Apple of my Eyes

Wednesday, October 25, 2006

Holidays update pa rin!

Last Sunday, (Oct 22) ay nag picnic kami ulit sa corniche with some friends., potluck at  medyo maaga kaming naghiwa-hiwalay (12midnight) dahil baka raw madagdagan pa yung mga hindi magandang pangyayari that night.
 
Mga lima kaming families at yung iba ay mga bachelors na. May mag-asawa kaming kasama na walang anak at naisipan nilang isama yung 3 yrs old na anak ng kapitbahay nila. Masaya naman na naglalaro ang mga bata, kwentuhan naman kaming mga babae at may sarili ring topic ang mga lalaki. Napansin na lang namin na parang wala sa grupo ng mga bata yung batang lalaki na kasama ng mag-asawa. Nagkagulo na kami at kanya-kanyang hanap sa bata. Ang dami pa namang tao sa corniche , ang hirap maghanap. Kinakabahan na yung mag-asawa dahil syempre hindi naman nila anak yun, ano na lang sasabihin nila sa mga magulang ng bata.
 
After mga ilang minuto ay nakita rin, ang layo nang narating ng bata. Nagpunta sa malayong playground na may swing at slides. Walang pakialam ang bata..hehehe. Hindi nya alam ay nagkakagulo na kami sa paghahanap sa kanya.
 
Bumalik kami sa picnic ground at nagkainan na. Mga 11pm siguro ay gusto raw ni Josh ng ice cream , so punta kaming dalawa sa mcdo, walking distance lang naman mula sa place ng picnic. Akyat muna kami sa 2nd floor dahil gagamit ng bathroom. Nauna si josh mag pee, may pumasok na 2 araba at nahihiya sya kaya sinarado nya yung pinto. Nung lalabas na sya namali sya ng ikot sa lock at nasarado sya sa loob.
 
Kahit anong turo ko sa kanya ng pagbukas ay hindi nya mabuksan yung lock. Umiiyak na sya sa loob. Hanap ako ng crew, Indian pa nakita ko. Sinabi ko yung problema. Wala palang susi(key) yung mga lock dun dahil pinapa-ikot lang naman sa loob at mabubuksan na. (hirap explain yung hitsura ng mga lock, imadyinin nyo na lang). Sabi ng crew parating na raw yung supervisor nila.
 
Tinawagan ko si KD at pinapunta ko sa Mcdo. Ilang minutes na rin ay wala pa ring dumarating na tulong, nagpapalahaw na sa iyak si Josh sa loob. Tinawagan ko ulit si KD at sabi ko dumaan sa counter dahil wala pa ring umaakyat. Hindi ako maka alis at di ko maiwan si Josh. Maya-maya ay nakarinig na ako nang maingay na dumarating. May umakyat na sa mga crew at kasunod si KD na galit na galit na doon sa supervisor. Kung hindi pa nga naman sya dumating ay walang mag-aasikaso.Puro yes sir! sorry sir! at we understand sir! ang narinig ko doon sa supervisor na ewan kung anong lahi.
 
May kasama si KD na kaibigan namin na inakyat na lang yung cr kung saan na lock si Josh. Dumaan sya sa kabilang pinto at nilundag na lang yung place ni Josh. (parang mga cr sa SM, open sa taas dahil magkakatabi naman.). Paglabas ni Josh ay pawis na pawis na sa kakaiyak. Doon dumami ang mga crew , mga 5 yata silang umakyat. At yung huli ay may dala pang hagdanan. Sabi nga ni KD kung kelan nakalabas dun kayo dumating.
 
After nga ng picnic tinanong ko si Josh kung gusto nyang pumunta sa Mcdo, ayaw daw. Ngayon lang tumanggi sa mcdo. Nag ka trauma yata yung bata.  Kaya pinaka maaga naming uwi yung gabi na yon.

__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com


Posted by Ann :: 3:16 AM :: 34 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------