Apple of my Eyes
Saturday, September 16, 2006
Busy weekend
Napaka busy ng weekend namin. Ang daming sale sa mall. Sarap sanang mag shopping kaya lang ang mga bata inaantok na, sana pala di muna kami kumain bago nag shopping. May bagong bukas kasi na restaurant kaya sabi ni KD try namin. Masarap ang food, puro pinoy ang mga waiters at ang pinakamaganda at SR45/per head (P630) eat all you can na sya. Sa bata ay kalahati lang ang charge. Medyo lugi yata sila kay Josh dun. Sama sana si Kneeko kaya lang di raw sya pwede ng Wednesday. Nag text na lang sya kinabukasan ng 11:45pm andun daw sya sa Chilis (nang-inggit pa) hhhmmm.. sino kaya ang kasama sa ganoong oras?
Thursday naman may raket ang mommy, catering of course. Friday may nagbirthday na friend. Dito sa bahay ginawa kasi yung kanilang accomodation ay hindi pwedeng magpapasok ng babae. Gabi na rin natapos ang party.
During the party nakapag kwentuhan kami ng isang matalik na kaibigan na dumalaw galing pinas. Dati rin sila rito na family status. Napilitang umuwi sa pinas kasama ang mga anak dahil siguro napapagod na rin. Ikaw ba naman ang biyayaan ng 6 na anak at yung eldest nya ay sing age lang ni Tin2. Kaya last March ay umuwi na muna at doon na ngayon nag-aaral yung apat. Nandito lang para dumalaw sa asawa at kasama yung dalawang anak na hindi pa nag-aaral.
Naitanong kasi ni Analyse ang comparison ng buhay sa pinas at dito. Sabi ng friend ko gusto raw nyang bumalik dito. Nahihirapan daw sya sa laki nang gastusin sa pinas, monthly remittance nya ay P60,000 pero kinukulang pa rin sya. Iba raw pala ang nagbabakasyon ka lang kaysa dun ka na talaga for good. Doon daw kase pati problema ng kamag-anak mo at kapitbahay ay problema mo pa rin, dahil sa dami nang naghihingi ng tulong. Ayaw naman daw maniwala ng iba na wala syang pera. Para bang kapag nasa abroad ka ay wala ka ng karapatang mawalan ng pera.
Pero ang talagang dahilan kaya gusto nilang bumalik ay ang mga bata. Dito rin kasi ipinanganak ang mga bata. Nahihirapan daw sila sa atin. Di raw nila kaya ang init ng panahon. Laging amoy-pawis. Ang dami raw ng mga estudyante sa isang section. Ang dami raw langaw at lamok. Nakakatakot daw ang dengue. Ang dami raw reklamo.....Syempre bilang isang nanay maaawa ka sa mga anak mo. Hindi iyon ang buhay na nakasanayan nila.
At sa pamimili naman, para daw ang hirap bitawan ng pera sa atin. Dito kasi ang bote ng mineral water ay SR1, sa atin daw ay nasa P15-20 yata. Parang medyo mabigat sa bulsa. (same price lang naman). Ang taas daw ng bill sa kuryente, lagi kasing naka aircon. At ang mabigat pa raw ay kapag nagkakasakit ang mga bata. Ang mahal daw magkasakit sa pinas. Dito kasi ay free ang medical namin sa mga company. Kung tutuusin ay pahinga sya sa pinas dahil may katulong sya at taga-laba unlike here na solo ang trabaho sa bahay. Pero mas ok na raw na pagod ang katawan basta pahinga ang isip.
Dati parang gusto ko na rin umuwi ng pinas at doon na lang kami ng mga bata. Naisip ko ang mga bata, mahihirapan din sila kung sakali. Isa kaya iyon sa mga dahilan kung bakit maraming families dito ang nagmimigrate sa Canada, Australia, o US kaysa mag decide na umuwi ng pinas.
Stay in the know. Pulse on the new Yahoo.com.
Check it out.
Posted by Ann ::
9:45 AM ::
52 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------