Apple of my Eyes
Saturday, July 01, 2006
Monster! Monster!
Last week, nasa bathroom si Josh at may meeting with the president. Biglang nagtatakbo palabas , namumutla at sumisigaw ng “Monster! Monster! Takbo agad si KD sa bathroom habang tinatanong ko si Joshua. “I saw it Mama, it’s a monster crawling on the wall, it’s looking at me, huhuhu.” Pagbalik ni KD, tawa nang tawa, ang salarin pala ay isang butiki (lizard).
First time ni Josh na makakita ng lizard sa personal, ewan kung papano nakapasok sa bahay, baby lizard pa lang sya. Mula noon naging matatakutin si Josh, pag pupunta sya ng bathroom kasama pa ako or kahit sino sa mga kapatid nya, napakalaking istorbo sa akin kasi minsan busy ako sa blog eh tatayo pa ako..hehehe..
Ano kaya kung ispreyan ko ng insecticide para mamatay na, pero parang di ko naman kayang pumatay ng butiki. Naalala ko sabi ng nanay ko noon kapag tinatanong ko kung bakit humahalik sa lupa ang mga butiki pag malapit nang dumilim. Sabi nya dati silang mga tao na isinumpa at humihingi nang tawad para bumalik na sila sa dati, naniniwala ako noon kasi nga bata pa eh.
Sabi ni KD, wag mababait yang mga butiki, kumakain yan ng mga insekto. “Eh wala naman po tayong insekto dito sa bahay.” sabi ni Justin. Oo nga naman , sa maniwala kayo at hinde, walang langaw at lamok dito sa amin. Kaya napapraning ang mga anak ko pag nasa pinas kami at nakakakita ng mga langaw na nagliliparan sa paligid.
Two days ago, nakita ko ang salarin na nahulog sa isang timba ng tubig. Gusto ko sanang tulungan na makaahon pero takot din ako baka bigla akong lundagin, so iniwan ko na lang sya at naisip ko baka yun na ang solusyon sa problema namin. At least hindi ko sya pinatay intentionally….(guilty ba ako?).
Pumasok pala si Tin2 sa bathroom at binuksan yung hose sa timba, di nya napansin yung monster sa loob, umapaw yung tubig at lumundag ang butiki. Nagsisigaw sa banyo at tumatakbong palabas. Lumaki ang problema dahil silang 3 ngayon ay ayaw nang gamitin yung isang bathroom. Kaya sa umaga pag papasok sa school ay laging naghahabol sa oras sa paliligo, dun sila lahat sa isang bathroom.
Hay…ano kaya ang gagawin ko sa butiking yon?
Posted by Ann ::
8:28 AM ::
50 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------