Apple of my Eyes

Sunday, October 08, 2006

TUMOR?

Nagkita kami kahapon ng isang kaibigan na galing Pilipinas. Bumalik sila dito para lang bumisita sa asawa na dito pa rin nagtatrabaho. Kasama nya yung anak nya na lampas isang taon na rin ang edad. Isang batang muntik nang hindi lumabas sa mundo. Pagkakamali nga ba or kakulangan sa wastong kaalaman.
 
Irregular ang monthly period ng nanay at 4 months syang walang dalaw , sa ika-apat na buwan ay nakaramdam sya ng paglilihi. Nagpa tsek-up sa OB-Gyne, at ang result..kanser sa matris,may bukol daw o tumor, nakakagulat. Tawag agad sa akin ang kaibigan ko at umiiyak. May mga blood tests daw na ginawa at ultrasound . Ginawan na sya ng skedyul for chemotherapy. Pero dahil hindi pa rin sya makapaniwala na may sakit sya, nakiusap sya sa doktor na kung pwede ay sa isang Linggo na lang dahil magbebertday pa yung isang anak nya.
 
After the birthday, naka skedyul naman silang umuwi sa pinas para magbakasyon, napag-usapan nilang mag-asawa na doon na lang magpagamot. So, dala nila lahat ang results ng examination. Pagkabasa raw ng OB sa pinas ay pina X-ray sya agad. Laking gulat ng doktor nang makitang bata pala ang sinasabing bukol sa tyan. Natakot din daw ang doktor dahil hindi dapat na na X-ray ang nanay. Ang mali naman ng doktor sa pinas dapat hindi sya nagbase sa dalang results, dapat siguro gumawa muna sya ng sariling test bago pina x-ray.
 
Pwede rin palang magbuntis ang babae kahit hindi sya dinadatnan monthly, lumalabas na nabuo ang bata dun sa huling buwan. Nakita sa ultrasound na 6 weeks old na yung fetus sa tyan. So noong time na magpagamot sya dito ay nasa 4 weeks pa lang kaya walang heartbeat at napagkamalang tumor. Ang buong 9 na buwan ng pagbubuntis nya ay puro takot at pangamba sa magiging anak nya, natatakot sya na baka hindi maging normal dahil sa pagkaka x-ray nya sa 1st trimester ng kanyang pagbubuntis. Normal naman at malusog  ang bata paglabas.
 
Naalala ko tuloy noong magbuntis ako kay Josh. Nag pa blood test na ako at positive ang result. Pinapunta ako sa ultrasound room at tiningnan ako ng doktor. Nagulat ako nung sabihin nya na. What is this? A tumor? Are you aware of this one? Oh! It's really big!  Sabi ko sa kanya, Dok, I am pregnant. What tumor are you talking about? Nag sorry sya kase ibang file pala yung hawak nya….hehehe..buti hindi ako nakunan sa pagkagulat ko. Ikaw ba naman ang sabihan na may tumor ka sa matris.
 
Dinala naman namin sa hospital yung isang kaibigan namin na lalaki dahil sa sobrang sakit ng tyan. Pagdating doon, ibat-ibang tests din ang ginawa. Kinabukasan iniskedyul sya para sa operation ng appendix daw nya. Nagulat sya dahil two years ago ay tinanggal na ang appendix nya, same hospital and same doktor pa. Pahiya syempre yung doktor kaya ulit yung test na naman. After few hours, sa gallbladder daw pala ang dipresensya nya. Kaya hayun tinanggal ang gallbladder. Tinutukso nga namin kase 2 organs na ang wala sya. Ang tanong nga ni KD sa kanya eh kung tama kaya yung tinanggal sa kanya.
 
Ang problema lang kapag nasa ibang bansa ka kung konting pagkakamali na lang at walang buhay na nawala ay idadaan na lang sa hindi pagkibo or hindi pagrereklamo legally.


Get your own web address for just $1.99/1st yr. We'll help. Yahoo! Small Business.

Posted by Ann :: 12:57 AM :: 57 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------