Apple of my Eyes

Sunday, December 30, 2007

CHRISTMAS GIFTS

Isang bagay na hindi pa nararanasan ng mga kids ko ay ang makapag pasko sa Pilipinas. Two weeks lang kasi ang bakasyon nila sa school kaya hindi practical na magbakasyon sa pinas ng mga ganoong month. Kaya wala silang idea kung gaano kasaya para sa isang bata ang mamasko at makatanggap ng aginaldo mula sa mga kamag-anak sa araw ng pasko. Madalas ko lang maikwento sa kanila na noon kapag pasko at nagmano ka sa mga kamag-anak ay bibigyan ka nila ng aginaldo. Kahit limang piso lang yon, basta bago at matigas (fresh from the bank) ay masayang-masaya na kami.

One week bago magpasko ay kinukulit na ako ni Josh, bakit daw ang tagal ng pasko? Hindi dahil mamamasko sya sa labas kundi dahil gusto na nilang magbukas ng mga regalo. May mga natitira pa naman sa mga ninong at ninang nila rito kaya may mga regalo pa rin naman silang natatanggap. Yung mga iba ay nag-uwian na for good.

Kaya sa mismong araw ng pasko ay excited silang tatlo sa pagbubukas ng mga regalo.









Si Tin2 ay natuwa halos sa lahat ng natanggap nya, damit, perfume, stuffed toys, books, at kung anu-ano pang accessories.



Pero si Justin at Joshua kapag ganitong mga t-shirts lang ay hindi na tinatapos buksan. Mas gusto pa rin nila talaga ang toys.



At the same time ay pinagawan din namin sila ng wish list nila para sa gift na gusto nila this Christmas. Si Tin2 ay nagpabili ng guitar, kaya sa summer ay mag-eenroll sya sa guitar lesson.



Si Justin ay humiling ng cellphone pero sa tingin ko ay napakabata pa para sa 8 yrs old ang cellphone kaya pending muna yun. Mag-iisip pa raw muna sya ng iba pa. For the meantime ay ito muna raw.



Si Joshua ay humingi ng PSP…waaaahhh..ang mahal ng bala. Kaya 2 pa lang ang games nya sa ngayon at kapag nagsawa ay another kulitan na naman tyak. Kung bakit naman kasi si tito kneeko nya noong malapit na ang pasko ay hindi na nagpakita…hehehe.



Hindi man kasing-saya ng pasko sa pilipinas ang naging pasko nila rito sa loob ng 12 taon ay masaya na rin sila dahil nakakatanggap rin sila ng mga regalo sa araw ng pasko. Sa 2007 ay pipilitin namin na sa pilipinas magpasko kaya EB tayo.



Posted by Ann :: 1:15 AM :: 37 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------