Apple of my Eyes

Monday, July 10, 2006

Exam Week

Examination week na naman dito ng mga bata. Sunod sila sa Philippine Dep-Ed curriculum. Monthly yung exam, isang tinatawag na mastery quiz at saka yung quarter exam. (Ganun din kaya sa pinas?) June rin ang start ng pasukan at March ang tapos. Lahat ng teachers ay mga pinoy, yung iba ay mga visa holder (galing pinas) at yung iba ay mga dependent wives dito na mga teachers din naman dati sa pinas.

Meron din silang isang arabic subject, pero hindi kasama sa computation ng final grades, required lang kasi ng gov’t dito. Kaya mas magaling pang mag arabic sa amin ang mga bata. Pagdating ng grade IV, hiwalay na ang babae sa lalaki, may regular inspection kaya hindi pwedeng hindi sila sumunod. Medyo malaki ang population ngayon compared sa mga nakaraang taon, nasa 800 students sila ngayon.

Hindi lahat ng holidays sa pinas ay ipinagdiriwang dito. Pasko lang ang may 2 weeks vacation, the rest wala na, dahil kailangan naman nilang sumunod sa holiday ng ramadan at hajj (holiday ng Islam). Saturday ang unang araw ng pasok at Thursday/Friday naman ang weekend.

Medyo mahal lang ang tuition dito compared sa quality ng education na kaya nilang ibigay. SR4000/year (P56,000). Siguro sa atin ang katumbas ay medyo magandang school na.

Pag start na ang pasukan, umpisa na rin kami sa napakabising buhay . Para rin akong naka enroll sa school dahil nababalikan ko lahat ng pinag-aralan from elementary. Ginagawan ko kasi ang mga bata ng reviewer na sinasagutan na lang nila. Dati kasi 2 lang sila ngayon 3 na kaya double time ang nanay. Pag hindi naman examination week, busy naman sa mga homeworks at projects nila. Lalo na kay Joshua dahil nasa grade one pa lang sya at tutukan talaga ang pagtuturo. So far, di ko pa naman sya napapalo pero nasisigawan minsan…hehehe.

Next time na lang ako update ulit at dami pa akong babasahin na books.

Posted by Ann :: 8:14 AM :: 43 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------