Apple of my Eyes

Saturday, September 30, 2006

Children are unpredictable. You never know what inconsistency they're going to catch you in next. ~Franklin P. Jones

Two days ago kumakain kami ng dinner sa bahay. May hawak na bowl si Tin2 na may mainit na soup. Nakatingin kasi sa TV habang naglalakad, natisod sa carpet at bumuhos kay Justin yung soup, mabuti na lang at hindi masyadong mainit at sa paa lang tumama. Mula bata si Tin2 ay lagi kong pinag-iingat dahil may pag ka clumsy sya. Ang dalas ko ngang bumili ng baso dahil nauubos nya sa kakabasag...hehehe.
Biglang bumalik sa alaala ko more than 4 yrs ago, mahigit 1 yr old pa lang si Josh noon at naglalaro sila ni Justin. Bakasyon ng mga bata sa school kaya iba yung time ng tulog nila. Mga tulog sa araw at gising naman hanggang madaling-araw. Natutulog na si KD dahil may pasok pa kinabukasan. Galing sa kwarto si Justin at paglabas nya ay isinarado nya ang pinto. Biglang umiyak si Josh na naglalaro naman sa may likod ng pinto. Ang tindi ng iyak nya kaya takbo akong kinarga sya at pinapahinto. Nang may maramdaman akong pumatak na mainit sa paa ko. Pagtingin ko ay dugo...ang daming dugo…nagsisigaw na ako at halos mag collapse pagkakita sa dulo ng daliri nya na muntik nang mahiwalay.
Ginising ko si KD at nanghihingi ako ng towel pangtakip sa sugat para mahinto ang pagdurugo. Dumiretso sya sa kitchen at sukat basahan ang inaabot sa akin, akala pala nya ay pampunas sa carpet ang hinihingi ko, di pa kasi nya nakikita ang kamay ni Josh. Pagkakita sa daliri ay mas nag panic pa sa akin, merong kumuha sya ng tissue, ng cotton at kung anu-ano pa. (bagong gising kasi).
Pinaupo ko muna sya at pinakalma at sabi ko pupunta kaming hospital (that was 4am in the morning). Nakarating kami doon na naka pajamas lang ako at di ko na naalalang mag abaya pa. Puro dugo na rin ang damit ko at habang daan ay dasal ako nang dasal, ang nasa isip ko kasi baka di na maidugtong yung daliri nya, tingin ko kasi parang balat na lang yung nakadikit.
Pagdating sa ER ay doon pa lang nakita ni KD yung daliri ni Josh at pinalabas sya ng doktor dahil sa nakitang reaksyon nya. Ako na lang ang nakabantay habang binibigyan sya ng first aid. After ma x-ray at wala namang nabaling buto dahil sa dulo ng daliri yung naipit nya, nag skedyul na na tahiin yung daliri. Kaya lang dapat daw ay general anaesthesia dahil malikot ang bata. So, sa murang edad ni Josh ay na GA na sya.
Habang nasa labas ako ng OR at kausap yung nurse na pinay. Last year daw habang nasa duty sya biglang may idinating na bata sa ER at nagdurugo ang ulo, kasama pa sya sa mga nag-aasist para mabigyan ng first aid yung bata. Laking gulat nya noong makita na anak nya pala ang naaksidente. Iniwan daw nya noong umaga sa baby sitter. Umakyat daw sa table (sabi ng baby sitter) nahulog at tumama ang ulo sa gilid ng chair, ilang stitches din daw ang inabot.
Kinabukasan pag-uwi namin ng bahay lahat ng pinto ay nilagyan ni KD ng door stopper , pati na rin mga cabinet ay may safety lock. Ilang araw din akong parang nagka phobia sa pinto. Two days after the accident ay bigla pa akong dinatnan ng aking monthly period eh one week pa lang akong katatapos. Naalala ko tuloy yung naririnig ko dati sa nanay ko kapag makukulit kaming magkakapatid, madalas nyang sabihin na "duduguin ako sa inyo" totoo pala yun. Sa sobrang nerbyos siguro.
Kaya ngayon kapag nakikita ni Josh yung daliri nya ay madalas itanong sa akin kung bakit daw ganoon ang hitsura. Naiba kasi ang shape ng daliri nya dahil sa pagkakaipit, pati yung kuko ay iba ang hugis, tumubo naman ulit yung kuko pero hindi na sya sinlaki ng iba pa nyang kuko.



Posted by Ann :: 12:53 AM :: 46 Comments:

Post / Read Comments

---------------oOo---------------