Apple of my Eyes

Wednesday, November 01, 2006

Trick or Treat?

Hindi kami natuloy sa trick or treat kagabi. Excited pa naman ang mga bata. Si Joshua kasi na sprain yung paa dahil tumama sa gilid ng cabinet yung paa nya habang tumatakbo sya. Gustong gumala kahit masakit kaya lang di nya talaga mailakad. Hindi naman maipinta ang mukha ni tin2 sa inis dahil hindi kami natuloy. Si Justin ok lang daw kasi maysakit ang brother nya.

 

Nangingitim nga at namamaga yung pinakamaliit na daliri sa paa. Sabi ni KD di naman daw halata kasi lahat sa kanya ay namamaga…hehehe. Nagalit tuloy si Josh, bad daw si Dada nya. Hindi nga pumasok sa school ngayon at makahiga, feeling injured talaga at ang daming utos.

 

Kagabi naman mga 12:30am na yata, habang nag-aayos ako ng mga gamit sa school ng mga bata at kasama ko si KD na nanonood ng balitang undas sa GMA. Biglang lumakas ng volume ng tv, as in malakas talaga, nagtinginan kami at hinanap ang remote. Nakita namin yung remote pero malayo naman sa amin pareho, Tumayo na lang sya para hinaan yung tv, nangyayari naman daw talaga yun paminsan-minsan…hehehe pero halata ko naman nagulat din sya. Maya-maya nag-aya nang matulog. Buti na lang andito si Josh ngayon at may kasama ako sa bahay kundi baka mangapitbahay ako ngayong maghapon.

 

Naalala ko tuloy noong wala pa kaming anak, madalas kapag hatinggabi na ay nakakarinig ako ng yabag ng mga batang naghahabulan dito sa may hallway namin (sa loob ng bahay) pero wala namang mga boses. Ginigising ko si KD pero sabi nya wala naman daw. Pero minsan sya naman ang nakarinig kaya naniwala sya. Sinubukan kong buksan yung pinto habang naririnig ko yung mga nagtatakbuhan pero wala naman akong nakita. Nakasanayan na lang namin ni KD na naririnig yon sa hatinggabi.

 

Simula noong magka-anak kami at lagi nang magulo at maingay sa bahay  nawala na rin yung mga yabag na nagtatakbuhan. Nalaman ko na lang sa kapitbahay sa ibaba ng flat namin na doon lumipat yung bata. Open kasi ang 3rd eye nung pinay na nakatira sa ibaba. Minsan daw pagdating nya galing trabaho ay dadatnan nya yung bata na  nakaupo sa sofa. Batang lalaki raw na nasa 8 taon ang edad at mukhang arabo ang hitsura. Tatayo daw yung bata at aalis. Minsan naman ay magugulat daw sya pagpasok nya sa banyo ay andun yung bata pero parang wala lang daw na dadaanan pa sya palabas ng pinto. Madalas naririnig nya yung toilet na may nag pa flush. Hindi naman daw sya natatakot dahil hindi naman daw nananakit yung bata.

 

Sabi ko nga sana magustuhan nung bata dun sa flat nya at huwag nang bumalik dito. Hindi ko kakayanin. Kahapon lang habang nanonood ako ng tv. Lahat pa naman ng palabas eh horror, biglang nag ring yung cell phone sa tabi ko, muntik na akong mapatalon sa takot. Buti na lang laging on line si Mommy Lei at may kausap ako kahapon. Di tuloy ako nakakain ng lunch dahil natakot akong lumabas sa kitchen.



Posted by Ann :: 8:21 AM :: 29 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------