Apple of my Eyes

Saturday, September 09, 2006

Saudi

Para kay Azel at sa iba pang may mga asawa na nandito sa Saudi at balak mag family status. Baka makatulong sa desisyon nyo na manirahan dito. Yung mga tanong mo sa mga tirahan dito, pinalabas ko si KD kahapon para kumuha ng picture ng mga bahay dito. At mission accomplished na naman sya…hehehe.




Ito yung mga kagaya ng mga tinitirhan namin dito, mga condominium type. Bawa’t floor ay may mga 6-8 na mga flats na may 2-3 bedrooms, sala, kitchen at minsan 2 bathrooms. Hindi sila furnished. Ang rentahan dito ay nasa SR12000-15000/year (P210,000). Usually ang bayaran ay every 6 months or yearly, walang masyado yung quarterly at monthly. Hindi kasama ang tubig at kuryente. Mura lang naman dito ang kuryente. Kapag winter nasa SR20-30/month (P420) at kapag summer naman na 24 hours bukas ang 3 aircon mo sa bahay ay nasa SR500(P7000) lang. Mas mura kumpara sa pinas di ba?

Yung ibang family na hindi naman nagagamit yung extra room ay pwede nilang parentahan sa ibang bachelor, di naman bawal yun. Nasa kasunduan na lang nila yun kung paano ang bayaran.





Ito naman yung mga tinatawag na compound or villas dito. Ang rentahan dito ay nasa SR35000-50000/year (P630,000) . Pero kumpleto na sa loob ng compound, furnished na ang mga bahay, libre tubig, kuryente, may swimming pool, recreational hall, may guard sa gate, may shuttle bus na maghahatid sa mga gustong lumabas. Sa madaling salita sulit din yung ibabayad mo.



Karamihan sa mga nakatira rito ay yung mga Americano, British at iba pang mga westerns na super lalaki ang mga sweldo. Ang disadvantage lang nila sila ang unang tinitira ng mga terorista kaya ganito ang higpit ng pagbabantay sa kanilang mga villas. Ang buong compound ay nakapaikot ng mga harang para di madaling mapasok ng mga terorista, matatakot ka nga minsan kase may mga tangke ng mga sundalo na nakabantay sa gate.


Sa schooling naman ng mga bata. Medyo mahal lang nang konti. Maraming Philippine School dito at mga titser din naman sa pinas , yung iba mga visa holder at yung iba ay mga dependent wives. SR4000/yr (P56,000) ang tuition at SR1500/yr (P21,000) naman sa bus service. Tumataas yun habang lumalayo ka sa place ng school. Lahat ng books ay sa pinas nabibili,pwede ring mag order sa school pero doble na ang presyo. Phil Dep-ed curriculum ang sinusunod, start ng June ang pasukan at March ang tapos.

Ang mga British and American International Schools dito ay nasa SR17,000-SR35,000/yr(P490,000) ang tuition, as usual mga westerns na naman ang mga nag-aaral dun.


Yung tungkol naman sa internet connection , malaki na ang ibinaba ngayon kumpara noon. Nasa SR3/hour(P42) na lang sa mga net café dito ang bayad. At ang DSL connection naman ay SR3000/yr (P42,000) plus meron ka pang monthly charge sa tel bill na SR120/month (P1,680). Pwede kang mag share sa DSL kung may neighbor ka na may gusto para di masyadong mabigat sa bulsa. Legal naman yun dito.


Sana medyo nakapagbigay sa iyo ng konting idea yung post ko tungkol sa buhay dito. Yung tungkol sa mga mutawa, medyo masalimuot na kwento yun, baka di pwede sa blog…hehehe.

Posted by Ann :: 12:28 PM :: 51 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------