Apple of my Eyes
Thursday, July 27, 2006
Spokening Dollar
Noong bagong dating ako rito sa saudi, napansin ko na yung mga batang pinoy dito ay mga spokening dollar. Ang cute pakinggan kasi ang babata pa inglisan nang inglisan. So sabi ko pag nagkaanak ako dapat spokening dollar din sya. Kaya lumaki si Tin2 na hindi marunong ng tagalog. Ipinasok namin sya sa school na english ang medium of communication. Malaking advantage kapag nasa ibang bansa ka kasi di mag-aalangan ang bata na makipag-usap kahit kaninong foreigners.
Nag ka problema lang noong magbakasyon kami sa pinas, 4 yrs old sya noon. Kalaro nya yung anak ng pinsan ko bigla na lang umiyak yung bata. Nung tanungin ko ay pinukpok daw ni tin2. Paliwanag ni Tin2, “Mama, I asked her if I can borrow the broom, she said yes, always yes, but she doesn’t want to give me the broom, so I spanked her.” Kaya pala, yung bata before kami umuwi nagsabi raw sa nanay kung pano raw ba nya kakausapin si Tin2 eh di naman sya marunong mag ingles, sabi raw ng pinsan ko basta yes ka lang yes…..
Minsan, tinawag naman ako ng mother ko galing sya sa kitchen sabi nya, “Ann , tanungin mo nga yung anak mo may hinihingi eh yung isa water daw, kaya binigyan ko ng tubig, meron pang isa eh.” Punta naman ako. Sabi ni Tin2, “ Ma, I said to apo(lola) I want water because I’m thirsty.” Ano pa raw yung isa? Sabi ng mother ko candy ba yun? Pinaliwanag ko na lang, hehehe….natawa na lang sila at di ko raw kasi turuang mag kapampangan.
Pero nung mag elementary na sila walang choice kailangan na silang pumasok sa Philippine School na kung saan ay may Filipino at Sibika subjects. Hindi ako masyadong nahirapan kay Tin2 at Justin dahil mabilis silang natuto ng tagalog, malaking tulong ang pagdating ng TFC dito sa KSA.
Nagkakahirapan lang sa pag-aaral ng mga bagay na wala rito tulad ng mga prutas, gulay, bulaklak at halaman. Ano raw ba ang avocado, chico, gumamela, makahiya, sampaloc, at iba pa na wala naman dito. Pinagbigay ng mga halimbawa ng prutas eh kiwi at peaches ang sinagot. Yun kasi ang nakikita sa mga supermatket.
At ang hirap pag-aralan ng mga bayan at probinsya sa pinas kung ngayon mo pa lang first time na maririnig di ba? Idagdag mo pa yung mga bayani, sagisag at naging mga presidente ng Pilipinas. Buti pang itanong mo kung sino ang King ng saudi at mga street dito, yun kaya nilang sagutin.
Ngayong si Joshua naman ang grade one, dobleng hirap ang inaabot ko. Ayaw nyang magsalita at matuto ng tagalog. Late bloomer kasi si Josh, almost 4 yrs old na sya nung mag start magsalita at sa english sya nasanay. Pag nag tagalog sya at nabubulol, pinagtatawanan sya ng mga klasmeyts nya. Sabi ko dapat talaga magtagalog sya, wag nya papansinin yung mga tumutukso. Mahirap daw bigkasin, hindi raw nya kaya.
Lahat ng filipino subjects nya ay ako ang nagbabasa at kailangan ko pang itranslate sa english para maintindihan nya. No wonder, ang bababa ng exams nya sa filipino at sibika. Hindi raw nagbabasa sabi ng titser, bilog lang nang bilog sa sagot.
Minsan tuloy naiisip ko, nagkamali yata kami na sa ganun namin sila pinalaki.
Posted by Ann ::
3:18 AM ::
52 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------