Apple of my Eyes
Monday, June 26, 2006
Summer in KSA
Summer na naman dito sa Saudi, kung sa pinas panahon ito ng mga picnic at swimming dito naman ito yung panahon na ayaw mong buksan man lang ang pinto para sumilip sa labas. Matagal na rin kami rito pero ito pa rin yung mga panahon na naiisip ko na sana nasa pinas na lang kami. Yung maliit namin na bintana ay tinatakpan pa ng karton bago lagyan ng blinds at patungan ng kurtina, para lang di mapasukan ng sikat ng araw. Kawawa ang mga aircon dahil 24 hrs na naman silang on duty. Buti na lang mura ang kuryente rito, suportado kasi ng gov’t.
Pag nakikita ko yung mga laborers sa construction na sa ganitong panahon ay andun pa rin sa tuktok ng ginagawang building at tinitiis ang tindi ng init, ano kaya ang pakiramdam ng mga asawa nila sa pinas? Sana alam din yun ng kanilang mga anak na sa halip na magtampo sa pagkawalay ng ama ay pagbutihin na lang ang kanilang pag-aaral. O ng mga asawa na kung gumastos ay para bang pinupulot sa disyerto ang pera.
Last Wednesday sa school ang daming bata sa clinic, halos nose bleeding ang dahilan. Natataranta tuloy yung nurse kung sino ang uunahin. Sakit din ng mga kids ko yun kaya lagi silang may nakahandang gamit sa bag. Kung tutuusin sandali lang naman yung time na expose sila sa init. Pagbaba sa bahay andyan na yung school bus, pagdating sa school malamig na. Yung PE room nila air conditioned din, di nila kakayanin kung sa gym pag summer. Pero araw-araw may reklamo sila, sana raw wala ng summer.
Kaya tuloy pagsundo namin sa kanila sa hapon ay latang-lata ang mga katawan. Umaalis sila sa bahay ng mga 7:30am then 4pm na ang labas nila. Maghapon sila sa school. Kaya sa kotse pa lang ay ganito na sila.
Pero madali naman silang gisingin, pag sinabi mong pupunta kayo sa Mcdo or KFC, walang problema nakangiti pa yang mga yan.
Posted by Ann ::
8:13 AM ::
37 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------