Kung sa Pilipinas ay mahal ang magkasakit, dito sa place namin na kung saan ay hindi uso ang katulong sa bahay ay bawal naman ang magkasakit lalo kung isa kang nanay.
Saturday pa ay medyo masama na ang pakiramdam ko pero walang choice kailangang tumayo at asikasuhin ang mga papasok sa school. Kinabukasan hindi na talaga ako makatayo (trangkaso), masakit ang buong katawan at may lagnat pa. Hindi na pumasok si
KD sa office para may mag asikaso sa mga bata at may makasama ako sa bahay.
Naririnig ko na nagkakagulo sila sa labas dahil natataranta si kd sa pag-aasikaso sa mga bata, nagluto sya ng breakfast, baon sa school, nagpaligo kay Josh, binihisan ng uniform. Pasok sya ng pasok sa room para itanong kung nasaan ang ganitong gamit..etc. Parang transient lang sya sa bahay…hehehe.
Naalala ko tuloy yung isang post ni
Lalaine tungkol sa nanay nya.
Madalang lang naman akong magkasakit at madalas ay weekend pa. At kapag nagkakasakit ako lagi lang si KD nagpapadeliver or take out ng pagkain (bonus na yan dun sa latest post nya) . Kaya lang sa umaga wala syang choice kundi magluto dahil wala pang bukas na restaurant dito sa ganoong oras.
Mas mahirap ang naranasan namin dito noon kapag nanganganak ako. Tandaan ko pa last time kay Joshua, 3 days dapat mag stay sa hospital kapag normal delivery pero nakiusap ako sa doctor na makalabas a day after dahil naaawa ako sa mga bata. Bawal naman kasi ang bantay sa hospital. Pagsapit ng 8pm ay pinalalabas na lahat ng visitors. Kaya that particular night ay first time ni Justin na matulog na hindi ako katabi (he was 2 yrs old then). Iyak daw nang iyak at hinahanap ako . Pinayagan naman ako ng doctor na lumabas pero pinapirma ako ng waiver. Policy kasi talaga nila 3 days sa normal at 1 week naman kapag ceasarian delivery.
May isang kaibigan ako na umuwi ng pinas dahil last baby na raw nya yung ipapanganak nya at magpapa ligate na sya. Gusto naman daw nyang maranasan ang manganak na may nanay at kapatid na nag-aalaga. Pagbalik nya rito after 2 months, iba raw talaga sa atin. Ang sarap ng pakiramdam nang inaalagaan, 5 days na raw syang nakapanganak ay inaabot pa sa kanya ang mga bagay na kailangan nya, sa kwarto pa rin sya kumakain, hindi sya ang nagpapaligo sa baby, at hindi pa rin sya naliligo, pinalampas daw muna ang one week..hehehe. Take note: yung pinampaligo nya may kasama pa raw na mga dahon-dahon na hindi nya alam kung para saan.Unlike dito bago ka lumabas ng hospital sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong maligo. Hindi ka iiwan ng nurse unless nakapaligo ka na.
Medyo napalayo ang kwento, balik tayo sa pagkakasakit ko. Pag-uwi ng mga bata galing sa school ang daming reklamo. Sana raw magaling na ako at ako na ang magluluto ng baon nila. Bakit daw ganoon ang kinain nila sa snack at lunch, ano raw ba yun? Napilitan akong tumayo at tingnan kung ano ang pinabaon ni KD sa kanila. Andun pa sa kitchen ang ebidensya kaya kinunan ko ng picture. Sabi ni KD pinili naman daw nya yung hindi sunog at yun ang pinabaon sa mga bata.