Apple of my Eyes

Monday, May 15, 2006

First born

Medyo continuation ito nung huling post ko , may tanong kasi si idealpinkrose, kaya naisipan ko gawan na lang ng entry.

Dumating ako rito January, 25, 1994, after 5 days punta na kami sa OB-Gyne agad. Interview muna ng doctor, kinuha medical history namin pareho, then skedyul na yung napakaraming test, daming naubos na dugo sa kin yata noon. So nung makita na ayos naman at capable akong magbuntis sinimulan na yung gamutan, ni regulate muna monthly cycle ko kasi di sya regular that time.

March ay nag start na ako ng fertility pills, clomid ang pills na pinainom sakin. Two tablets/day for 5 days starting on the third day of my monthly cycle. I had my period on March 1, so I started taking the pills march 3 until the 7th.. Wala daw munang “ano” sabi ng doctor at kailangang mag-ipon..hehehe. On the 13th day pinabalik ako for ultrasound para ma tsek kung may egg na nabuo dun sa pills na ininom ko.Nakita sa ultrasound na meron nga 3 eggs na sunod-sunod daw at may possibility na magkaroon ng multiple pregnancy. So sabi ng doctor kay KD, “do it tonight and another one tomorrow, then stop and come back here on the 31st .” Sabi nga nung nurse "goodluck kabayan, sana may ma bulls eye ka isa man lang dun sa tatlo."

Three days bago mag 31 ay may nararamdaman na akong kakaiba pero ayokong mag expect kasi masakit pag negative na naman ang resulta. Nakailang negative ba ako sa Pilipinas di ko na mabilang. Basta alam ko noon sabi ko kay KD, “ano ba deodorant mo ngayon parang ang baho, nakakasuka ang amoy”, di naman daw sya nagpapalit ng brand. Pinatulog ko sya sa carpet hangga’t di sya nagpapalit ng brand.

On the 31st pareho kaming kabado sa hospital na nag hihintay ng resulta after akong makuhanan ng dugo. Paglabas ng result nakangiti ang doctor pero ayaw pang magsalita, pinaderetso ako sa ultrasound room at dun pinakita sa akin na positive nga yung result, nakita na rin sa screen ang parang maliit na bukol.(yun na raw yung baby). Di kami makakibo pareho ni KD dahil sa tuwa, pagkagulat at halo-halong emosyon that time. Reseta agad ng gamot ang doctor kasama na syempre yung pampakapit daw.

Wala kaming kibuan sa kotse habang pauwi. Pagdating sa bahay dun pa lang kami nag-usap, napa-iyak nga sya , tears of joy. Imagine ang tagal naming hinintay then eto na. This time it’s for real. Maraming nabago sa amin noon, nakita ko yung mga sacrifices ni KD, after office sya pa yung gagawa sa bahay, dahil napaka selan kong mag lihi. Di ako nagluluto, as in bed rest talaga. Madalang nga akong maligo noon kasi nasusuka ako sa amoy ng sabon..hehehe. Walang ilaw na bukas, walang tv at radio, ayoko ng maingay, ayoko ng maliwanag. Yung nag-iisang bintana namin ay pinatakpan ko ng makapal na carton para di pumasok yung sikat ng araw. Para daw akong aswang takot sa araw. Tatlong buwan akong ganoon. After naman nung lihi ko ay back to normal na ako, lumalabas na kami at naliligo na ako araw-araw..hehehe.

Short cut ko na lang para di humaba. After nine months manganganak na nga ako, dahil yata sa pampakapit eh overdue na ako ayaw pang lumabas, wa epek yung practice ni KD kasi pina admit na ako ng Dec 20 para induce na nga. I was in labor for 24 hours, Halos mapunit damit ni KD sa hawak ko pag sumpong nang sakit ng tyan ko. Sabi ng doctor “Nurse, fentanyl pls!” sabi ng nurse “Why doc? For the patient?” sabi ng doctor, “No! for the husband.” Tawanan yung mga nurses kasi para raw si KD yung manganganak kasi namumutla, pinainom nga ng tubig at sabi ng doctor eh lumabas muna ng room. Pwede kasing mag stay sa loob ang asawa kung gusto nya. Pero sa tingin daw ng doctor eh di kakayanin ni KD kaya pinalabas na lang sya.

Bumaba na ang BP ko kaya suggest na ang doctor na magpa painless delivery na ako (epidural), anaesthesia sa kalahati ng katawan kaya gising rin ako during the delivery. Ang sakit ng injection sa spinal, ang laki ng karayom. Imagine ang sakit sakit na nga ng tyan ko eh papabaluktot ka pa dahil ituturok yung gamot sa likod mo. At wag daw malikot dahil baka kung saan mapunta yung gamot, pwede raw akong ma paralyze pag nagkataon. Pero vacuum delivery pa rin si Tin-tin kasi lapit na mag dec 22 eh ayaw pa rin lumabas, kaya bago mag 12am eh sapilitan na syang hinugot. Di nga sya umiyak paglabas kaya medyo tinapik pa ng doctor, then narinig ko na sya umiyak. Ang sarap ng pakiramdam, lalo nung ipatong na sya sa akin, parang nawala lahat ng sakit at hirap na dinaanan ko.





Tin-tin's first birthday
December 21, 1995
Al-Khobar, KSA

Posted by Ann :: 12:51 AM :: 48 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------