Apple of my Eyes

Monday, July 17, 2006

Justin's 8th Birthday


Last Friday lumabas kami para mag celebrate ng birthday ni Justin. Dumaan muna kami sa mall para ibili sya ng gusto nyang gift, kung kelan ka naman nagmamadali dun ka pa lalong nagtatagal. Pagdating sa mall biglang nagtawag ng “sala” or prayer time. Pag kasi "sala" sinasarado lahat ng tindahan for 20-30 mins. Kaya wala kang choice kundi maghintay sa labas. After ng prayer nakapasok na kami , medyo nalibang sa pamimili kasi ang daming sale sa loob . Palabas na sana kami nang bigla na namang sumigaw ng sala, di na naman kami nakaabot sa counter.






Bakit kasi kailangan pang magsarado ng mga tindahan, daming nasasayang na oras at pera na rin kasi tulad nung kasunod namin sa counter, ang dami nyang pinamili pero dahil inabutan ng sala at nagmamadali raw sya, di na binayaran yung pinamili, iniwan na lang at umalis na. Di ba sayang din naman yung kita nila sana.

Ginawang playground ng mga bata supermarket habang naghihintay na magbukas.



Kung nasa loob ka naman ng restoran at kumakain, di ka nga palalabasin pero papatayin naman ang mga ilaw. Kakapain mo yung kinakain mo. At kung naubusan ka ng tubig pasensya ka kasi walang tao sa counter.

Naalala ko noong nasa bakasyon kami sa pinas, papunta kami ni faffi sa SM at nahihirapan syang maghanap ng parking. Pag ka park ay tumakbo pa ako sa pagtawid, bakit daw ako nagmamadali, baka kako abutan tayo ng sala. Tawa sya nang tawa, wala nga pala kami sa Saudi. Ganun na pala katindi ang impluwensya sa akin ng buhay dito. Buti iniwan ko sa saudi ang abaya ko kundi baka maisuot ko rin paglabas.

Tumuloy na kami sa favorite restaurant ni Josh, tawag nya sa Chilis ay the spicy restaurant. Pagpasok ay sinalubong kami ng waiter, sabi nya "I’m sorry ma’am but you have to wait for at least 30 minutes, no tables available. " Ang dami ngang waiting sa loob, nagpalista na rin ako, pang walo yata kami.

Yung isang american lumapit sa naglilista at bumunot ng pera, pero sabi nung waiter “Sorry sir, we don’t accept bribe here, It’s first come first serve .” Napahiya yata or nabwisit kaya lumabas na lang. Nakita ko na pinoy yung nagsasabi kung saang table na ang available, eh di yun ang nilapitan ko. Eh di 5 minutes lang at may table na kami. Iba kasi pag kabayan. Sa wakas, nangiti rin si Justin na kanina pa wala sa mood dahil gutom na.





Posted by Ann :: 12:45 AM :: 52 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------