Bata pa si Tin-tin ay kinakitaan na namin sya ng kakaibang talino. At 10 months natatawag na nya kami ng mama at papa., kaya mahigit lang syang isang taon ay marunong nang mag kwento ng mga nangyayari sa loob ng bahay. At the age of 3 ay pinasok na namin sya sa nursery, noong una ay parang seat-in lang or saling-pusa yata ang tawag dun. Siya pa ang naging first honor sa batch nila. Kaya at the age of 5 ay nasa grade one na sya. As parents, nakakatuwa na nakikita mo yung anak mo na nasa stage at tumatanggap ng awards. Hindi mabilang na quiz bee ang mga sinasalihan. Nakakanerbyos manood ng competition kapag andun pala ang anak mo, parang ako yung kinakabahan everytime na magbigay ng tanong yung teacher.
At 6, nagsabi sya na gusto nyang mag piano, ayaw pa nga syang tanggapin noong una dahil baka mahihirapan daw syang magbasa ng notes. Sabi ko sa titser try lang at kapag di kaya ay pull out ko sya. After 3 months , sya ang pinakabatang recitalists sa batch nila.
Last summer gusto naman daw yang subukan ang acting. Ayoko sana noon at baka maapektuhan ang pag-aaral nya kapag may practice or rehearsal. Pero mapilit eh kaya pinayagan na namin. Nag sketching din sya ng 4 months, nakatapos ng ilang modules, pagdating sa oil at charcoal painting ay umayaw. Marumi raw sa kamay. Di ko na lang post yung mga paintings nya at baka ma insecure si Kneeko..hehehe.
Sa ngayon ay naka enroll naman sya sa voice lesson dahil hilig din ang kumanta . I'm looking forward for her recital soon, di ko pa sya napapanood sa stage na kumakanta. After daw ng voice lesson, mag-eenroll naman daw sya sa public speaking. Gusto raw nyang sumali sa mga extemporaneous speaking competition. Sabi nga namin sa kanya, susuportahan namin sya sa mga pangarap nya.
Last October 5, pinalabas ang kanilang unang stage play. Apat na episode yung play at kasama sya sa isa sa mga ito . Ang"Gamu-gamo sa Kanto ng East Avenue." Kwento ito ng mga street children na miyembro ng isang sindikato pero may mga pangarap rin sila na makawala sa grupo at hanapin ang kanilang magandang kapalaran.
Hindi ko gusto yung role nya as "Myra" na nabuhay sa kalsada kaya salitang kanto ang mga lumalabas sa bibig nya. Isa syang maarteng pulubi rito na pinangarap maging GRO dahil sa tingin nya ay yun ang pinakamabilis na paraan para kumita ng pera. Kaya lang sabi nga, para silang mga artista, role lang yun at hindi sila yun sa tunay na buhay.
Posted by Ann ::
9:41 AM ::
52 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------