Nag celebrate ang IPSA (International Philippine School in Al-khobar) ng kanilang 18th Foundation Day last Friday. Dito pumapasok ang mga kids ko at iba pang mga anak ng maraming ofw dito. Dito rin nagtapos ng highschool si
Jong. Nasa 700 students na ang population ng school ngayon compared sa dating 500 noong mga nakaraang taon. Lahat ng estudyante rito ay mga anak ng pinoy kung hindi man ay half pinoy. May mga muslim din na galing Mindanao.
Masaya ang naging pagdiriwang at bawat level ay naghandog ng kanya-kanyang talent sa pagsayaw. From pre-schoolers up to highschool. Medyo mahigpit lang sa loob ng gym dahil pinagbawal ang malapitang pagkuha ng litrato. Pero dahil meron kaming nakuhang pasaway na
photographer at gustong masubukan ang kanyang bagong laruan ay hindi naging problema ang mga
litrato. (Mamaya na mga shots ng pasaway at hindi ko pa alam paano i link.)
Narito ang mga kuha ko na medyo malalabo dahil ang higpit ng mga CAT na bantay.