Apple of my Eyes

Monday, June 12, 2006

First day of school

First day ng school, nakakatuwang tingnan yung ibat-ibang reactions ng mga parents at estudyante. Pumayag kasi yung titser na pumasok muna yung parents sa loob ng classroom tutal unang araw pa lang naman. Yung iba kasi tulad ni Joshua eh ayaw mag paiwan. May mga kuha ako sa camera ng cel kaya lang di ko alam bakit di nag save, sayang.

May mga bata na parang takot at nakasiksik sa palda ng nanay, merong hila-hila ng tatay kasi ayaw pumasok ng classroom, merong takbo agad parang dun dating nakatira..hehehe.. at home agad. Then biglang may kalabugan sa kabilang room, merong isang nursery ang nagwawala, pinagsisipa ang pinto, gustong lumabas at uuwi na raw sya. Wala naman yung parents kasi parehong may pasok. Kalahating araw yatang umiiyak.

Habang nagsusulat sila biglang nagtawanan yung sa bandang unahan kasi yung isang bata hawak pa yung lapis at nakatutok sa papel pero nakasubsob ang ulo sa desk, tulog na pala. Nung snack time na buti napansin ko si Joshua, pati yung lunch eh kakainin na sana , actually nakasubo na pala ng rice..hehehe..sinarado ko ulit yung lunch box. Akala yata eh minsanan ang pagkain.

Sa mga sumunod na araw ay hindi na pwedeng samahan ang bata sa room, so tambay kaming mga nanay sa canteen. Ano pa nga ba ang pwedeng pag-usapan maliban sa mga anak naming estudyante kundi buhay ng may buhay. Kaya nga nung Wednesday ay hindi ko na sinamahan si Joshua tutal mukhang okay na sya, muntik nga lang mawala.





Posted by Ann :: 6:31 AM :: 35 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------