Apple of my Eyes

Friday, May 05, 2006

Healthy Kids

Bakit nga ba malulusog ang mga anak namin? Minsan wala na kong maisagot sa mga nagtatanong kung ano raw ba ang pinapakain ko sa kanila. Kasi yung mga anak nila ang hirap daw pakainin, minsan may hawak pa raw na pamalo para lang kumain. Si KD may hawak rin na pamalo pero para naman huminto na sila sa pagkain..hehehe…

Meron siguro talagang mga bata na maganang kumain. Sila kasi hindi mapili, kahit anong gulay ay kinakain nila (pwera pala ampalaya), mahilig din sa mga prutas. Yung mga pagkain nga rito na amoy pa lang eh ayoko nang amuyin eh kinakain nila. Or nasanay na lang siguro sila.

Paborito nila yung shawarma (na sabi ng friend namin eh amoy kili-kili raw ng itik...hehehe) at saka yung kubus (tinapay) na may labnah cheese (maasim na cheese) sa ibabaw, at yung pizza na kulay berde na sa dami ng olives.

At syempre dapat may proof na magana nga silang kumain di ba? Take a look at these pictures.

Choose your order please......


Appetizers muna.....

Main course.....


Okay kids..you can start now.


Oh my! Where's the food?

Ooopppsss...What's that Josh? Chocolate cake or ice cream cake?



Hey Josh! Let's go home..sa bahay ka na mahiga.


Posted by Ann :: 1:23 AM :: 51 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------