Apple of my Eyes
Monday, May 08, 2006
Weekend
Walang night life ang Saudi na tulad ng Pinas. Kapag weekends ganito ang karaniwan na libangan namin ng mga ibang OFW . Kanya-kanyang luto ng pagkain, then dadalhin namin sa tabing dagat. May dala rin kaming tent just in case na may antukin sa mga bata, dun na muna pinapatulog. Masaya rin kahit malayo sa mga mahal sa buhay.
Pssst..Josh..di pa luto, mamaya pa ang kainan.
May mga kababayan rin na libangan ang pamimingwit ng isda, hindi dahil sa kailangan nila ng ulam kundi pampalipas oras lang. Lalo yung mga walang kasamang pamilya rito.
Minsan nga may kabayan na tuwang-tuwa kasi ang laki ng huli nya na isda, pinakita sa amin, nilagay sa timba na may tubig . Eh ang daming pusa na umaaligid sa timba, nakailang lipat sya ng lugar sa timba para maiiwas sa mga pusa. Andun na ilagay sa taas, sa tabi nya at kung saan pa. Itong si Tin-tin ko na kamag-anak yata ni
Tutubing Karayom eh nagsabi kung pwede raw nya makita yung isda. Lapit sya kay kabayan dun sa tabing dagat. Mabait naman si kabayan at ibinigay pa yung timba para makita ng maayos. Hehehe..sa kasamaang palad eh nabitawan ni Tin-tin yung timba, kawawang kabayan yung huli nya eh bumalik sa dagat. Hiyang-hiya na nag sorry si Tin-tin, kami naman ni KD pagbalik ni Tin-tin eh masakit na ang tyan sa kakatawa. Imagine iniwas sa mga pusa eh kay Tin-tin pala madidisgrasya.
Yung place pala namin eh malapit sa Bharain. Yang maliwanag na yan sa picture sa itaas yan yung bridge na nagdurugtong sa Saudi at Bharain,. Almost 1 hour drive yung tulay pa lang, then sa gitna ng tulay eh andun yung Immigration, syempre may visa pa papunta roon kahit sa tulay ka lang dadaan. Yung mga gustong kumain ng baboy, uminom ng beer at mag bar hopping eh sa bharain ang punta. Mas open kasi sya kumpara sa Saudi.
Posted by Ann ::
10:54 PM ::
33 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------