Apple of my Eyes
Thursday, August 31, 2006
Part 2
Itutuloy ko yung part 2 ng kwento para naman hindi sya bitin.
Syempre after ng mga credit investigation at okay naman ang isang kliyente, maaaprubahan yung loan nya and in a few days marerelease na yung tseke nya. Hindi lahat ay magandang magbayad, marami ring sakit ng ulo. Okay sa simula then problema sa mga susunod na bayaran. Pero sabi ko nga kapag secured ang loan di ka masyadong worried na baka di na magbayad. Minsan lang dumarating talaga sa buhay yung nalulubog ka sa problema, kahit gustong magbayad ay wala nang mapagkukunan.
Doon na papasok yung mga demandahan, lumalaki ang gastos ng kliyente kapag nakarating pa sa korte ang kaso, may mga attorneys fee na papasok at lahat yun ay ipapatong sa utang nila. Nakakatakot na nakakaawa ang humarap sa korte during the hearing. Nakakaawa dahil iiyakan ka ng tao na nagmamakaawa para sa palugit. Yung iba naiintindihan na empleyado lang naman din ako at sumusunod lang sa policy ng company.
Nakakatakot dahil may mga matatapang rin na ang katwiran wala naman daw nakukulong sa utang at the same time babantaan ka pa. Sabi ko nga sa sarili ko, ano ba itong napasukan ko, di ko pa nga nararanasan maging nanay.
Kapag dumarating yung mga pagkakataon talaga na kailangan na ng sheriff para kunin yung collateral, wala na kaming choice. Hindi ako sumasama kapag may lakad ang mga pulis, usually isa sa mga collectors at yung CI ang kasama sa lakad.
Minsan nakalabas na lahat ng collectors namin nang biglang tumawag ang mga pulis at nakita na raw nila kung saan bumibyahe yung isang sasakyan na kailangan nang ma sheriff. Hindi pwedeng walang representative ang company. Tinawagan ko si KD sa bahay (day off nya) at sabi ko kung pwede na sya na lang ang sumama sa lakad. Pumayag naman at pagbalik nila mula sa lakad ay ang tindi ng reklamo sa akin. Bakit ko raw sya pinadala sa ganun. Hindi na raw sya sasama ulit sa mga ganung lakad.
Bago raw sila dumiretso sa place ay nagmiting muna sila, may kasama syang 4 na pulis. Sabi raw ng pinaka lider nila ay ihanda ang posas at baril just in case na manlaban yung driver, meron pang plan A at plan B. Kinabahan daw sya dahil hindi naman nya alam na ganun pala kadelikado yung pinapalakad ko sa kanya. Buti na lang at naging maayos naman daw yung pagkuha sa sasakyan dahil ang may dala ay driver at hindi yung may-ari.
Lagyan na rin natin ng part 3 , problema naman sa BIR.
Maayos ang mga libro ng company namin, walang nakatago. Open sa audit anytime, laging on time sa bayaran ng tax. Pero kung bakit ang BIR hindi na nawalan ng reklamo, ang dami pa ring nakikita na mali para lang maka kickback. Sabi ng mga boss ko hayaan daw silang padala nang padala ng sulat, hayun nakarating ang kaso sa region 3. Eh sino ang mag-aasikaso roon eh di ako na naman.
Pagdating sa BIR office, kinausap ko yung taong nakapirma sa demand letter nila, itinuro ako sa isang babaeng medyo may edad na. So sabi ko baka pwedeng pag-usapan na lang yung kaso (turo skin ng boss ko..hehehe). Tumayo at pumasok sa isang kwarto, pagbalik sige daw , magkano raw ba kaya kong bayaran? Para kaming nasa palengke, nagtawaran sa tax. Nagkasundo sa presyong gusto nila pero ang resibo ay kalahati lang ang nakalagay sa tunay na presyo. Gets nyo ba? Ibig sabihin yung kalahati eh sa bulsa mapupunta. Tutal andun na rin lang ako nakipagkwentuhan na ako dun sa isang empleyado (same kami na kapampangan). Tinanong ko kung kanino napupunta yung kalahati, syempre di lang naman ako yung nag-iisang nakikipag negotiate na ganyan sa araw-araw. Sabi ba naman, centralized daw yun, kalahati sa big boss at yung kalahati ay sa mga empleyado. Wala naman daw silang magawa (meron siguro kung gugustuhin lang)....hay....kakalungkot ang gobyerno natin.
__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com
Posted by Ann ::
2:57 AM ::
23 Comments:
Post / Read Comments
---------------oOo---------------