Apple of my Eyes

Saturday, November 25, 2006

Truth and Lies

Medyo makatotohanan ba yung last post ko kaya medyo mahirap hulaan yung mga hindi totoo dun? Anyway, salamat sa lahat ng mga nag comment. First honor si TK na nakahula ng 3, then si Rho-anne, Jo,Tin and Ruth na nakahula ng 2, Cess, Nona, Raquel, Tina. Juana, Iskoo, Cruise, Ethel, and Malaya got 1 point each.

 

Here are the lies:

 

1. Mula noong mabuntis ako hindi na ako nagluto, ayaw ko yung amoy ng kitchen.

 

Ayaw ko talaga ang amoy ng kitchen kaya di ako nagluto pero 3 months lang yun, napilitan na rin after nang paglilihi dahil magugutom kami kapag hindi ako nagluto. Sinubukan ni kd magluto pero hindi sya nagtagumpay…hehehe..kaya kadalasan ay take out lang sya lagi sa restaurant.

 

2. Hindi ako nagpa ultrasound until 6 months yung tummy ko at baka raw makasama sa bata.

 

Wala pa nga yatang 1 month ang fetus sa tyan ko ay na ultrasound na dahil monitored nga ng doctor ang pagbubuntis ko. Then every check-up ko ay ultrasound pa rin.

 

3. Nag enroll pa kami sa "lamaze method" class parang preparations sa panganganak ko.

 

Hindi ko nga alam ito noon eh, kaya siguro nahirapan din ako sa panganganak.

 

4. Nakapahinga naman ako lagi pero bakit kaya lagi akong may manas (namamaga ang mga paa) noon.

 

Sa 3 ipinagbuntis ko ni isa ay sa kanila ay hindi ako nag manas o namaga na sabi nga ay natural sa isang buntis. Kung tutuusin ay kulang ako sa exercise dahil lagi akong tulog noon.

 

5. Pagdating ko ng 8 months ay naging anemic pa rin ako, kaya binigyan ako ng vitamins para sa dugo .

 

Kay Joshua ako naging anemic (hindi sa una) dahil hindi ko na naiinom on time ang mga gamot ko. May 2 na kasing bata na inaasikaso. Hindi ko yun binigyan ng pansin masyado dahil akala ko okay lang. Mabuti na lang at bumalik sa normal ang RBC ko dahil sa gamot.

 

 

These are all true:

 

Noong una naming malaman na buntis ako sa panganay after almost 5 years of waiting parang di kami pareho makapaniwala .

 

Basahin nyo yung previous post ko about it.

http://dhvcat1984.blogspot.com/2006/05/mommynanaymama.html

 

Mula noon lalo akong naging parang beybi sa bahay. Natutulog ako anytime of the day at walang gigising sa akin. Paggising itatanong kung ano ang gustong kainin, sarap buhay no?

 

This is true, sa gabi pa lang ay inihahanda na ni kd yung pagkain ko kinabukasan at iinit ko na lang. Pagdating nya galing sa opis ay tulog pa ako at paggising ay itatanong kung anong pagkain ang gusto ko para mabili nya sa labas o mailuto, sarap buhay di ba?

 

Wala pa ngang bukol sa tyan eh naka maternity dress na, hindi halatang excited.

 

Dati kase hanggang tingin lang ako sa lugar ng mga maternity dress, pero noong malaman ko na buntis ako namili ako agad at feeling malaki na ang tyan .

 

 

Hindi na rin ako namalantsa ng damit dahil masama raw sa baby kapag naiinitan ng singaw ng plantsa, ewan saan nabasa ni faffi yun.

 

Up to now hindi pa rin ako namamalantsa ng damit. Minsan nga nasa SM kami at may biniling damit si Tin2 na may design sa harapan. Andun pa naman mother-in-law ko, sabi ni tin2 kay kd, "Dada ,pag pinalantsa nyo po ito sa likod po dapat ha para hindi dumikit." Nabisto tuloy ni MIL.

 

Lahat ng gamot at vitamins ay naiinom ko on time. Piling-pili yung mga kinakain ko. Nagtatagal si faffi sa grocery dahil binabasa pa nya yung label ng food kung gaano kataas yung preservative contents.

 

Hindi pwedeng makaligtaan dahil si kd nagpapainom ng gamot sa akin noon. Sya rin talaga ang namimili nang kakainin ko.

 

Tama bang pati deodorant eh pagdiskitahan, pinalitan yung brand ko kasi may ingredients daw yun na cancerous sa skin.

 

Natawa nga ako dito, pag-uwi nya noon ay may dalang bagong deodorant at itinapon yung ginagamit ko eh bagong bili lang yun.

 

Kaya siguro jaundice rin si Tin2 noong lumabas, naiwan pa nga sya sa hospital ng 1 day para gamutin.

 

Naninilaw nga si tin2 noong bagong panganak, inilagay sya sa isang crib at inilawan na parang bagong pisang sisiw. Kakulangan daw sa sikat ng araw ng nanay habang nagbubuntis ang isang reason ng pagiging jaundice ng baby.


Posted by Ann :: 3:44 PM :: 32 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------