Apple of my Eyes
Wednesday, May 17, 2006
Panaginip
Sabi nila ang hirap minsan tandaan ng panaginip or kabaligtaran ang panaginip. In my case nagkakatotoo ang mga panaginip ko at natatandaan ko talaga in details. Noong una tahimik lang ako pag may mga napapanaginipan ako, pero mula nung nagkakatotoo na sila, nagkukwento na ako para may proof ako na nagkatotoo nga.
Nakita ko sa panaginip ko na may namatay, pero hindi ko sinilip kung sino, nakapagtataka dahil panaginip lang sya pero takot pa rin akong malaman kung sino ang namatay. Tiningnan ko na lang yung mga taong nakapaligid sa burol. Nakita ko lahat ang mukha ng mga kapatid ni hubby, mommy nya at puro relatives nila. Paggising ko sinabi ko sa kanya pero di ko sinabing sa family nila yung panaginip ko. Takot pa rin akong magkamali. Sabi lang nya “sino na naman yang pinatay mo.” Yes! “na naman” dahil hindi lang minsan, dalawa o tatlong beses na nangyari. After 2 days naka tanggap kami ng tawag mula sa pinas, inatake yung daddy ni hubby at patay nga. Well, coincidence ulit? I don’t know.
For 3 consecutive nights, nasa panaginip ko yung mag-asawa na bestfriends ko. Nasa ibang bansa yung lalaki at nasa pinas yung babae. Paulit-ulit lang naman yung dream ko na may ibang girl na yung lalaki . Sabi ko kay hubby bakit kaya? Di ko naman kako sila iniisip. So sabi nya bakit di mo sulatan or kumustahin. Dahil kaibigan ko naman yung babae, sinabi ko na rin yung panaginip ko.
Pagkabasa raw nya ng letter ko para raw syang kinabahan. Tinawagan nya yung asawa overseas. Kumustahan then sinabi yung tungkol sa letter ko. Bigla raw natahimik sa kabilang linya at parang nataranta yung kausap nya. Nagduda sya ngayon kung bakit. May mga relatives yung friend ko na kasama rin sa trabaho nung asawa nya so start syang mag imbestiga. Nalaman nya na meron nga palang ka live-in yung asawa nya dun sa ibang bansa. Ang masaklap pa nung aminin sa kanya sa teleponono ang totoo sabay sa pagtalikod sa responsibilidad sa mga anak. Tuluyan nang nakisama sa ka live-in.
Nagkita kami nung bakasyon namin sa pinas nung bestfriend ko. Umiiyak dahil sa nangyari sa married life nya. Sabi ko "I’m sorry. Siguro kasalanan ko, kung di ko sinabi sa yo yung tungkol sa panaginip ko baka hindi mo solo ngayon ang responsibilidad sa mga bata.“ Sabi naman nya mas ok nga raw na nalaman nya hangga’t maaga yung sitwasyon. Pero ewan ko ba, guilty pa rin ang pakiramdam ko. Until now pag nakaka chat ko sya at napag-uusapan namin yung nangyari. Sana sooner ay makatagpo rin sya ng totoong magmamahal sa kanya. Lagi sya sa prayers ko.
Sa mga susunod na panaginip ko, siguro mas maganda na manahimik na lang ako. Bahala na si Lord kung hahayaan nya na mangyari.
Posted by Ann ::
8:03 AM ::
59 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------