Apple of my Eyes
Saturday, August 26, 2006
Career woman
Twelve years ago I worked in a financing/lending company. I know you are all familiar with this kind of business. Sabi nga nila, ito yung negosyo na di na kailangan pa ng advertisement dahil sila na ang lalapit sa iyo. And that was true, I met different kinds of people, mahirap, mayaman, mayabang, manloloko at mga pulitiko.
My job was very stressful. Kapag may pumalpak sa mga costumers ako yung magpapaliwanag sa mga stockholders. They entrusted me the company and I was the one managing it. At first wow! Ang sarap matawag na ma’am, para bang at young age ay ang layo na nang narating mo. Later on, andyan na yung bigat ng mga responsibilities. Kulang na yung maghapon sa dami ng taong kausap, kung pwede nga lang magbingi-bingihan sa bawa’t ring ng telepono. Kung pwede lang pagtaguan yung mga makukulit na costumers, at yung mga iiyakan ka talaga.
Mga halimbawa ng mga uri ng taong nakilala ko sa trabahong ito, baka sakaling mangyari sa inyo , at least magkaroon man lang kayo ng konting idea.
1) May costumer na dala ang title ng lupa at mabulaklak ang dila. After the CI (credit investigation) yung lupa pala ngayon eh isa ng basketball court ng baranggay at pag-aari ng gobyerno. Kung paano napagawan ng titulo eh may nag magic siguro sa Register of Deeds.
2) Titulo na ang location ay andun sa ikatlong bundok ng Tralala, it means hindi pwedeng isangla dahil piso lang per square meter ang market value.
3) Titulo na ang location ay malapit sa ilog, at dahil malimit bumaha at umapaw ang ilog ay halos kalahati na lang ang natira sa kanyang lupa dahil lumalaki ang sakop ng ilog.
4) Titulo na isa pa palang mother title at napakaraming tagapagmana.
5) Titulo na kapag pinatatakan mo sa Register of Deeds ay nakasangla na pala sa iba.
6) Titulo ng mag-asawa na forged lang pala ang signature ng lalaki na nasa abroad at nagwawala sa opisina nang malaman na isinangla ng asawa yung lote nila.
7) Rehistro ng sasakyan na nakapangalan pala sa tatay, di ko napansin kasi junior pala yung anak, naturalmente iisa lang ang name nila….hehehe.
8) Rehistro ng sasakyan na kapag hinanap mo yung car ay andun daw sa Mindanao at doon pumapasada bilang taxi…..waaaaahhh…
9) Babaeng inglesera at puno ng alahas sa katawan pero pag na CI mo sa ibang financing ay nasa unahan ng listahan ng bad accounts.
10) At meron ding titulo ng lupa na kahit anong hanap mo sa lugar ay wala kang makitang lupa. May magic din na nangyari.
Pero mas matinding naranasan ko ay yung may dumating na pulis sa opis at galit na galit, bakit daw nasa gitna sya ng daan at nagtatrapik ay sinisingil sya ng collector namin, magbabayad daw sya kung kailan nya gusto. Nameywang sa harapan ko at ipinakita sa akin yung kanyang baril na nakasukbit sa baywang. Namutla ba ako? Ewan di ko na matandaan basta pag-alis nya uminom ako ng maraming malamig na tubig.
Kaya nang mapunta ako ng Saudi, ang sarap ng pakiramdam, wala na akong boss, wala nang gigising sa akin sa umaga para pumasok sa opisina, wala nang magagalit kapag may palpak sa costumers at higit sa lahat wala na ring sweldo...hehehe.
Posted by Ann ::
12:37 AM ::
67 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------