain ko. Nagtatagal si faffi sa grocery dahil binabasa pa nya yung label ng food kung gaano kataas yung preservative contents…hehehe. Hindi nya ako pinapakain ng mga pagkain tulad ng ham, hotdogs, meat loaf or any canned goods na maaalat. Tama bang pati deodorant eh pagdiskitahan, pinalitan yung brand ko kasi may ingredients daw yun na cancerous sa skin.

 

Hindi ako nagpa ultrasound until 6 months yung tummy ko at baka raw makasama sa bata. Basta ako sunod lang sa agos dahil wala rin naman akong alam sa pagiging nanay pa noon. Hindi nga ako tumatayo nang matagal kaya yata na overdue ako kay Tin2. Nag enroll pa kami sa "lamaze method" class parang preparations sa panganganak ko. Di rin nagamit dahil nagpa epidural (painless delivery) ako sa sobrang sakit at di ko na kaya ang labor pain.

 

Nakapahinga naman ako lagi pero bakit kaya lagi akong may manas (namamaga ang mga paa) noon. Sabagay natural naman daw yun sa buntis at after manganak ay nawawala na rin. Kahit kumpleto ako sa gamot noon, pagdating ko ng 8 months ay naging anemic pa rin ako, kaya binigyan ako ng vitamins para sa dugo. Kaya siguro jaundice rin si Tin2 noong lumabas, naiwan pa nga sya sa hospital ng 1 day para gamutin sya. Pero alam kong cause nun ay yung kulang sa sikat ng araw ang nanay habang nagbubuntis.

 

May tag sa akin si Des about truth and lies na umikot na yata sa lahat ng bloggers. So, ito na rin ang sagot ko sa tag nya. Sa kwento ko sa itaas ay mayroong 5 lies. Hanapin nyo na lang in between the lines kung alin ang mga lies. Hindi naman siguro yan masyadong mahirap.

(Clue: there are 5 lies)

 



Sponsored Link


Get an Online or Campus degree - Associate's, Bachelor's, or Master's -in less than one year.

Posted by Ann :: 11:01 AM :: 29 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------